CHAPTER 8: Gideon

962 Words
ELOISA: Twenty Three nang lumuwas siya nang ibang bansa para mag trabaho. Sa canada siya noon. Pero nang lumipat ng Italy ang kanyang boss, sinama siya nito. Doon niya nakilala si Gideon. Naging mag kaibigan sila nito dahil palagi ito nagpupunta sa resto kung saan siya nagta-trabaho. Nang mga panahong iyon ay umalis na siya sa kanyang Canadian employer. Kaya nag apply naman siya bilang waitress sa isang resto sa Tuscany. Matapos ang isang taon nilang naging magkaibigan naging panatag na siya sa lalaki. Mabait si Gideon. Mataas ang respeto sa kanya kahit pa na isa lamang siyang serbedor noon. Nalaman niya na galing ito sa mayamang pamilya at isa ito sa bilyonaryo na nakatira ngayon sa Sicily. Pag tapos na ang shift niya. Isinasama siya nito papunta sa mansyon nito sa Altamonte. Mag isa lang ito sa malaking mansyon na iyon. Bukod sa mga kasambahay at driver ay wala na itong iba pang kasama. May mga iilan rin itong bodyguard na pinagkakatiwalaan nito. Lahat iyon ay pinakilala sa kanya ni Gideon. Nong nagkaroon ng problema sa resto, pinatalsik siya ng may ari. Kahit na pinagtatanggol lang niya ang sarili mula sa manyak na lalaking humipo sa kanyang butt. At dahil mayaman din ang lalaking iyon kaya siya ang tinanggal imbis na panagutin ito sa kabastosan nito sa kanya. Naulit pa nang maraming beses ang mga tagpo na iyon. At sa tuwing nangyayari ang pangbabastos sa kanya ni Markie ay naroon si Gideon para iligtas sya. Nalaman niya kay Gideon na si Markie pala ay anak ng isa sa mga shareholder ng kompanya nito. Arrogante ang lalaki. At makapal ang mukha na ligawan siya. Flashback: Two years ago: ____ "Ano bang ayaw mo sa akin? Handa naman akong magbago basta hayaan mo ako na ligawan kita." Napahinto si Eloisa mula sa paglalakad nang hinarang siya ni Markie. Palabas na siya ng Auditorium, tapos na kasi ang trabaho niya. At kailangan na niyang umuwi dahil magkikita pa sila ni Gideon. " Markie, hindi pa ako nababaliw para payagan 'yang gusto mo." Yamot niyang turun sa lalaki. "Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga kabastusan mo sa akin, sige nga. Paano ako magkakagusto sa gaya mo kong ang simpleng good moral at right conduct ay wala ka?" Sabi niya. Talagang mataas ang tingin nito sa sarili. Napakayabang rin nito. Kong kanina ay asal tupa ito habang sinsabi na liligawan siya. Ngayon ay kulang nalang ay sakmalin siya nito sa leeg. Pero hindi sya nagpasindak rito. Nakipagtitigan siya sa lalaki hanggang sa ito ang kusang yumuko pero umiiling. Parang baliw. Muli itong tumingin sa kanya. Dumilim ang anyo nito. "Napaka hirap mong paamuin, Eloisa. Sino ka ba? Isa ka lang namang waitress dati. Nadikit kalang sa gagong Gideon na iyon ay akala mo na kapantay mo na ako. Para sabihin ko sa iyo ay babae ang nagkakandarapa sa harap ko. Pero ito ako... Nasa harap mo. Pinag aaksayahan ka ng oras. Feeling mo ba special ka? Hindi. Na tsa-challenge lang ako sa iyo. Kasi sa buong buhay ko ay ngayon lang ako na basted. Tapos sa isang hamak lang na gaya mo? Hindi lang isang beses- maraming beses." Gigil nitong sumbat sa mukha niya. Muntik pa siya napapikit ng maamoy niya ang hininga nito. Hindi naman mabaho pero amoy alak at sigarilyo. Guwapo ito walang duda. Pero ang dahilan kong bakit ayaw niya sa lalaki ay dahil sa barumbado ito. Bastos at walang modo. Sino naman ang gugustuhin na ganoon ang magiging boyfriend? "Iyon naman pala e. Ano pa ang problema mo? Sasabihin ko ulit ha kaya makinig ka." Aniya. " Hindi kita gusto. Hindi kita kailanman gugustuhin maging boyfriend. Hindi ngayon, hindi bukas, at lalong hindi kailanman." Ginaya pa niya ang sikat na linya ni Melba Tiangco sa palabas nitong magpakailanman! Pagkakatapos sabihin iyon ay nilampasan na niya ito dahil para itont naging tood sa narinig sa kanya. Umiigting ang panga ni Markie. Pero hindi nito magawang sunggaban siya dahil marami ang mata sa paligid. Kumukulo any dugo nito sa kanya alam niya iyon. Nasa isang coffee shop sila ni Gideon nang mabanggit niya ang pag uusap nila ni Markie. At halos mamuti ang mga kamao nito dahil sa mahigpit na Pagkakakuyom niyon sa ibabaw ng mesa. Hinawakan niya iyon. " That asshole. He won't stop until he finally has you." Halata ang inis sa tono ng kaibigan. "Di ko na alam paano tatakasan iyon. Babalik pa rin iyon para kulitin ako ulit." Nasa iisang building lang rin sila. Pareho sila ng kompanya na pinapasukan. Secretary siya ni Gideon. Si Markie naman ay Board Member ng kompanya. Kaya maimpluwensiyang tao rin ito. "I have an idea," Napatitig siya kay Gideon. Ngumisi ito sa kanya. " Ano?" " Marry me," Anunsyo nito. Hindi siya agad nakapagsalita matapos iyon. ayaw niyang idamay ito sa problema niya kay Markie. pero mapilit si Gideon. Hindi nakontento si Markie, Paulit-ulit siyang ginagambala ng lalaki hanggang sa iyon na rin ang nagtulak sa kanya na pumayag sa suhestiyon ng kaibigan. Wala rin naman mawawala kong pakasalan niya si Gideon. bukod sa guwapo ito ay mayaman din. pero hindi iyon ang rason bakit siya pumayag. kundi ang proteksyon nito. Alam niyang ligtas siya kapag ito ang kasama niya. Sa isang private villa ginanap ang kasal nila. piling tao lang ang inimbitahan, may iilang taga media ang alam ang kasal nila pero hindi iyon pinalabas pa sa kagustuhan na rin ni Gideon. Napabuntong hininga siya matapos maalala ang nakaraan. At muling ipinagpatuloy ang paghuhugas. Muli niyang pinagmasdan si Damone na hanggang ngayon at nakatayo pa rin sa ilalim ng puno ng mangga. pero ngayon ay nakatitig na ito sa akin. Muling tumibok ang puso ko habang nakatitig sa kanya. Napansin ko ang tila lungkot sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD