Kacelyn Samiano “Oo, may gusto akong gawin. Gusto mong malaman kung ano?” tanong ko kay Brylle at mas lalo namang lumapad ang pagkakangisi niya sa akin. “Ano iyon?” malumanay niyang tanong habang nakangisi pa rin. “Gusto kitang mawala sa paningin ko,” saad ko habang may sarkastikong ngiti sa kanya. Pero nagulat ako nang mas lalo lamang siyang tumawa dahil doon. Weird! “Anong nakakatawa?” taas-kilay na tanong ko sa kanya. “Ikaw?” deretsyong sagot niya. “Ako? Eh hindi naman ako nagpapatawa eh—” “Lagi ka bang ganyan?” putol niya sa akin. “Ano?” “Lagi kang masungit?” “Depende sa kausap ko,” mataray na tugon ko sa kanya. “Lalo tuloy akong nacu-curious sa iyo,” marahang wika niya habang mainam na nakatingin sa akin. “Ganyan ka ba talaga?” kunot- noong tanong ko sa kanya. “What?” “

