Kacelyn Samiano Abot langit ang kaba at takot na nararamdaman ko habang patuloy na tinatahak ang patungo sa hospital. Patuloy rin sa paglalandas ang mga luha ko at kahit anong pigil ko ay patuloy pa rin itong kumakawala. Ilang sandali pa nang marating ko ang hospital na sinabi sa akin ni mommy. Agad akong nagtungo sa emergency room ng hospital. Mabilis kong iginala ang aking paningin sa buong paligid upang hanapin si mommy. Ngunit bigo ako. Kaya naman dumeretsyo ako papunta ng operating room. Kusang tumigil sa pagkilos ang mga paa ko nang matanaw ko si mommy sa may pintuan ng operating room. Patuloy siya sa paghagulgol habang punong-puno ng mga mantsa ng dugo ang kanyang suot na damit. Napalunok ako at pilit kong tinibayan ang loob ko. Nang lalapit na sana ako kay mommy ay sakto naman

