KABANATA 45
Abot tainga ang ngiti ko habang tinatamasa ang aking pagkapanalo at pinagmamasdan ang napipikong mukha ni Kyo. Laking gulat ko na lang nang bigla niyang punitin iyong pinaghirapan kong target at pinagpira-piraso bago itinapon sa aking harapan.
Napaupo ako at saka isa-isang dinampot ang mga papel na dapat sana ay ebidensiya ng lahat ng pagsisikap ko. Nang malikom ko na ang karamihan sa mga ito ay muli ko siyang hinarap at pinaulanan ng matatalim na titig.
"Even if you've torn this in pieces, it wouldn't change the fact that I've won and you've lost. Why don't you man up and swallow the bitter pill because I've got questions you swore to answer," dire-diretso kong sabi habang pinapakita sa kanya iyong hawak kong mga papel.
Inilagay nito ang kanyang mga kamay sa magkabilang bahagi ng kanyang baywang at saka galit na luminga sa paligid. Pulang-pula ang nakasimangot nitong mukha nang muling bumaling sa akin. Inilang hakbang niya ako pero hindi ako natinag sa kanyang pinapakitang galit at nanatili lamang sa aking kinatatayuan.
"I will not acknowledge your win that you only got through cheating!" Nanggigilaiti nitong pag-aakusa.
"I. Did. Not. Cheat." I said with conviction habang nakikipagtagisan ng matatalim na titig dito, "What I did was not against the rules—"
"You weren't done assembling your gun when you took your shot! It was clearly stated that we have to assemble the gun before firing... how come it wasn't against the rules, huh?!" Asik nito sabay tulak sa akin nang malakas.
Kumalampag iyong mesang pinaglagyan ko ng baril at nahulog iyon sa lupa. Mabilis namang tumungo roon ang mga tauhan ng range at dinampot iyong nahulog. Napasulyap pa sila sa amin bago nagmamadaling umalis.
"Assembling the gun was part of the race pero hindi iyon ang finish line. Hindi iyon ang magdedetermine kung sino ang panalo sa atin kung hindi iyong unang makakatama ng mata nito!" Utas ko sabay pakita muli sa hawak kong mga piraso ng target.
He turned around and muttered strings of profanities. Sinipa pa nito iyong mga natirang papel sa lupa.
"Tanggapin mo na lang kasi na—"
Bigla itong humarap at hinigit ang harapan ng aking damit para marahas na ilapit ako sa kanyang mukha.
"I will not accept that you've defeated me by cheating, you understand that, you twerp?!"
"I said I did not—"
"I will make you understand that deviating from normal practice will lead you to disaster," buong diin nitong tugon habang pinanlilisikan ako, "MISTER MANAGER!" Napaigtad ako sa lakas ng kanyang sigaw bago ako binitawan.
Isang pawisang tauhan ang kaagad na lumapit sa amin. May bitbit itong chart at nakasabit ang earmuff sa leeg.
"Y-yes, Master Kyo. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Kinakabahan nitong tugon habang papalit-palit ang tingin sa amin.
Saglit na sumulyap sa akin si Kyo bago humalukipkip sa harap ng kanyang tauhan.
"I'm going home," walang emosyon nitong tugon.
Tumango lamang ang manager at akma na sanang sasagot nang muling magsalita ang kanyang amo.
"You make sure this little girl here does the assembling and disassembling of a .45 manual caliber," muli niya akong pinukulan ng tingin pero bago pa niya iyon binawi, nakinitaan ko iyon ng bakas ng masamang pangako, "A. Hundred. Times. Over."
"What?!" Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"P-pardon me, M-master, b-but did you just say a... a h-hundred—" Biglang natigilan ang manager nang panlisikan ito ng mata ng kanyang amo.
"Are you becoming deaf, Mr. Manager? Do I need to find a replacement already?"
"N-no, M-master! Of course! Of course, I heard you just fine, Master," nakangising tugon ng manager ngunit bakas pa rin sa namumutla nitong mukha ang kaba at takot, "Assembling and disassembling. 45 caliber. Manual. Hundred times. I understand, M-master Kyo," pag-uulit nito na may kasabay pang two-thumbs up bago napasulyap sa akin na may bahid ng awa.
Iniwasan ko ang tingin na iyon at ibinaling sa demonyong Kyo. He was already making his way to his jeep. Kaagad ko namang tinakbo ang distansiya namin.
"Are you out of your mind?! A hundred times over is insane! Our schedule will be long over before I'm even done with the task... hahanapin na ako sa main house niyan!" Paghihimutok ko rito.
"And that's my problem because?" Tugon lang nito nang hindi ako tinitingnan at patuloy lang sa pagtungo sa kanyang sasakyan.
Marahas ko siyang hinila para patigilin sa paglalakad. At tulad ng mga nauna nitong reaksyon, mabilis niyang binawi ang kanyang braso na tila napapaso sa hawak ko.
"Don't you f*****g touch me, you freak!"
Hindi ko lang pinansin ang huli nitong sinabi at humalukipkip sa kanyang harapan.
"Bakit ba mahirap para sa iyo ang sagutin ang mga katanungan ko tungkol sa Emperors? May kinakatakutan ka ba sa—"
"I am not answering any of that!" Utas nito bago muling tumalikod.
"Miyembro ka pa rin ba? Kasali rin ba si Kira?" Tanong ko pa rin kahit na patuloy lang ito sa kanyang pag-alis.
"If you are, then why aren't you the lead—" Hindi ko pa natatapos ang tanong ay mabilis itong pumihit at tinakbo ang distansiya namin. Hinigit nito ang aking palapulsuhan at marahas akong inilapit sa kanyang nanggigilaiting mukha.
"Shut the f**k up," mariin nitong sabi, "You want to know something about the Emperors so bad?" Isang mapanuyang ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi.
Hindi ako nakasagot at mataman lang siyang tinitigan. Napapangiwi na ako sa higpit ng pagkakahawak nito sa aking palapulsuhan. Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha hanggang sa pumantay ang kanyang bibig sa aking tainga.
"The Emperors..." paninimula nito at biglang nabuhayan ang dugo ko sa mga posible nitong sasabihin.
Will he share something about Rekka? How he was as a leader? Or, sasabihin niya ang dahilan kung bakit hindi niya piniling maging pinuno ng mga ito? Was it because he wanted to concentrate on his studies? Or was he starting to manage their businesses? How about Kira? Is he still a member? Or—
"...are none of your f*****g business so f**k off!" Mariin nitong tugon bago ako marahas na binitawan.
"Huh?!"
"Get back there and get done with your task!" Sabi lang nito bago muli akong tinalikuran.
Pero hindi pa rin ako sumusuko kaya hinabol ko pa rin siya.
"Why are you not telling me anything? If the Kurozawa started the Emperors, why is that—" Hindi ko natapos ang sasabihin dahil tumigil ito sa paglalakad at bigla na lang natawa. Tumatawa ito ngunit walang sigla sa tawa nito.
Ilang saglit pa ay huminto na rin siya. Ipinilig niya lang sa isang banda ang kanyang ulo.
"Stop sticking up your nose to places it doesn't belong. Forget about the emperors. It long died the day you took our alpha from us."
Para akong napako sa aking kinatatayuan at hindi na nakasunod sa kanya nang muli itong kumilos patungo sa kanyang sasakyan. Nanghihinang pinagmasdan ko na lang ang papaalis nitong Jeep Commander.
Alas tres na ng hapon nang makauwi ako sa main house. Pagod at matinding pagmamanhid ng mga daliri ang idinulot sa akin ng parusa ni Kyo.
And I really thought I could have won him on that one.
Padarag akong humiga sa aking kama, not minding that I haven't changed my clothes nor taken off my shoes yet. Ipinantakip ko ng mata ang aking bisig habang iniisip iyong mga huling sinabi niya sa akin.
Akala ko ba si Gene ang pumalit bilang pinuno ng Emperors? Paanong nangyaring doon natapos ang lahat? Paanong napunta ang pangangasiwa ng grupong itinatag ng mga Kurozawa sa mga taong kagaya ni Drake? Bakit parang iniiwasang paksa ito ngayon ni Kyo? Ang dami kong gustong alamin. Ang dami-daming hindi ko maintindihan.
I took a deep breath as I stretched both of my arms in front of me. I stared at my numbed fingers as I recalled the expressions on Kyo's face habang tinatanong ko siya tungkol doon. How he cringed when I asked him why he was not the current leader. How his expression darkened habang sinasabi iyong mga katagang iyon.
Hindi lang ako makapaniwala na ang grupong itinatag ni Rekka na ang tanging layunin ay protektahan ang interes ng bawat mag-aaral ng LJU ay naghahasik ngayon ng bangungot sa ibang tao. I'm sure if he's here, hindi niya pahihintulutang mangyari ito. I'm sure he would do something to stop Drake from his evil deeds.
Natigilan ako sa aking naisip.
Of course... if he's here, there would be no Drake in the first place.
And most probably... no Aya either.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni nang biglang bumukas ang pintuan ng aking silid at umugong ang isang pamilyar na boses. Mabilis kong ibinaba ang aking mga kamay at napalingon sa direksyon nito.
"Hello my precious, beautiful daughter! Nandito na ang ever cool, ever reliable, ever lovable mong Daddy!"
I grunted at his timing. Bago ako tamad na bumangon para maupo.
"Ang aga mo yata ngayon? I thought you'd get me by five?" Akala ko may oras pa akong lapatan ng first aid itong mga daliri ko bago umuwi.
Ngunit imbes na ngumuso ito tulad ng mga kinagawian, umangat ang kamay nito at nagkamot ng batok bago may pag-aalinlangang ngumiti.
"Uh... Master Daiki arrived this morning."
Para akong nabato sa aking narinig. I was just here this morning. Hindi ko man lang namalayan ang paghahanda ng main house sa pagdating nito.
Of course.
Kahit na nasa iisang bubong lang kami, hindi nila obligasyong ipaalam sa akin ang pagdating ng isa sa mga grand masters ng aming angkan. Sino ba naman ako, hindi ba? I'm just the cursed one, the outcast, the unwanted... Wala akong karapatan sa mga impormasyon tungkol sa pamilyang ito.
"Um... may konting salu-salo. Unlike the headmaster's party, Master Daiki wants to have a simple gathering. Iyong mga direct family members lang," This means the whole branch family members are going to be here tonight.
Tumango-tango lang ako habang nakikinig sa mga sinabi nito.
"So..." Panimula ko habang pinaglalaruan ang aking mga daliri, "I'm going home earlier today?" Ngumisi ako sa kanya para ipakitang natutuwa ako sa ideyang nabanggit.
Bakas ang lungkot sa mga mata nito habang pinagmamasdan ako. Isang palatandaan na tama ang aking hinala. Nang hindi pa siya sumagot ay tumayo na ako at nilapitan iyong mesang katabi lang ng kama.
"Alright! Ibig sabihin nito makakalaro ko pa nang mas matagal iyong kambal!"
I took my laptop and other gadgets from there. Kinuha ko rin iyong mga notes na ginawa ko tungkol sa kendo at boxing.
"And I get to eat more of Mimi's cookies!"
Inabot ko iyong backpack na nasa dulo ng aking kama para ilagay sa loob noon iyong mga gamit nang naramdaman ko ang presensiya ni Gene sa harap ko. Halos napatalon ako sa biglaan nitong paglapit. Agad naman itong umupo sa harap ko at binawi ang mga hawak kong kagamitan. Inilapag niya ang mga iyon sa kama.
"Sabay tayong uuwi mamaya, Aya," mahinahon nitong tugon.
Medyo naguluhan ako sa sinabi nito. Ibig niya bang sabihin ay hihintayin ko siya hanggang sa matapos ang salu-salo o... Hindi naman siguro...
Nang makita kong seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa akin, I knew that my hunch was right.