Kabanata 44

1899 Words
KABANATA 44 Buong magdamag na dilat ang diwa ko kakaisip sa aking mga natuklasan ngayong araw. Hindi maalis sa isipan ko ang mga binanggit ni Himamura tungol sa dahilan kung paanong si Gene ang naging pinuno ng mga Emperors. "I remembered hearing his announcement over the universities' intercom one day. He was saying that effective immediately he was transferring the leadership of the Emperors to Yuujin Kurozawa. Sabi pa niya na may mas mahalagang bagay daw sa buhay niya na kailangan niyang bigyan ng atensyon simula sa araw na iyon. We only assumed it was time for him to begin his internship for the empire. And that was the last we heard from him." Napaupo ako sa aking kama habang pinapakalma ang mga nanginginig kong kamay. Pakiramdam ko'y binubuhusan ako ng napakalamig na tubig habang pinapakinggan ang mga kwento ni Himamura tungkol sa kanya. How he was adored by many. How he used his name so everyone could be free. How he stood his ground against the counsel and won. Alam ko naman kung gaano siya ka-stubborn when it came to things that he wanted done. Hindi siya madaling sumuko. Until that... Nilunok ko ang nag-aambang bara sa aking lalamunan. Ramdam ko ang paghapdi sa gilid ng aking mga mata dahil sa pagpipigil kong umiyak. I can't cry. I shouldn't cry. Walang magagawa ang mga luhang iyan para sa akin. Hindi na nila maibabalik pa ang mga oras. All I could do now is move forward. Just like how you wanted it for me before, right, Rekka? Puyat ako kinabukasan nang sunduin ako ni Milo para ihatid sa shooting range. Hindi ko pa rin mawala sa isipan ko ang tungkol sa grupong itinatag ni Rekka noon. Anong nangyari sa grupo matapos noon? Paanong nasali ang mga kagaya ni Drake dito? Kasama pa rin ba sina Kyo at Kira sa Emperors? Kahit noong nasa shooting range na ako at nakatuon ang paningin sa mata ng target ay iyon pa rin ang nasa isip ko. Kaya naman ay sumablay ang tira ko matapos kong kalabitin ang gatilyo. "Damn it, Cursed One! That was an easy target, hindi mo matamaan nang maayos?!" Inalis ko ang aking earmuffs at eye protector at inilapag sa katabing lamesa. Tinanggalan ko ng magasin ang hawak kong baril at itinabi ito sa mga naunang gamit bago ko siya hinarap. Nakapamaywang ito ngayon at kunot ang noo habang pinagmamasdan ang aking kagamitan. Nang ibaling na nito ang kanyang paningin sa akin ay mas lalo pa itong sumimangot. "Anong tinutunga-tunganga mo riyan?! Isuot mo uli ang mga iyon at ulitin mo ang pag-eensayo kung ayaw mong ikaw ang ilagay ko roon sa target at pag-praktisan ko!" Kumunot na rin ang aking noo sa kanyang pahayag pero hindi ko na lang iyon pinansin. "Are you still with the Emperors?" Diretsahan kong tanong. Pansin ko ang pagkabigla sa kanyang mukha pero agad din itong napalitan ng pagkainis. "Who told you about that?" He asked on gritted teeth. "Ibinulong lang ng hangin sa akin? Siyempre malalaman ko iyon. Gene was once your leader, hindi ba?" He clicked his tongue nang marinig ang aking dahilan. I know he wouldn't dare confront Gene about this para tanungin kung totoo ngang sinabihan ako nito. "So, are you?" Pag-uulit ko. Agad naman akong ginawarang ng matalim na titig bago ako tinalikuran. Akma na sana itong aalis nang agad kong hinawakan ang kanyang braso. Napunta roon ang kanyang paningin bago ito marahas na binawi mula sa akin. "Don't f*cking touch me!" He snarled at me. Itinaas ko naman ang dalawa kong kamay. "Chill," nakataas ang kilay kong utas, "Yes or no lang ang hinihingi kong sagot—" "It's none of your god damned business, freak," sabi nito bago tuluyan nang nag-walkout. Like that's going to stop me! Mabilis kong tinakbo ang distansiya namin at muli siyang hinawakan sa braso para pigilan sa paglalakad. Katulad noong nauna nitong reaksyon, kaagad nitong binawi ang kanyang kamay na tila napapaso. "Damn it!" "Why is it so hard for you to answer with just a yes or no? Are you still with them or not?" Pulang-pula na ang mukha nito sa sobrang inis. "Hindi ka ba makaintindi!? Ang sabi ko wala kang pakialam! Now leave me alone!" Akma na naman sana itong aalis nang may naisip akong paraan. "How about a bet then?" That surely got his attention dahil agad itong natigilan. Pagkatapos ay muli akong nilingon na nakataas ang kilay. "A bet?" Itinago ko ang nagbabadyang ngisi at tumango. "Yep!" Mabilis kong sagot, emphasizing the sound at the end of the word. Tuluyan siyang humarap sa akin at sa saka humalukipkip. "What's in it for me?" "Well..." Pagsisimula ko at umaktong tila nag-iisip, "If you win, I'll be your slave for a month—" "Just a month?" May panunuya nitong sagot. Gusto ko mang sumimangot sa angal nito pero hindi ko na lang ginawa at ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. "Fine, a year then." "Much better," nakangisi nitong usal. Bakas sa mukha nito ang isang pangakong magiging impyerno ang buhay ko sa kanyang mga kamay. "But if I win..." Saglit akong tumigil para matitigan siya nang mataman sa mata, "Sasagutin mo ang bawat katanungang sasabihin ko nang totoo, buong-buo, walang pag-aalinlangan at walang angal." Agad naman akong pinandilatan nito nang marinig ang kondisyon ko. "Madali lang naman ang gagawin. Each of us will be given a set of disassembled .45 caliber. A staff will double check that we have the same number of pieces." Ipinilig lang nito sa isang banda ang kanyang ulo at tila naghihintay sa susunod kong sasabihin. Nang sa palagay ko ay wala itong balak umalma, nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag sa rules ng bet. "Mag-uunahan tayong i-assemble ito. Pagkatapos, kung sinong maunang makatama sa mata noong target, siya ang panalo." Ilang sandali pa itong nakipagtitigan sa akin bago unti-unting umangat ang bawat sulok ng kanyang bibig. "Sigurado ka bang ito ang gusto mong pustahan? Nakakalimutan mo yatang ako ang nagtuturo sa iyo kung paano gumamit ng baril?" He asked with that smug on his face. Nagkibit-balikat naman ako. "I think I can manage," sagot ko rito sabay pakita noong infamous smile ni Kira. Medyo kinabahan pa ako nang kumunot ang noo nito at baka bigla na lang siyang umatras. But for a month now of practicing together, I'm pretty confident he's the type who wouldn't back down from a bet; especially if it has got something to do with guns. Kaya laking ginhawa nang makita ko ang pagbabalik ng maangas nitong ekspresyon sa mukha. "Not my loss," sabi pa nito bago tinawag ang isang staff para ihanda ang aming gagamitin. Hindi aabot sa sampung minuto, nakahanda na ang lahat sa dalawang lamesang sinadyang ipagtabi. Kakasuot ko lang ng aking eye-protector nang aking mapansin ang paglapit ni Kyo sa kanyang station. Agad ko namang isinukbit sa aking leeg ang earmuffs at saka sumunod sa kanya. "Having second thoughts?" Mapanuya pa nitong tanong. Panandalian kong pinagmasdan ang mga nakahilirang bahagi ng baril as I mentally counted them. Sinadya talagang tanggalan ng mga bala ang magasin bilang bahagi ng challenge sa pag-a-assemble. Matapos noon, ang target naman ang mabilis kong sinulyapan bago ko siya hinarap at saka umiling nang may malaking ngisi sa mukha. "Not really. Are you?" Panunuya ko rin ditong agad namang sumimangot sa naging sagot ko. "Well then... I'm looking forward to slaving you for a year," huli nitong sabi bago kami nilapitan ng isang trainor. Kaagad kong inayos ang aking earmuffs at saka pumwesto. Pansin kong nakatanaw na rin si Kyo sa gawi ng trainor. Paulit-ulit ang paglalaro ng mga daliri nito habang nakaantabay kung kailan hihipan ng trainor ang pito nito bilang hudyat ng aming pagsisimula. Nang ibaling nito ang paningin sa akin, agad na sumilay ang isang mapang-asar na ngisi sa kanyang labi tila kampanteng isang napakadaling panalo ito sa kanya. Iniwas ko na lang ang aking paningin dito at itinuon iyon sa nakatanaw na trainor na tila handa ng patunugin ang kanyang pito. Ramdam ko agad ang pag-usbong ng kaba sa aking dibdib na mabilis kong isinantabi. I don't need the nerves right now. I need to win. Ipinikit ko ang aking mga mata at saka huminga nang malalim. Dahan-dahan ko iyong pinakawalan para huminahon ang aking puso. Habang ginagawa iyon, I made a quick assessment of the situation. Kyo's skills are by far formidable kung ikukompara sa mag-iisa ko pang buwang kakayahan. I need to form a good strategy if I want to outwit him and win this game. Inalala ko ang lahat ng natutunan mula sa kanya at pati na rin iyong mga nabasa ko sa aking research. Somewhere in there, I may find a sure way to beat him. Pero higit sa lahat, kailangan kong maging kalma para magawa ang mga ito nang mabilis at mahusay. Nang tumunog na sa wakas ang pito, agad kong iminulat ang aking mata at mabilis na ginalaw ang mga kamay. Mabilis kong kinuha iyong slide at agad na ipinasok doon ang barrel. Isinunod ko naman iyong bushing nito. Kinuha ko agad iyong recoil spring at guide nito at mabilis na ipinasok iyon sa slide. Pagkatapos, dinampot ko na iyong receiver. Nagpapasalamat ako sa palaging pagpaparusa sa akin ni Kyo dahil mas tumibay at bumilis na ngayon ang aking mga daliri. Kaya naman, kung dati ay nahihirapan ako, ngayon ay madali ko na lang na naa-align iyong slide sa receiver ng baril. Mabilis ko namang isinunod ang paglalagay ng recoil spring plug. Nang matapos iyon, binuksan ko agad iyong slide bago dumampot ng isang bala at walang pagdadalawang isip na ipinasok doon. Ramdam ko ang pagtitig ng aking kaharap pero binalewala ko lang iyon habang nire-release iyong lock. Matapos noon ay agad akong humarap sa target at walang pag-aalinlangang kinalabit ang gatilyo. "What the fu—" Doon lang ako muling tumingin sa aking katunggali. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatuon sa unahan habang nakasabit sa ere ang kamay na may hawak na magazine at akma na sanang ipapasok sa baril. Ilang saglit pa ay padabog nitong ibinagsak ang mga hawak bago ako hinarap. "You cheated!" Pag-aakusa nito, "You took your shot kahit hindi pa tapos ang pag-a-assemble mo! That was clearly against the rules!" "No, it wasn't," I confidently said as I basked on his bitter expression, "Ang sabi sa rules, ang sinumang unang makatama sa mata ng target ang siyang mananalo," eksakto naman ang pagdating ng target ko sa tulong ng automatic na mechanism dito. I took it and showed the paper to the appointed judge. He nervously took the target from my hand and carefully examined it. Mabibigat at mabibilis naman ang pinapakawalang hininga ng aking kaharap na tila ay ilang segundo na lang ay puputok na ito sa sobrang galit habang hinihintay ang hatol ng kanyang tauhan. "I-it's a bull's eye, Master Kyo," pagkukumpirma nito sa kanya. Galit nitong ibinaling ang paningin sa nagsalita bago marahas na kinuha iyong papel. Nakuha pa nitong panlisikan ako ng mata at saka lang tinignan ang hawak. Nang makita na nito iyong butas sa gitna ng target, hindi ko na pinigilan pa ang pagkawala ng isang malaking ngisi sa aking mukha. Ramdam ko ang paghataw ng magkahalong kaba, tuwa at excitement sa aking dibdib sa mga posible pang malaman tungkol sa Emperors... tungkol kay Rekka. Filled with renewed confidence, inayos ko ang aking tindig at saka taas-noo siyang tinitigan. "I won."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD