KABANATA 52 Tahimik ang biyahe namin pauwi. Gene kept his eyes on the road since we left the estate. Hindi ko rin alam kung papaano siya kakausapin o kung pwede ba siyang kausapin tungkol sa nangyari. Nakarating na lang kami sa bahay, wala pa rin itong ganang makipag-usap. Pababa na kami ng sasakyan nang hawakan ko ang kanyang braso para patigilin. Napatingin siya sa dakong iyon bago inilipat sa aking mukha ang kanyang atensiyon. "May problema ba, Princess?" "I'd like to ask you the same thing. Kanina ka pa kasi walang imik. Nakakapanibago." Tumawa lang ito nang mahina bago nagkamot sa kanyang batok. His lips were turned upwards pero walang sigla ang kanyang mga mata. "Napagod lang ako sa byahe, Aya. Did Daddy worry you?" Sabi nito bago marahang pinisil ang aking pisngi. "Tungkol ba

