KABANATA 43
Naging palaisipan pa rin para sa akin iyong mga huling binanggit ni Mimi patungkol kay Gene. Kahit nakaakyat na ako sa pader ng main house at binababa na ngayon ang puno ng sakura ay iyon pa rin ang nasa aking isip.
Hindi ba at nasambit ni Drake kanina na mga miyembro sila ng Emperors? Iyon din ba ang tinutukoy ni Mimi?
Sinigurado ko munang walang tao sa paligid bago ko mabilis na inakyat ang nakabukas pa ring bintana ng library. Pagkaakyat, nakita ko agad ang pagtindig ni Himamura mula sa upuan sa harap ng piano.
"Oh, thank God, Arianne..."
Agad niya akong nilapitan at inalalayang makababa mula sa lamesa.
"Are you alright? Hindi ka naman napaano sa labas?"
Natigilan ako sa tanong nito. Sasabihin ko ba sa kanyang kamuntikan na akong masaksak kanina? Nakaka-guilty tingnan ang nag-aalala nitong mukha. I promised him that I would take care of myself outside pero may nangyari pang ganoon. I shouldn't worry him too much.
Kinuha ko mula sa pagkakaipit ko sa garter ng aking shorts iyong dalawang lalagyan ng cookies na pinadala sa akin ni Mimi at inabot ko sa kanya iyong isa. Napakurap pa ito ng dalawang beses habang nakatingin sa inaabot kong pagkain bago niya ako sinulyapan.
"Pinabibigay ni Mimi," sabi ko habang muling inaabot iyong lalagyan sa kanya.
"Thanks..." Nahihiya nitong tugon bago tinanggap iyon.
Bumalik na ako sa aking upuan at muling binuklat iyong naiwan naming tuntunin. Puna kong nakatayo pa rin siya at masuring tinitignan iyong ibinigay ko sa kanya. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at binuksan na iyong lalagyan ng share ko. Ipinagpatuloy ko iyong pagbabasa habang kumukuha ng cookies sa lalagyag nang marinig ko ang paghila ng upuan sa aking harapan.
"So... you went to Yuujin's house?"
Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakapatong lang ang kanyang mga kamay sa ibabaw noong lalagyan ng share niyang cookies habang seryoso namang nakatuon ang kanyang mga mata sa aking mukha.
"What?"
"Sinabi mo na lang sana para masamahan kita—"
"Ayan ka na naman, Himamura. Hindi ba't nasabi ko na sa iyo kanina kung bakit?" Pagpuputol ko rito sabay kuha ng isa pang cookie.
"Okay lang naman sa akin kahit maging masama na ang tingin nila sa akin. I can take that anytime. Ang hindi ko maatim ay iyong may mangyaring masama sa iyo habang nasa labas ka. Please Arianne. Hindi ako mapakali buong panahon na wala ka rito. Gusto na kitang sundan kaya lang ayaw ko ring mapahamak ka kapag nalaman nilang wala ka rito."
Hindi ko maituloy ang pagsubo ko sa cookie na hawak habang pinagmamasdan ang kanyang pagod na mukha. Ngayon ko lang napansin ang kaibahan ng kanyang ayos mula noong iwan ko siya. Magulo na ang buhok nito. Nakahubad na ang outer coat ng kimono at nakasabit lang sa katawan ng piano. Nakatupi ang kanyang mga manggas hanggang balikat showing his well-defined biceps. Sa hitsura pa lang niya ngayon, I can only imagine what he's been through habang hinihintay ang pagbabalik ko. Napalunok ako nang wala sa oras. Mas na-guilty pa tuloy ako.
But not knowing is better than knowing and then getting more worried afterwards.
"Ang OA mo, Himamura. Para namang may kung ano sa labas na ikakapahamak ko," pagtatakip ko na lang sabay subo sa hawak kong pagkain.
Iniwasan ko na lang ang kanyang mukha at baka masabi ko pa sa kanya ang totoo. Baka sa susunod nito ay hindi na niya talaga ako pahintulutan pang lumabas!
"Pero Arianne... hindi mo pa masyadong kabisado ang Asteria para lumabas kang mag-isa. Paano na lang kung may mga nakaabang na masasamang tao sa daan?"
Check.
Kumuha pa ako ng isang cookie at mabilis na isinubo iyon kahit nahihirapan na akong lumunok.
"Tapos pagkakaisahan ka nila."
Check.
Mabilis na naubos iyon at kumuha na naman ako ng isa pa.
"Tapos maglalabas sila ng sandata para takutin ka."
Isang malaking check! Iyong totoo, talaga bang hindi ito nakasunod sa akin kanina?
"Tapos—"
"God, Himamura, you're thinking too much!" Bulalas ko na lang sabay tayo para kuhanin iyong basong may lamang juice na nakalagay sa tray na nakapatong sa isang corner table at dali-daling ininom.
"I'm sorry but I just can't help but be worried knowing you were alone out there."
Nilingon ko siya at bakas sa mukha nito ang panghihina. I took in a deep breath bago siya nilapitan.
"Himamura, I'm sorry if I made you worry but as promised I came back alright, see?" Sabi ko at kaagad niya namang hinagod ng tingin ang buo kong ayos. Ilang saglit lang ay nag-iwas naman ito ng tingin at biglang namula ang mga tainga.
"At saka, I'm no ordinary girl. You forgot that I know how to defend myself," I confidently added bago bumalik sa aking pwesto.
Muli niya naman akong tinitigan. Binuksan niya ang kanyang bibig para magsalita pero sa huli ay pinili na lang nitong manahimik na lamang.
Well then, I guess that's that, huh?
Nagpatuloy kami sa aming pagbabasa nang nabasa ko iyong salitang bumagabag sa akin mula noong nagpaalam ako kay Mimi.
Emperors.
LJU Emperors.
Tumigil ako sa pagbabasa at saka nag-angat ng tingin. Nakakunot ang noo ng aking kaharap habang nakatuon ang atensyon sa librong binabasa. Iniisip ko kung mayroon siyang nalalaman tungkol sa Emperors.
Tumikhim muna ako para makuha ang kanyang atensiyon. Hindi naman ako nabigo nang mag-angat ito ng tingin.
"Yes, Arianne?"
"Hindi ba sa LJU ka nag-aaral?"
Kumurap muna ito ng isang beses bago ibinaba ang hawak na libro.
"Yes. This year will be my first year in Senior High," nakangiti nitong sagot, "Doon ka rin ba papasok?"
"Uh... unfortunately, I'll be home-schooled all throughout my high school years," I casually answered.
"Oh..." Usal nito bago nagbaba ng tingin.
"How is LJU by the way?"
Agad naman siya nag-angat ng tingin sa aking tanong. He gave me a small smile before answering.
"Okay lang. Ganoon pa rin naman. Lilipat lang kami sa building ng Senior High but the school grounds and the students remain the same. Gusto mong ipasyal kita doon pagdating ng pasukan?" Tanong nitong tila nae-excite sa possibility.
Nginitian ko siya ng matipid bago marahang umiling. Kaagad namang nawala ang tuwa sa kanyang mukha.
"I'll be very busy with my own studies by then... Sorry but thank you anyway," paliwanag ko, "Masaya na akong makarinig ng tungkol sa LJU mula sa iyo. Kwentuhan mo na lang ako tungkol dito."
Muli namang nagliwanag ang mukha nito sa aking huling nabanggit.
"Oo ba. Bibisitahin kita rito every weekend at iku-kwento ko sa iyo ang mga ginawa ko sa linggong iyon!"
Wow. Irereport niya talaga ang buong linggo niya sa akin pagdating ng weekend?
"Eh di nawalan ka na ng buhay niyan? Hindi ba dapat nagrerelax ka tuwing weekend? Mamasyal kasama ng mga kaibigan mo... Makipagdate sa girlfriend mo..."
Bigla naman itong natawa sa aking mga sinabi. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"I don't mind spending my weekends with you, Lady Arianne," sabi nito habang nagpapakita ng isang tila makahulugang ngiti.
"Hindi ka ba nabo-bore? Baka mamaya niyan, magkapalit na tayo ng mukha?" Sabi ko na lalo pa nitong itinawa.
"I also don't mind switching faces with you. And if you're bored here, we could go somewhere else where you don't have to climb fences just to get some sun," sabi nitong natatawa pa rin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"That is if you want to.... You know..." Agad nitong sabi nang makita ang reaksyon ko.
Saglit akong tumikhim bago muling nagsalita.
"Anyway..." Pag-uumpisa ko at agad naman siyang umayos sa pagkakaupo at tila handang-handang makinig sa kahit anong sasabihin ko, "Alam mo ba iyong Emperors?"
Puna ko agad ang biglaang pag-awang ng kanyang bibig sa huli kong sinabi.
"How—"
"Uh, nabanggit kasi ni Mimi sa akin kanina..." Mabilis kong sagot, "May alam ka ba?"
Ilang beses ding siyang napakurap bago tumikhim.
"Hindi masyado..."
"Magkuwento ka dali!" Excited kong sabi rito na napakamot naman sa kanyang ulo at tila nagdadalawang isip.
"Uh..." May bahid ng pag-aalinlangan ang mga mata nito.
Matagal niya pa akong tinitigan sa mata bago nagpakawala ng hininga.
"Alright," sabi nito bago isinantabi ang hawak na libro. Pagkatapos ay ipinagsiklop nito ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa habang nanatiling nakatuon ang kanyang mga mata sa aking mukha, "I'll tell you what I know."
"Yes!"
Kaagad ko ring inilagay sa tabi ang libro bago inusog ang upuan para mas lumapit pa ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa aking ginawa.
"Dati, nahahati sa dalawang klase ang mga estudyante ng LJU. Those who were members of the empire and those who were not," tumango ako sa kanyang sinabi.
I already knew this part. It was something Louise had always argued with Daichi before. Dati nga hindi talaga tumatanggap ng ibang estudyante ang LJU. Kailangan anak ka ng kasapi ng imperyo o hindi kaya naman ay konektado ang pamilya niyo sa imperyo.
After grueling years of restless arguments with the board, finally, they accepted Louise's proposal to allow ordinary students without any connection to the families enroll in the university. Kung hindi lang nagipit ang buong imperyo ng mga panahong iyon, they would have probably kept the tradition.
"Hindi pwedeng magsama sa iisang classroom ang mga anak ng imperyo at ang mga ordinaryong estudyante. Their reason being that the school's a critical venue to develop influences and form relationships with people. Parents from the empire's families don't want their sons or daughters falling for the... wrong persons," pagpapatuloy nito na may diin sa dalawang huling salita.
I'm not even surprised to hear these. Ipinapanganak ka pa lamang, nakaukit na sa dugo mo ang mga responsibilidad na gaganapin mo bilang anak ng imperyo. Daichi had predicted that this might happen but Louise insisted to him that this was what the empire needed to grow.
"But as they say that love knows no limits, some children from the empire started dating children from the outside," biglang dumilim ang ekspresyon ng mukha nito habang nagkukwento.
Nangalumbaba ako habang patuloy na nakikinig sa kanyang kwento.
"Nagkakagulo na noon between the PTA, the faculty, the school board and the student body government. Reports about students running away from their houses to elope came in almost every day. The police had become a constant in the school grounds. Security was heightened. The press were everywhere... It was awful..." Kumunot ang noo nito habang inaalala ang mga pangyayari.
"The times were dark then until they stepped up and changed everything," bigla namang lumiwanag ang mukha nito.
"Who?" I couldn't help asking.
Muli niya akong tinitigan sa mata bago marahang ngumiti.
"The Kurozawa clan's next generation."
Unti-unting napaawang ang bibig ko sa narinig.
"Or from what you've heard... The Emperors."
Really? The Emperors started with our clan?
"They removed the rules which divided the university into two classes. Binigyan nila ng diin na hindi ang pakikipagrelasyon sa ibang tao ang makakasira sa imperyo kung hindi ay ang pagkakasira ng relasyon sa pagitan ng anak at ng kanyang magulang. They emphasized that while it is important to strengthen the bonds between allied families inside the empire, it was also equally important to strengthen the bonds between the empire and the rest of the world."
Nanlaki ang mga mata ko sa pahayag na iyon. That was exactly what Louise had in mind!
"The parents of the empire were outraged at first pero dahil ang susunod na henerasyon ng pamilya ng Kurozawa na ang nagsalita, wala rin silang nagawa. Even the counsel were powerless against the combined forces of the Emperors."
"I didn't know those guys did something that amazing in the past," hindi ko mapigilang mapamangha.
"Well, yes, they were sort of legendary. Because of them the walls between the two classes have been taken down completely. Everyone respected them. Even the teachers looked up to them. They were truly Emperors in every sense of the word."
Tumango na lamang ako sa narinig. Hindi ko lubusang maisip kung papaanong ang katulad ni Gene ay nakagawa ng ganoon kalaking impact sa buhay ng mga estudyante sa madilim na panahong iyon.
"I think I would look at Gene differently from now on. I mean, what he did was amazing! He led the revolution against the empire's primeval ways of thinking. And he had done so effectively! That... that's amazing."
Biglang natigilan si Himamura sa aking sinabi. Mataman niyang pinagmasdan ang aking mukha na para bang may hinahanap na kasagutan.
"Sure, Yuujin was influencial too but..." He paused na may pag-aalangan, "It wasn't really him who shut the entire system down and changed everything for the better."
Natigilan ako bigla sa kanyang pinaalam. Unti-unti akong ginapangan ng kaba lalo na at bigla na lang pumasok sa aking isipan ang imahe ng nag-iisang taong alam kong posibleng tinutukoy nito.
If it wasn't Gene, then...
"It was Rage."