Kacelyn Samiano “Ang dami mo pang sinasabi. Kumain ka na nga lang,” saad ko saka ko kinuha ang chicken soup na niluto ko para sa kanya. Sinubuan ko siya at ngiting-ngiti naman niyang tinanggap iyon. “Ang sarap,” pangbobola pa niya matapos ang unang pagsubo niya. “Itigil mo na nga ang pangbobola mo. Kumain ka lang ng kumain para makainom ka ng gamot at makapagpahinga.” “Can I ask you something?” bigla ay seryosong tanong niya sa akin. “No,” tugon ko saka ko siya muling sinubuan. Tatango-tango naman siya at hindi na nangulit pa pagkatapos. Nang matapos na siya sa pagkain ay pinainom ko na siya ng gamot at pinaubos ko sa kanya ang isang basong may tubig. Muli kong hinipo ang kanyang noo at naramdaman ko pa rin ang init ng temperatura ng katawan niya. Pero hindi na iyon kasing init tula

