Kacelyn Samiano Pikit-mata kong kinapa ang cellphone ko sa bedside table nang mag-vibrate ito. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at isang mensahe ang natanggap ko mula kay Briana. Bago ko iyon basahin ay tiningnan ko na muna ang oras doon. Alas kwatro y medya na ng madaling araw. Pero mababaw lamang ang tulog ko dahil na rin sa pag-iisip kung nasaan si Brylle o kung saan ito nagpapalipas ng oras. Tamad akong bumangon habang kinukusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Naupo ako saka ko muling tiningnan ang cellphone ko at binasa ang mensahe ni Briana doon. From: Briana We’re on our way na. Kumusta? Nakatulog ka ba ng ayos dyan? Ayos ka lang ba? Agad akong nagtipa ng mensaheng ire-reply sa kanya. To: Briana I’m good. Don’t worry about me. Ingat kayo. Sakto na pagka-send ko ng message

