KABANATA 53 "Mi, nagluto ako ng omo-rice. Hindi ba favorite mo iyon? Halika, tikman mo o!" Alok ni Gene sa hinandang pagkain. Dilaw na dilaw at makinis ang pagkakagawa noong binatil niyang itlog na sinulatan niya ng 'Yuujin' sa gitna gamit ang ketchup. Sa tingin pa lang alam mo ng mahusay at masarap ang pagkakaluto nito. Pero tulad pa rin ng mga nagdaang araw, titignan lamang ito ni Mimi gamit ang isang malamig na titig at pagkatapos ay iirapan saka walang awang aalis. Tatlong araw na ang lumipas mula noong mainit nilang sagutan pero wala pa ring development ang panunuyo nito sa asawa. Maging ang kambal ay nakakapansin na sa pagbabago ng pakikitungo ng kanilang mama sa kanilang papa. I saw Gene took a deep sigh. Humugot rin ako nang isang malalim na hininga bago siya nilapitan. "Gene,"

