Kacelyn Samiano “Ay, ganoon ga?” tanong ng lalaking kasama ko sa lalaking nasalubong namin. “Ala eh, paparoon ka ren ga?” “Ay oo, ibabalek ko lang ireng timba kina Aleng Loz eh.” “Ay siya sige. Pakisabe mo roon kay Architect nameng poge, narine ang girlfriend niya eh,” sabi ng lalaking kasama ko sa lalaking kausap niya. “Girlfriend?” Agad namang kumislot ang puso ko sa boses na narinig ko mula sa likuran namin. Manghang lumingon doon ang dalawang lalaki sa tabi ko at hindi ko alam kung paano rin ba ako gagalaw ng mga sandaling iyon. “Sinong girlfriend ko?” Sunod-sunod akong napalunok saka marahan na lumingon sa likuran ko. Kumabog ng napakalakas ang puso ko nang masalo ko ang mga titig niya sa akin. Ang mga mata niya ay para bang nagliwanag nang makita ako. At nakaramdam naman ng tuwa

