"Babantayan kita, Arlene, huwag kang mag-alala. Hindi ka nila makukuha. Huwag ka ring magpapauto sa kanila. Okay?" Pagpapakalma sa akin ni Rod. "I'm sorry Arlene, kung pinagdudahan kita na myembro ka nila. Kamag-anak kasi ng dating may-ari ng Villa na 'to ang mga Trinidad." Paghingi ng paumanhin ni Gio sa akin. "Hindi naman ang mga Trinidad ang kamag-anak nila kundi yung asawa nung matandang Trinidad, si Mariana Syjuco. Pinsan ng asawa ng nagbenta kina mama ng Villa. Nawawala rin ang anak niya. Biktima rin ng kulto na 'yon. Same year nang mawala si Diana." "Tama ka. Si Almira. Kaibigan ko siya. Magkaibigan sila ni Mama." Napahinga ng malalim si Diana. Lumagok ng kape si Gio. "She's dead. Nakita ko siya sa Annex. She's a ghost. Although hindi ko sila naririnig, pero I can see them cryin

