Kabanata 46

1774 Words
KABANATA 46 "You're taking me to the gathering? Are you insane?" Hindi ko napigilang ibulalas. If he's doing this for my sake because he feels sorry for me, then he'll be in more trouble with his family! At ayoko nang mangyari pa iyon sa kanya. Sobra-sobra na nga ang mga ginawa niya para sa akin. Hindi ko na dapat ito dagdagan pa! "Yes, I'm taking you to the gathering, Ayana. And no, I'm not insane. Master Daiki has requested for your presence at dinner." Matagal bago rumihestro sa utak ko ang huli nitong binanggit. Master Daiki wants me to join his family gathering? "Huh? Bakit?" Mataman niya akong tinignan bago nagkibit ng balikat. "Honestly? I don't know. Bigla na lang niya akong tinawagan kanina para sabihing isama kita sa salu-salo mamaya," pagod nitong sagot, "Kung ako lang ang masusunod, hindi ako papayag na maipit ka na naman sa isang sitwasyong alam kong hindi ka magiging komportable." Alam kong tinutukoy nito ay ang posibilidad na magkaroon na naman ng bangayan sa pagitan nilang dalawa ng kanyang ama. Hindi rin ako sang-ayon sa posibilidad na iyon. Kung puwedeng iwasan, iiwasan ko kaagad kaya lang... ang pagtawag sa akin ni Daiki ay ibang usapan naman. No one is allowed to say no to an invitation by the grand masters. Nailipat sa kumikirot kong kamay ang aking atensyon nang maramdam ko ang mahigpit na hawak ni Gene roon. I fought the urge to cringe at the pain para hindi nito mapansin. Bagkus, ibinaling ko na lang sa kanyang mukha ang aking paningin at ipinokus doon ang aking isipan. "Kung ayaw mo, sabihin mo lang... I'll find some excuses so you won't have to go through encountering my father again," bakas ang pag-aalala sa rito. Logically, that would be the better choice. But, ethically, mababastos ni Gene si Daiki dahil sa hindi pagsunod sa utos nito. Hindi ko siya pwedeng ipahiya sa harap ng kanyang pamilya. Sa kabila ng kirot na nararamdaman ko, nginitian ko siya. Saka ipinatong sa nakahawak niyang kamay ang isa ko pa at marahan iyong hinawakan. "It's Master Daiki's invitation. We can't just turn him down. Hindi naman siguro lalabas ang pangil ni Dice habang nasa presensiya nito kaya magiging okay lang ako. Don't worry." Unti-unting umaliwalas ang mukha nito matapos akong marinig. Nandoon pa rin iyong konting pag-aalinlangan pero sa huli ay tumango rin ito. "Alright, if that's what you think is the right thing to do, iyon ang gagawin natin." Nakahinga ako nang maluwag nang bitawan na nito ang pagkakahawak sa aking kamay para hawakan ang magkabila kong balikat. "But if things get awry or if any of the conversation is making you uncomfortable, kalabitin mo lang ako at aalis tayo kaagad. Maliwanag ba?" If he did that, gagawin siyang persona non grata ng sarili niyang pamilya. I will never allow that to happen. Kaya ko namang lununin ang mga maaanghang na salita. "I won't be merciful if they hurt you again this time." His eyes tell me that he's dead serious with his promise. I will be forever thankful that I have someone like him in my life after Rekka. Someone who is willing to protect me with all he's got. Ngunit, hindi tulad ng dati, hindi na ako ganoon kahina. Kaya ko nang lumaban para sa aking sarili. I reached out my numbed hands so I could gently caress his worried face. Agad naman itong kumalma sa aking haplos. Ngitian ko siya. "I know," at kaya ko na rin silang ipagtanggol sa abot ng aking makakaya. I said that pero hindi ko pa ring maiwasang kabahan habang nakaupo sa harap ng mahabang hapagkainan ng pamilya. I'm seated between Gene and Hans. Katabi naman ni Gene sa kabila ang kanyang amang panay ang tikhim sa tuwing gumagawi ang paningin sa akin. Si Cute ay kaharap nito at kinawayan ako nang masulyapan ko. Nasa kanan naman nito nakaupo ang dalawa niyang mga anak. Si Kyo ay tamad na nakasandal sa kanyang upuan habang nilalaro ang kanyang telepono. Habang si Kira naman ay ngiti lang ng ngiti habang tuwid na nakaupo sa aking harapan. The butlers who have been preparing our utensils were curiously eyeing me. I'm wearing my sky-patterned kimono with make up on my face and jade pin on my hair. Siguro maging sa kanilang pananaw, isang kakaibang arrangement ang makitang mahaluan ng babae ang isang importanteng pagsasalo tulad nito. "This is outrageous! Bakit mo pa dinala iyan rito?!" Umugong sa buong silid ang baritonong boses ni Dice matapos umalis ng pinakahuling butler. Kasabay nito ang maingay na tunog ng mga silya at mga kagamitan sa mesa. "Daisuke!" Napatayo naman si Cute sa kanyang upuan upang pigilan ang kanyang nakatatandang kapatid. "Here we go again..." Bulong ni Kira na narinig ko pa rin mula sa aking pwesto. Inihulog ko na lang sa aking mga palad ang aking paningin upang hindi na makita pa ang mangyayari. Hangga't hindi ako kakalabit kay Gene, hindi siya aalis dito. Hindi siya pwedeng umalis hangga't hindi pa natatapos ang salu-salo. "What's wrong with bringing my daughter here?" Kalma pero may diing tugon ni Gene sa kanyang ama. "Are you seriously asking me what's wrong?!" Narinig ko ang kaluskos ng mga pagkilos ng tao. "Daisuke, calm down!" Ani Cute. "No, Kyousuke, do not try to intervene with this," saway ng nakakatandang kapatid nito, "Hindi mo ba talaga nakikita ang mali sa larawang ito, Yuujin?" A pause and then after a heavy scoff, "IYAN!" Utas nito sa isang malakas na boses at kahit hindi ko man makita, sigurado akong nakaturo sa akin ang kanyang daliri, "Her presence here is wrong in so many levels, you idiot of a son! Don't you have any respect to our traditions? Not a single ounce to our family?" Naikuyom ko ang aking namamanhid na mga palad habang pinakikinggan si Dice na pinapagalitan sa harap ng ibang tao ang kanyang panganay. Sinilip ko ang aking katabi at nakitang nakakuyom din ang mga palad nito at nakaigting ang panga habang nakatuon ang paningin sa nakataob na plato. Gusto ko siyang kalabitin na lang para hindi na niya kailangang marinig ang ganitong masasamang salita. Pero kung gagawin ko iyon, lalabas siyang bastos sa mga ito. Kaya uupo na lang ako rito at mananahimik para hindi masayang ang pagtitiis ni Gene sa panlalait at pagpapahiya sa kanya ng sariling ama. Napaigtad ako nang biglang may marahang humawak sa aking kamay. Sinundan ko iyon ng tingin at nakitang nakasilip sa akin ang mahinahong mukha ni Hans. Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi before mouthing 'daijoubu' to me. Napakalma naman ng ngiti nito ang naninikip kong dibdib. Tumango ako sa kanya to reassure him na naiintindihan ko. Nagpatuloy si Dice sa kanyang mga litanya nang biglang bumukas ang malaking pintuan. Nagsilingunan ang lahat at nang makita kung sino ang pumasok ay kaagad namang nagsitayuan. "Master Daiki..." "What on earth is going on in here? I could hear your voices even from my room!" Ugong ng tinig ng pangalawang pinakamakapangyarihang tao sa angkan. When I looked up to take a peek, I saw a man, whose raven black hair was seasoned with time and experiences, striding towards his place in his dark blue dragon kimono looking at his sons. When he reached his chair, as he was about to turn to look at Dice he caught me staring at him. Bumayaw kaagad ang kaba sa aking dibdib. Mabilis kong ibinaba ang aking paningin at nagdasal na sana ay hindi niya ito banggitin sa buong silid. "I'm very sorry, Chichiue, my idiot of a son has brought nothing but shame to our family crest." Para akong sinikmuraan sa narinig. I want to protest and tell him na hindi iyon totoo pero kapag ginawa ko iyon lalo ko lang mapapahamak ang pangalan ni Gene. "Yuujin?" Ramdam ko ang paggalaw ng aking katabi sa kanyang pwesto nang banggitin ang kanyang pangalan. "What did he do to deserve such dishonor?" Napakagat ako ng aking labi dahil alam ko na kung anong susunod na bibitawang mga kataga ni Dice. "I did not raise him to be the next beta of the clan just so he could bring this girl in this honorable meeting," may diing tugon ni Dice. "By 'this girl', you were referring to Kurozawa Ayana, were you not?" Agad akong tumuwid sa pagkakaupo nang marinig ang aking pangalan. Hindi ko narinig na sumagot si Dice sa katanungan ng master. "Yuujin," mahinahong tugon ni Daiki sa kanyang apo. "Hai, Master Daiki," mabilis namang sagot ng aking katabi na ngayon ay pormal ang postura. "Thank you for granting my request of bringing her here." "Chichiue?" May bahid ng pagkapahiya sa tono nito. Ramdam ko ang pagtitig ng mga tao sa aking gawi. Nanatili lang akong nakadungo at naghihintay na maumpisahan na ang pagkain para matapos na ang awkward na sitwasyon na iyon. "Kurozawa Ayana," mahinahong pagbanggit ni Daiki sa aking pangalan. "H-hai," halos hindi ko makilala ang sariling boses sa tindi ng kaba. "Raise your head," utos nito. Unti-unti kong inangat ang aking paningin at ang mga magkahalong pangungutya at pagkamangha sa mukha nina Kyo ang sumalubong sa akin. Mabilis ko iyong iniwasan at nilingon ang pwesto ni Daiki. He was warmly smiling at me for some reason when the last time I saw him, he was angrily pointing his finger at me and cursing me to the depths of hell. "You will never be enough! You will forever be nothing but a disgrace and a stain to the family crest! Get out of my sight!" I flinched inwardly at the memory. "Ah," panimula nito kasabay ang marahang pagsaklop ng kanyang mga kamay, "Just as they say, you look so much like your mother. Yes, your rose gold hair, your French doll face, those blue-green eyes... just like your mother indeed," tugon nito habang pinapasadahan ng tingin ang aking buong mukha. "No, don't look down. Raise your head, Kurozawa Ayana," mabilis na tugon nito nang muli kong ibaba ang aking paningin dahil sa hiya. Kaagad ko namang ibinalik ang aking paningin sa gawi nito. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanyang mukha. Pakiramdam ko ay ipinagbabawal na gawin iyon. Ilang sandali pa niya akong pinagmasdan. Pero nang magawi ang kanyang paningin sa aking mga mata, nagtagal ito roon bago biglang ngumisi at tumango. "Oh, but the shape of your eyes is your father's..." bigla nitong tugon. He was looking at me intently nang biglang nagsinghapan ang mga tao sa aming paligid. "Headmaster..." Agad na lumipad ang aking paningin sa kanilang tinutukoy. True enough, striding in his royal red dragon kimono, came the grand master of the clan – Daichi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD