Lunch time na, may break ako ng 2 hours bago ang next class ko. Nag-ikot-ikot ako sa buong building para pasimpleng hanapin ang Red Tourmaline na maaaring ginamit sa pagcocontain ng ghosts sa building. Hindi maaaring narito lang sila at nagdurusa matapos makatikim ng kalupitan sa kamay ng mga Trinidad at ng buong kulto. I can't imagine being abused in front of other people. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naiisip ko na 30 years nang ginagawa ng mga Trinidad ang bagay na 'yon. I walked on the 5th floor, and decided to go to the library. Nasa far end kasi 'yon ng 5th floor at halos apat na malalaking silid na combined ang katumbas. Posible na may Red Tourmaline dito. Inisa-isa ko ang hilera ng book shelf habang kunwaring naghahanap ng librong mababasa, at pasimple kong nilingon ang bawat dul

