Kacelyn Samiano Nagising ako mula sa masarap at mahimbing na pagkakatulog ko dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Marahan kong iminulat ang mga mata ko saka ko lang naalala na nandito nga pala ako kina Briana. Bumangon ako at naupo sa kama habang kinukusot-kusot ko ang aking mga mata. Kinuha ko ang cellphone ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang 12 missed calls at 15 text messages sa akin. Saka ko nakita ang oras. Napatutop ako sa aking bibig. Alas dose na kasi ng tanghali. “Patay!” mahinang usal ko sa aking sarili. Masyado yatang napahimbing at napasarap ang tulog ko kaya hindi ako nagising sa alarm ng cellphone ko. Habang hawak ko pa rin ang cellphone ko ay sakto naman na bigla itong tumunog dahil sa incoming call. Lumitaw ang pangalan ni Rea mula sa screen ng cellphone ko at kaag

