Chapter 44: Where Are You?

2664 Words

Kacelyn Samiano Sinulyapan ko ang oras mula sa wristwatch na suot ko habang nagmamaneho ako. Pasado alas singko na ng hapon pero nasa Batangas na naman ako. Umunat ako saka ako humigit ng malalim na paghinga. Medyo masakit na kasi ang likod at puwitan ko dahil sa matagal na pagkakaupo. Nangangalay na rin ang mga binti at kamay ko dahil sa tagal ng biyahe. Pero okay lang, malapit na rin naman ako sa construction site. Pamilyar na sa akin ang mga nadadaanan ko. Isang beses pa lang akong nakapunta rito pero mabilis kasi akong makapamilyar sa lugar. Isa pa ay may waze din naman akong gamit sa cellphone ko. Habang nagmamaneho ako ay may nakita akong malaking sign sa tabi, na kapag kumanan daw ay shortcut iyon papuntang Brgy. Bagong Pag-asa. Iyon ang Brgy. kung nasaan ang construction site na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD