Kacelyn Samiano Marahan at bahagya akong lumapit kay Brylle. “Anong motel ang sinasabi mo dyan?” bulong ko rito. Sasagutin niya sana ako nang bigla namang magsalita ang matandang babae na pinagtanungan niya kanina. “Deretsyuhin niyo lang ang daan na iyan,” nakangiting sabi ng matandang babae sa amin. “Tapos kumanan kayo sa unang kanto, may mga kainan at mayroon ding mga bahay-pahingahan doon,” dagdag pa nito. “Maraming salamat po,” nakangiting sabi ni Brylle sa matandang babae. Magsisimula na sana ulit kaming maglakad nang awatin naman kami ng matandang babae at may inabot siyang isang payong sa amin. “Gamitin ninyo. Para hindi kayo tuluyang mabasa,” mabait na sabi pa nito sa amin. “Salamat po. Ibabalik ko po ito sa inyo bukas,” ani Brylle. “May isa pa po ba kayong payong na pwede

