Kacelyn Samiano “It’s good to see you. Noong isang araw pa kitang gustong makita,” Paulit-ulit ang mga salitang iyon sa isipan ko na tila ba nag-eecho ito. Mainam lamang akong nakatingin sa kanya habang mapupungay naman ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. “A-ayos ka lang ba?” hindi ko mapigilan na tanong sa kanya. “Ayos na ako ngayon na nakita kita,” tugon niya at pinilit niyang ngumiti ng masigla sa akin. “Anong maitutulong ko sa iyo? Hindi ako makapaniwala na pinuntahan mo ako ngayon dito,” dagdag niya pa. Napalunok ako saka sumagot sa kanya. “Kailangan ko kasi ang ibang details para sa construction ng Blue Prime Hotel sa ginagawa kong report. P-pero… hindi ka kasi sumasagot sa mga email ni Rea sa iyo.” “Ganoon ba? Pasensya ka na,” aniya. “Pumasok ka na muna,” alok niya sa

