CHAPTER 7: Sadness

1145 Words
ELOISA: ****** "Ano pa’ng bibilhin mo? Let me help you carry that. Ang bigat niyan, tapos mag-isa ka lang. Give it to me,” sabi ni Damone, akmang kukunin ang bayong na hawak ko. Iniwas ko ito agad. “Kaya ko na. Sanay ako sa ganito.” May nakita akong bilihan ng isda kaya doon ako dumiretso. Sumunod lang siya sa likod ko. Para tuloy akong may bodyguard. Sa tangkad at laki ng katawan niya, agaw-pansin siya sa palengke. Ilang tao ang napapalingon sa amin lalo na sa kanya. Hindi rin naman nakapagtataka. Guwapo talaga siya. Tsk. “Ale, magkano po ang kilo?” tanong ko, sabay turo sa malaking tuna na makintab at mukhang presko "Dalawang kilo nito, Magkano po?” " Six hundred,". sagot ng tindera, nakangiti. Sinabi ko kung ilan ang kailangan ko at agad niya itong tinimbang. Pagkatapos kong magbayad, inabot ko na sana ang supot—pero naunahan ako ni Damone. Siya mismo ang naglagay nito sa bayong at saka kinuha mula sa akin. Wala na akong nagawa kundi bitawan. Siya na ang nagbitbit. Napabuntong-hininga na lang ako. Ang kulit talaga niya. Paglabas namin ng talipapa, napabili pa ako ng prutas sa isang stall. Kumuha ako ng saging, apple, grapes, at langka isasahog ko sa meryendang gagawin ko mamaya. Na-miss ko ang maja blanca. Wala niyon sa Italy. Puro Italian cuisine ang laging hinahain ng chef ni Gideon. Kapag gusto ko ng Pinoy food, sa Filipino restaurant lang ako pumupunta. Pero iba pa rin talaga ang lutong-bahay. Lalo na ‘yong mga pagkain sa probinsya na kinalakihan ko. Paglabas namin ng palengke, nagulat ako nang may huminto sa tapat namin na itim na sasakyan. Mercedes-Maybach. Napataas ang kilay ko habang tinitingnan siya. Inalalayan niya akong papunta sa sasakyan. “I’ll just take a tricycle. Malapit lang bahay ni Tita. And your car’s too… noticeable,” sabi ko, natatawa. “Ang dami mong sinasabi. We’re going to the same house anyway. Get in,” sagot niya. Mas lalo akong natawa, pero sumunod na rin ako. Mukhang uminit ang ulo niya. Tsk. Magkatabi kami sa backseat. Napansin kong panay ang tingin ng driver sa rearview mirror. “Focus on the road, Gary,” malamig na utos ni Damone. “Sorry, sir,” agad na sagot ng driver. Nanahimik lang ako hanggang makarating kami sa bahay ni Tita Minerva. Nasa labas na siya, parang hinihintay kami. Inalalayan ako ni Damone pababa ng sasakyan. Siya na rin ang nagbuhat ng mga pinamili papasok ng bahay. “Kanina pa ‘yan dito,” sabi ni Tita. “Sakto pag-alis mo, dumating. Nililigawan ka ba niyan, Eloisa? Aba, dahan-dahan ka naman. Baka multuhin ka ni Gideon—” “Tita!” Kinilabutan ako. “Ano? Masama bang magpaalala?” sagot niya. “Wala pong gano’n,” depensa ko. “Sinabihan ko na rin siyang umuwi, pero makulit po talaga. Pinsan siya ng asawa ko. That’s it.” Umismid si Tita. Halatang hindi siya kumbinsido. “Ako’y nagpapaalala lang. Ikaw pa rin ang bahala sa buhay mo. Basta bago ka magdesisyon… think about it carefully.” Ngumiti siya at tinapik ako sa pisngi. Tumango ako. Alam kong concern lang siya . She’s like my mother—protective. “I know, Tita. Thank you. Lagi po kayong nandiyan para sa akin.” Saglit kaming nagyakap bago pumasok sa loob. Naabutan namin si Damone na inilalagay na ang mga pinamili sa ref. Ang karne, isda, at gulay ay nasa lababo na. “Aba, mukhang sanay ka sa kusina, iho,” sabi ni Tita. “Lucky ang babaeng magiging asawa mo. Do you have a girlfriend in Manila?” Nag-usap sila habang sinimulan kong hugasan ang mga karne at isda bago ilagay sa ref. Tanghali pa naman kami magluluto. Alas-diyes pa lang ng umaga at busog pa ako. Pero naisip ko si Damone. Ang aga niyang dumating kumain na kaya siya? “I don’t have a girlfriend, ma’am,” narinig kong sagot niya. Maniwala. “Why not? You’re handsome, impossible na walang interesado sa’yo,” sabi ni Tita. Napatawa siya. “Some tried to trap me, but none of it worked.” Napataas ang kilay ko. Pero hindi mayabang ang tono niya. Sa itsura niyang ‘yon, normal lang na marami ang susubok. “So what are you looking for in a woman?” tanong ni Tita. “I want a simple woman,” sagot niya. “Someone who will love me the way I am.” Napairap ako. Nakatalikod ako kaya hindi niya nakita ang reaksyon ko. Simple? Eh ‘di manligaw siya ng mga pulubi sa labas. Nagpatuloy pa ang usapan nila hanggang sa biglang tumahimik si Tita. Paglingon ko, palabas na siya ng kusina. Naiwan si Damone sa silya nakatingin diretso sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Bumalik ako sa lababo at ipinagpatuloy ang paghuhugas, pilit na kinokontrol ang sarili ko. Pero kahit anong iwas ko, ramdam ko pa rin ang bigat ng tingin niya. Tahimik. Diretso. Hindi nakaka-pressure, pero hindi rin maiiwasan. “Do you need help?” bigla niyang tanong. Napalingon ako. “No. I’ve got it.” Tumayo siya at lumapit. Hindi siya dumampi sa akin, pero sapat na ang lapit niya para maramdaman ko ang presensya niya. Nakakailang. “I’m not used to just sitting while someone’s working,” sabi niya. Napangiti ako nang bahagya. “That’s rare for someone like you.” “Someone like me?” “Rich,” diretsahan kong sagot. “Most of you are used to having people do things for you.” Hindi siya agad sumagot. Kumuha siya ng tuwalya at tahimik na pinunasan ang countertop sa tabi ko. “I didn’t grow up like this,” sabi niya after a while. “I just learned to pay for other people’s time.” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Walang yabang. Walang depensa. Just… honest. Saglit kaming nagkatitigan. “Eloisa,” tawag niya, mababa ang boses. “Yeah?” sagot ko, hindi ko pa rin siya tinitingnan. “You’re uncomfortable,” sabi niya. . Huminto ang kamay ko sa paghuhugas. Napabuntong-hininga ako. “I’m just not used to sudden changes,” amin ko. “I’m not either, But I’m still here.”. Kinuha niya ang bayong at inilapag sa tabi. "Wala ako balak na kulitin ka o ano. gusto ko lang makita ka. Ito pa lang ang unang beses na nagkaroon ako ng interes sa isang babae. kaya naninibago rin ako," Bahagya siyang ngumiti. Hindi ako nakapag salita. “I’ll wait outside,” sabi niya. “Just call me if you need anything.” Tumango na lamang ako. At hindi ko alam kung bakit, pero may parte sa akin na parang… may nawalang init nang lumayo siya. Pagtingin ko sa bintana, nakita ko siyang nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga. Nakapamulsa. Tahimik. Nakatingala sa langit, parang may iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD