Kacelyn Samiano Nanatili akong tahimik at walang imik sa kabila ng mga sinabi sa akin ni Brylle, habang nananatili din naman na nakapako ang mga tingin namin sa isa’t isa. Damang-dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at kung gaano ito nagwawala ngayon sa loob ko. Ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon sa naramdaman ko noong nagtapat ng pag-ibig sa akin si Anthony. Ibang-iba na para bang hindi ako makapaniwala at nag-uumapaw ang saya sa loob ko na hindi ko alam kung paano ko mailalabas ngayon. Gusto ko si Brylle. Gusto ko siya mula noon, hanggang ngayon. Yes, after all these time, I’m still into him. It’s always been him. Pero, kahit na natutuwa ang puso ko dahil sa sinabi niya, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mangamba. Lalo na at nakumpirma kong hindi niya natatandaan ang nakaraa

