KABANATA 40
Muli pa akong napaatras sa nasaksihan. I haven't seen this side of him before. I know from experience how frightening he becomes when someone tries to hurt his friends. Titig pa lang, manginginig ka na sa takot. Tinig pa lang, malalagutan ka na ng hininga. And seeing him now, erupting from so much anger and frustration and knowing that it's because of me, brings a totally different kind of shiver down my spine. Iyong klaseng hindi ko pa mapangalanan, hindi ko maintindihan ngunit nagbibigay ng mainit na haplos sa aking puso.
Nang muli niya akong binalingan, wala na ang alab sa mga mata nito at napalitan ng isang malamig na titig.
"Pumunta ka lang rito para makita ang dalampasigan, hindi ba?" Malamig nitong usal.
Kaagad naman akong tumango. For some reason, hindi ko magawang magsalita. Pakiramdam ko, bawal ang magsambit ng kahit anong salita habang hindi niya pinahihintulutan.
"O, ayan na ang dalampasigan. Nasa harapan mo na," sinundan ko ng tingin ang nakaunat nitong braso na pinapakita ang malawak na karagatan, "At ngayong nakita mo na, pwede ka ng umuwi."
"What?" Mabilis kong ibinalik sa kanya ang aking paningin.
"You heard me. Umuwi ka na," pag-uulit nito sa mas malamig pang tono.
Nag-igting ang panga ko sa biglaang pagbabago ng timpla nito. Sino siya para sabihan ako kung anong dapat kong gawin? I get it that I did something stupid but that doesn't grant him any will over me.
"You can't tell me what to do!" Matigas kong pag-alma.
"Of course I can! Ako ang hari rito! Nasa teritoryo kita kaya I can f*cking tell you what to do! And I tell you to go home!" Sigaw nitong muli sa akin habang tinuturo ang direksyon ng kalsada.
Is he serious?!
"Go home now!" Pag-uulit nito bago marahas na umalis.
"King!"
Kaagad namang sumunod ang iba nitong tauhan sa kanya habang nanatili naman doon sina Kulas at Cecilia. May bakas ng pag-aalinlangan sa mga mukha nito bago ako nilapitan ni Kulas at saka marahang tinapik ang balikat.
"Pagpasensiyahan mo na si King, Yan. Nag-alala lang iyon sa iyo. Kamuntikan ka na kasing masaksak ng hayop na Drake na iyon kanina. At doon pa sa mismong sakop ng teritoryo namin," pagpapaliwanag nito.
"Buti na nga lang at kaagad kaming tinawagan ni Cel para ipaalam ang tungkol sa nangyari at sa pagtatanggol mo sa kanya. Hindi mapapatawad ni King ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa iyo at wala siya roon para iligtas ka," dagdag pa nito na tinanguhan ko naman.
"Naiintindihan ko naman, Kulas. Don't worry, I won't be holding this against him. Gusto ko pa nga sanang magpasalamat kaya lang..." I tried to say habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ng galit pa rin nilang hari.
Napabaling lang uli ako sa aking kausap nang marahan nitong tinapik ang aking mga balikat. Malapad ang ngiti nito habang nakatanaw sa akin.
"Galit lang siya dahil sa matinding pag-aalala. Ilang linggo ka ring hinahanap noon tapos ngayong nagpakita ka na, ganoon pa ang bungad mo sa kanya," lalo akong na-guilty sa sinabi nito.
"Huwag kang mag-alala, Yan, maaayos din ang mood ng isang iyon. Hahanapin ka rin uli noon. Sa ngayon, umuwi ka na lang muna at magpahinga, okay?" Nakangising sabi pa nito sabay kindat pagkatapos ay umalis na rin para sundan ang hari nila.
Kunot-noo kong pinagmasdan ang papaalis na bulto nito habang iniisip ang kahulugan ng mga huli nitong sinabi. Naalis lang ang paningin ko rito nang may biglang tumikhim sa aking tabi. Nakita ko si Cecilia na nakatingin sa buhangin at tila namumula ang magkabilang tainga.
"S-salamat nga pala kanina, Ian," sabi nito sa isang maliit na tinig.
"Wala iyon. Kahit sinong matinong tao gagawin ang ginawa ko."
Nag-angat siya ng tingin sa aking sinabi at pansin ko agad ang pag-awang ng bibig nito.
"Masama ang pakikitungo ko sa iyo noong una tayong nagkakilala pero nagawa mo pa rin akong iligtas. Hindi lahat ng tao ay may pakialam sa kanilang kapwa lalo na't magkaiba pa ang estado ng ating mga buhay."
Napaisip ako sa kanyang sinabi. Would I really not care kung hindi ko siya nakilala kanina?
"I mean, pwedeng-pwede mo akong iwanan noon kung gugustuhin mo lang. Isipin mo lang na dapat lang sa akin iyon dahil masungit ako sa iyo at hinusgahan agad kita— "
"Nobody deserved to be treated like that, Cecilia. Hindi porke't mas nakaangat sila sa buhay, may karapatan na silang tapakan ang iba. Walang sinuman ang nakahihigit sa kanyang kapwa. Lahat tayo'y pantay-pantay lang. Mahirap man o mayaman, pareho lang mababaho ang mga tae natin—"
Parehong namilog ang mga mata namin ni Cecilia sa huli kong sinabi. Ilang sandali pa ay natawa na ito habang ako nama'y nagkakamot ng ulo sa hiya.
"Akala ko dahil mayaman ka, masama ka rin katulad nila," usal nito matapos tumawa.
"I promise you, Cecilia, there are people out there with a lot of money who definitely know how to behave better than those bastards."
She paused as she studied me a little more before inching a bit closer to me.
"Alam ko na iyan ngayon dahil sa iyo. When you stood there and bravely faced them..."
Lumapit pa ito hanggang isang dangkal na lang ang layo naming sa isa't isa. At nang abutin nito ang aking pisngi at marahang hinaplos, ipinilig ko sa isang banda ang aking ulo at itinaas ang kilay.
What is she up to?
"Hmmm... I think... you're not so bad after all."
I get the feeling this girl's trying to seduce me.
Nginitian ko siya. Pero bago pa ako makapagsalita ay agad nitong inilapit ang kanyang mukha at mabilis na dinampihan ng halik ang aking labi.
"Cel! Masyado pang bata si Ian!"
Sabay kaming napalingon sa biglang sumigaw. Isang inis at namumulang pagmumukha ni Reign ang bumungad sa aming harapan. Marahas niya akong hinigit papalayo at mabilis na tinungo ang kalsada kung saan nakaparada ang isang motorsiklo.
"T-teka san—"
Agad naman itong tumigil at umikot para lapitan ako. He suddenly grab my neck at marahas na pinunasan ang mga labi ko gamit ang manggas ng kanyang uniporme.
"Huwag na huwag mong hahanapin ang mga labing iyon, Ian, ha?! Pag-aaral muna ang atupagin mo, maliwanag?!"
Hindi pa ako nakakasagot ay nagsimula na naman siya sa paghigit sa akin.
"Sinabi ng umuwi, nakuha pang makipaghalikan..." Narinig kong bulong nito sa sarili.
"What did you say?" Tanong ko rito pero wala akong nakuhang sagot.
Ibinunton ko na lang ang aking paningin doon sa lugar na pinag-iwanan namin sa tatlo. Agad kong napunang malinis na ang kalsada. Wala na iyong mga nakahilatang katawan sa kalsada. Wala na rin iyong mga magagarang sasakyan nila.
Napapitlag ako nang bigla nitong binagsak ang isang helmet sa mga kamay ko.
"Ano pa bang tinutunga-tunganga mo riyan?! Sakay na!"
Kunot-noo kong sinunod ang gusto nitong hari-harian. Hindi pa nga ako nakakaupo nang maayos nang mabilis nitong paandarin ang aming sinasakyan. Agad naman akong napaakap sa katawan nito nang kamuntikan na naman akong mahulog.
Damn it! Paano ba nakakuha ng lisensiya itong kaskaserong ito?!