KABANATA 54 "Interesado ka, Yan?" Pabalik na tanong ni Kulas. "Curious lang. Tsaka paanong naging kalaban niyo iyong Emperors? Kailan nagsimula at bakit?" Sunud-sunod kong tanong bago muling sumipsip sa straw ng aking inumin. "Hmm..." Napakamot sa kanyang batok si Kulas habang minamata ang tahimik niya lang na mga kasama, "Mahabang kwento kasi, e... Sa susunod ikukwento namin sa iyo." I was slightly disappointed that I still couldn't get any useful information from them. Pero hindi ko naman sila mapipilit kung ayaw nilang sabihin. "Yan, hindi ba't hindi mo pa na-experience kung ano ang fiesta?" Napakurap ako sa tanong nito. Pinagmasdan ko ang ngayon ay mga nakangising mukha noong apat bago umiling, "Mabuti pang sumama ka sa amin ngayon. Tutulong kasi kami sa paghahanda sa fiesta," nar

