Kabanata 41

1003 Words
KABANATA 41 Halfway through the ride ay unti-unti naman nitong binagalan ang takbo ng motorsiklo. Kaagad naman akong lumayo sa kanyang katawan at baka kung ano pang kabaklaan ang maisip nito laban sa akin. Itinuon ko sa mga nadadaanan naming mga bahay ang aking atensiyon nang marinig ko itong tumikhim. "Pasensiya na at napagtaasan kita ng boses kanina." Napakurap-kurap ako matapos marinig ang kanyang tugon. Am I hearing him correctly? This King is saying sorry to me? "Ayokong isipin na baka hindi na kita naabutan kung natagalan pa ako ng ilang segundo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, Ian, kapag nagkataon," pag-uulit nito sa mga sinabi ni Kulas. Napatango ako sa kanyang sinabi. "I understand, Reign. I'm sorry, too, for causing you trouble. If I were strong enough, hindi sana ganoon ang naabutan niyong sitwasyon—" "That's not the point, Ian. The point is you should have just run away when you had the chance," banayad na ang boses nito habang sinasabi iyon. "I don't run away from a fight, Reign. Eh di mas lalo kong inamin sa kalaban na mahina ako?" "Hindi ibig sabihin ng pagtakbo mo ay mahina ka na. Minsan kailangan mong takbuhan ang isang laban para mabuhay," bawat salita nito ay may diin. "No fighter runs away from a fight," I rebutted. "A fighter knows that in order to win a fight, you need to survive it. And one way to survive is to run away from the fight." Muli namang kumunot ang aking noo sa pahayag nito. "That's not fighting, that's just running away. It's cowardly, Reign. And I'm not a coward. Sinabi ko na iyon sa iyo." "No, you're not. Tanga ka lang. Running away from a fight is not cowardly, Ian, it's called surviving." "Why are you so bent on making me run away from fights? I want to be stronger, Reign. Papaano ako lalakas kung sa bawat away na mararanasan ko, tatakbuhan ko?" Marahas na tumama ang buong katawan ko sa kanyang likuran nang walang sabi nitong inapakan ang brakes. Matapos noon ay itinagilid nito ang kanyang katawan para lingunin ako. "So you plan to have more fights in the future?!" Nandoon na naman ang alab sa kanyang mga mata. "I was just saying—" "Pag-aaral mo na lang ang atupagin mo, Ian. Umiwas ka sa away hangga't kaya mo and just concentrate on your studies. Kapag may umaway o umagrabyado sa iyo, ako ang susumbungan mo. Ako na ang makikipaglaban para sa iyo," seryoso nitong sabi. Bawat salita ay tila isang pangakong inuukit nito sa aking puso. Ngumuso ako sa sinabi nito. "Bakit kung ikaw, okay lang makipag-away? Kapag ako, dapat tumakbo?" "Because I'm obviously stronger than you." Kumunot na naman ang noo ko sa narinig. "That's what they call hypocrisy." "No, that's what they call truth. Deal with it," sagot naman nito bago muling pinaandar ang kanyang motor. "But—" "End of discussion, Ian. You are not to engage in any more fights, you hear me?" What?! Another rule?! No effing way! "And you're saying this because?" I asked through gritted teeth. "Because I can," walang pagdadalawang isip nitong sagot. "Arrogant hypocrite." "Reckless fool." "Conceited egoist." "Hard-headed kid." "Playboy." Panandalian itong natigilan habang sinisilip ako mula sa kanyang side mirror. Then he suddenly let out a scoff. "Playboy? How? I don't do relationships, Ian. Alam iyan ng lahat ng mga babaeng lumalapit sa akin. Relationships are nothing but distractions. Hindi ko kailangan niyan lalo na't mataas ang mga pangarap ko sa buhay." "Aba't sinong nagtatanong?" Pamimilosopo ko rito sabay irap. Tinawanan lang niya ang aking naging reaksyon. "I'm telling you, Ian, huwag mong gawing priority iyang mga babaeng iyan. You can enjoy their company as much as you want pero kailangang naka-set ang isipan mo sa iyong kinabukasan. s*x won't give you success unless you plan to join the p**n business." "At paanong sa s*x napunta ang usapang ito?" "Pinapaalala ko lang..." Muli na naman itong sumulyap sa kanyang side mirror, "That was your first kiss, hindi ba?" Napaawang agad ang bibig ko nang marinig iyon at biglang naalala iyong pagdampi ni Cecilia ng halik sa akin kanina. Well, that was definitely my first kiss. But does that really matter? Does it follow that I'm going to have s*x just because I got my first kiss? "Huwag mo munang pagtuonan iyon ng pansin. Isipin mo na lang na pasasalamat niya iyon para sa iyo. You're just twelve, Ian... pag-aaral muna—" "God, I know, alright! Hindi ako ganoon!" Mabilis kong tugon para lang matapos na ang usapang iyon. "Mabuti naman kung ganoon. Magkakasundo tayo niyan," nakangiti pa nitong sabi. Hindi na uli siya nagsalita hanggang sa narating namin ang bahay nina Gene. Doon ko lang naalalang hindi niya nga pala alam na hindi ako rito umuuwi tuwing weekends! "Ano bang pinagkakaabalahan mo? Isang buwan ka ring hindi nagpakita sa amin ah!" Tanong nito nang makababa na kami sa kanyang motorsiklo habang abala naman ang utak ko sa paghahanap ng solusyon para malusutan ang problemang ito. It's already late in the afternoon. Somebody's probably back at home by now. What would I say kapag nakita nilang pakalat-kalat ako rito when they knew I should have been at the main house studying my lessons? "Yan!" "Ha?" "Ansabi ko kung anong pinagkakaabalahan mo nitong huling buwan?" Pag-uulit pa nito pero walang ibang pumapasok sa isipan ko kung hindi ang mga posibleng idadahilan ko kapag may nakakita sa akin dito. Namamasyal? May binili lang? Nagpapahangin? "Ian?!" "What?!" Nang akin siyang lingunin, laking gulat ko nang mapagtanto kung gaano na kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Isang maling galaw lang, madadampihan na ng labi ko ang tungki ng ilong niya! Doon ko lang nakita nang malapitan ang kulay ng mga mata nito. Deep emeralds that are now contracting nang dahil na rin sa pagkabigla. Pareho naman kaming napaatras at agad na lumayo sa isa't isa. Parang puputok ang puso ko sa sobra nitong paghuhurumintado, if that's even possible. Sobrang nagulat ako roon, ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD