Chapter 37: Resignation

2526 Words

Kacelyn Samiano “What?” tanong ko kay Brylle at mas lalong kumunot ang noo ko. Tumuwid siya ng tayo at mabuting humarap sa akin. “Ngiting-ngiti ka pa noong bumaba ka sa kotse ng kung sino mang naghatid sa iyo,” mapanghusga niyang tugon sa akin. Napasinghap ako dahil doon. “Kaya ka nandito? Para tingnan lang kung sinong naghatid sa akin pauwi?” Nanatili ang matalim at mapanganib niyang tingin sa akin. Saka siya marahang naglakad palapit sa akin. Dahil doon ay patuloy na lumalakas ang pagkalabog sa loob ng dibdib ko. “Siya rin ba ang kasama mo kagabi?” mapanganib na tanong niya. Naamoy ko ang alak mula sa kanya dahil na rin sa sobrang lapit niya sa akin. “A-ano?” nauutal na tanong ko. Tila bigla akong pinanghinaan ng mga tuhod dahil sa kalamigan niya sa akin. Hindi ko siya lubos na mau

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD