Kacelyn Samiano Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. “Hindi ko alam na makikita kita ngayon dito, anak,” nakangiting sabi niya. “Kumain ka na ba? Sinong kasama mo? Malapit lan ba rito ang inuuwian mo?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya at ni hindi ko magawang magsalita. Tila ba may kung anong nagbara sa lalamunan ko kaya walang ano mang mga salita ang lumabas mula sa mga labi ko. Mainam niya akong tiningnan sa aking mga mata at nakita ko ang pangingilid ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata. “Kumusta ka na, anak?” muling usal niya. “Mom!” Agad kaming napalingon mula sa babaeng paparating. “What’s going on? Is there is something wrong?” tanong ng magandang babae nang makalapit ito sa amin. Payat at matangkad ito na may katamtamang haba

