Kacelyn Samiano Ilang sandali pa nang makarating kami nang tuluyan sa bahay nila Briana. Mabuti na lang at may iilang gamit at damit ako dito sa kanila, dahil may mga pagkakataon talaga na dito ako nauwi o natutulog sa kanya. Pareho kaming bumaba ng sasakyan niya at masayang-masaya naman siyang pumasok sa loob ng bahay niya habang hila-hila ako. “Nandito na kami!” masayang wika niya pa pagkapasok namin sa pinto. “Kacelyn, ija,” nakangiti at nagagalak na bati sa akin ng mommy ni Briana—si Tita Ana. Lumapit ito sa amin at nakangiti akong hinagkan. “Kumusta ka na, ija?” tanong niya pa nang humiwalay siya sa akin. “Mabuti naman po, Tita,” nakangiting tugon ko sa kanya. “Kayo po? Kumusta po kayo ni Tito Briton?” magalang na tanong ko pa. Iginiya nila ako papunta sa may sala kung saan naka

