KABANATA 42
Sinilip ko siya at nakitang nakatingala ito ngayon sa langit habang tinatakpan ng kanyang kamay ang kanyang mukha. I think his whispering some curses na hindi ko marinig.
"Huwag ka ngang biglang manggugulat!" Utas ko para basagin ang katahimikan.
Inis itong nagbaba ng tingin sa akin.
"Hindi ka kasi nakikinig! Kanina pa ako satsat ng satsat dito, lumilipad naman sa iba iyang isip mo! Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin maka-get over sa halik na iyon? Puta! Isang halik lang iyon, Ian! Kalimutan mo na iyon!"
Napaawang ang bibig ko sa kanyang konklusyon.
Pulang-pula ang kanyang mukha hanggang leeg at mabibilis ang kanyang bawat paghinga.
"I wasn't even— " I was too stunned to finish my sentence.
"Whatever."
Bigla na lang itong tumalikod at sumakay muli sa kanyang motorsiklo. Padabog nitong isinuot ang kanyang helmet at walang imik na pinaandar ang sasakyan.
"Pumasyal ka na lang doon kung kelan ka tubuan ng gana. At huwag kong malalamang mag-isa ka na namang humaharap sa mga ungas na iyon at makikita mo talaga..." Malamig nitong sabi nang hindi ako tinitingnan.
"I wasn't thinking about the kiss—" I started pero agad din namang natigilan nang biglaan niya akong sinulyapan ng matalim.
"Kalimutan mo na iyon! Mag-aral ka na lang nang mabuti!" Pagkasabi ay agad na pinasibad ang motorsiklo. Naiwanan naman ako roong nakatunganga at nakatanaw lang sa mabilis na paglayo nito.
"Aya, ikaw ba iyan?"
Napatindig ako nang matuwid nang marinig ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong humarap upang batiin ito.
"Hi, Mimi!"
"O, anong ginagawa mo rito?" Tanong nito habang may tinatanaw sa malayo. Hinahanap siguro ang service vehicle ng main house na iniisip nitong naghatid sa akin.
"Uh... namasyal lang. Bored na kasi ako sa mansyon," pagdadahilan ko. Sinabayan ko na rin ng dasal na sana'y paniwalaan nito.
"Ganoon ba? Anong sinakyan mo papunta rito? Bakit mag-isa ka lang?"
Patay.
"Uh..."
She eyed me suspiciously at napalunok ako nang wala sa oras. I was running out of reasons. Paano ito?!
"Ano bang ginagawa natin dito sa labas. Halika't pumasok ka muna. Tamang tama, nag-bake ako ng cookies," nakangiti nitong usal habang inaakay na ako papasok ng bahay.
Dumiretso kami sa kusina kung saan nakahanda na ang mga cookies at ang paglalagyan ng mga ito.
"Upo ka muna. Sandali lang ito," tugon nito.
Tumango naman ako at saka sinunod ang kanyang sabi. Kumuha agad ako ng isang cookie at tinikman iyon. Just like her previous cookies, walang kasing sarap! Yum!
"Narinig ko paborito ka raw ng tagapagmana ng mga Himamura."
Halos nasamid ako sa aking kinakain nang marinig ang kanyang sinabi. Kaagad niya naman akong inabutan ng isang basong tubig na siya ko namang tinanggap at ininom.
"Where did that come from?" Agad kong tanong pagkatapos.
Natawa naman ito sa aking reaksyon.
"Well, everyone knows about it. Even Gene's furious about the rumors. Kilala mo naman iyong papa mo," natatawa pa nitong kwento habang inilalagay sa isang lalagyan ang mga cookies.
"Well, they're just rumors. He's just helping me out with my studies, that's all," I said as a matter of fact.
Tumulis lang ang nguso nito habang tumatango na tila hindi naniniwala.
"Okay. That aside, how's your weekend in the main house so far? Better?" Pagbabago nito ng topic na siya namang ikinaginhawa ko.
I just don't get it why some people make a big deal out of Himamura's kind gesture. Binibigyan nila ng kulay ang sitwasyon kahit na wala naman.
Nagkuwentuhan lang kami ni Mimi hanggang sa natapos na siya sa kanyang pagbabalot ng cookies. Matapos noon ay nagpaalam na agad akong babalik na sa main house. It's already four in the afternoon nang masulyapan ko ang malaking orasan sa kanilang sala.
"Goodness, look at the time!" Bulalas nito nang mapansin ang oras. Pagkatapos noon ay mabilis itong dumampot ng dalawang lalagyan ng cookies at iniabot sa akin.
"Tig-isa kayo ni Himamura-kun niyan. Bilis at baka gabihin ka pa ng uwi," nagmamadali nitong tugon.
Tumango naman ako at nagsimula ng maglakad patungong pintuan.
"I like Himamura-kun, by the way," natigilan ako sa kanyang sinabi at agad siyang nilingon, "He's kind and gentle. Iyong tipong hindi ka sasaktan?"
Nakangisi ngayon ito nang mapang-asar. Kumunot naman kaagad ang aking noo. What the hell is she talking about? Hindi ko na lang iyon pinansin at muli na lang tinahak ang daan palabas.
Nakaapak na sa labas ang isa kong paa nang muli itong magsalita.
"But I like the other guy in the motorcycle more."
Natigilan ako at biglang nanlamig. She saw him?
Kaagad ko siyang nilingon at ganoon pa rin ang nasa mukha nito.
"He's tough and manly... He kind of reminds me of Yuujin when he was at his age."
Nanlaki ang mata ko sa kanyang pahayag.
Gene? Tough and manly like Reign? Biglang pumasok ang asal-batang hitsura ni Gene sa aking isipan. Unbelievable! Bumalik lang sa kasalukuyan ang diwa ko nang biglang natawa si Mimi.
"Hindi ba kapani-paniwala?"
Wala sa sarili akong tumango at lalo pa itong natawa. Ilang sandali naman ay tumigil na rin siya at ngumiti na lang na tila may masayang alaalang dumaan sa isipan.
"Malaki ang pinagbago nito nang kanyang pagpasyahan na kunin ka sa ilalim ng kanyang pangalan. He said you might get frightened kung hindi niya babaguhin ang kanyang sarili. Gustung-gusto niyang makuha agad ang loob mo noon kaya ginawa niya lahat mapag-aralan lang ang pinakamahusay na paraan para magawa iyon. Malayong-malayo na ang Gene na kilala mo sa Gene dati."
Natahimik ako sa kanyang ibinahagi. I know for a fact that he's the beta of the next generation. Of course, somewhere in his past, just like Reign, he must have followers too who look up to him as a leader. Hindi ko lang maisip na ganoon ang buhay nito noon bago ako dumating sa eksena. He was just eighteen after all when he took me under his wing.
"Was he also a leader of a gang before?"
Nang makita ko ang mapang-asar na pagtaas ng kilay nito, agad kong pinagsisihang tinanong ko pa iyon.
"Soooo... Mr. Motorcycle's a gang leader, huh?"
Shit!
"Uh..."
Bigla naman itong natawa.
"Don't worry, Aya. Rest assured Gene won't hear anything about this from me," agad naman akong nabunutan ng tinik sa narinig, "And to answer your question, yes, your father was once the leader of a fearsome gang years ago."
This time, nalaglag naman ang panga ko sa natuklasan. Gene really was once a gang leader too?!
"I believe they were called 'Emperors' before, not sure..."
What the heck?!