KABANATA 47
Kunot ang noo nitong nakatingin ng diretso sa kanyang nakababatang kapatid. Hindi na niya ginawaran ng pansin ang mga taong sumasambit sa kanyang pangalan bago yumuko bilang pagbati. Bagkus ay mahahaba at mabibilis na mga yapak ang ginawa nito habang tinutungo ang kinaroroonan ni Daiki na agad namang tumayo para salubungin ang nakatatandang kapatid.
"Daichi, brother—"
"What is going on in here?" Malakas at mariin nitong tugon.
Mabilis siyang sumulyap sa aking gawi at mas lalong dumipena ang simangot sa mukha nito. His equally gray-streaked raven hair was pushed back, emphasizing the flying dragon tattoo from his right cheek and across his forehead.
"It's good to see you again, dear brother. Come and join us..." masiglang pag-anyaya sa kanya ng kanyang kapatid.
"Stop beating around the bush, Daiki. I asked you once, I'm not asking you again," sabi nito sa matigas ng ingles.
"Nothing, Brother," sagot nito, "I'm just having dinner with my family since it's been so long since we last saw one another," dagdag pa nito habang nakaunat ang kaliwang braso para ilahad ang kabuuan ng hapagkainan.
Nanliit ang mga mata ng grand master sa sinagot ng kanyang kapatid.
"Oh, have you seen Kurozawa Ayana?" Tanong ni Daiki habang inilalahad ang kinauupuan ko.
Umigting ang panga ni Daichi sa tanong nito. He didn't take his eyes off his brother just to take another peek at me.
"Hasn't she grown more beautiful this year? She's just twelve, I believe. Am I right, my dear?"
Muli akong napaayos ng upo nang malamang nakadirekta ang tanong na iyon sa akin.
"Ha-hai, Master Da-daiki," nauutal kong tugon.
Hindi nakawala sa pandinig ng lahat ang disgusto sa pagtikhim ng grand master.
"You can just imagine how beautiful she'll become when she turns—"
"Do whatever you want!" Pagpuputol ng headmaster sa sasabihin sana ng kanyang kapatid sabay talikod para umalis.
Muli na namang nagsiyukuan ang mga tao sa kanyang pagdaan. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas sa pintuan, tumigil ito at pinilig ang ulo sa isang banda.
"Kurozawa Yuujin."
"H-hai, Headmaster," mabilis na sagot ng aking katabi.
"Step outside," malamig na tugon nito bago tuluyang lumabas.
Nanlamig ako nang mapagtantong saglit niya akong iiwanan kasama ang mga tao rito. Maaaring nabasa ni Gene ang nasa aking isipan nang maramdaman ko ang marahang paghaplos nito sa aking kamay. Nang tumingala ako, isang marahang ngiti ang nakalagay sa kanyang mahinahong mukha. Wala itong bakas ng pag-aalala o takot kung meron man.
"Sandali lang ako. Babalik din ako agad," marahan nitong usal bago nilingon si Hans sa aking likuran, "Ikaw na muna ang bahala, Hans," sabi nito.
Muli niya akong binigyan ng isang reassuring na ngiti bago mabilis na sinundan ang grand master. Nakita ko pa ang panlalaki ng mata ni Dice habang nakatingin sa kanyang bunsong anak na nagkibit lang ng balikat.
Ilang sandali pa ay dumating na ang pagkain. Bumalik na sa kanilang pagkakaupo ang bawat isa pero hindi pa rin nila tinatanggal ang paningin sa aking gawi. Nang makompleto na ang paghahanda, nagsabi ng maikling dasal si Daiki bago sinimulan ang salusalo.
Tahimik ang lahat habang kumakain. Nakatuon lang sa sarili kong plato ang aking paningin pero nasa labas naman ng pintuan ang aking isipan.
Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Was he reprimanding Gene for bringing me to an important family banquet? Paparusahan niya ba ito? Itatakwil niya rin ba...
Marahas kong iniling ang aking ulo sa naisip.
"I've heard my grandsons are teaching you self-defense this summer, Kurozawa Ayana."
Napapitlag ako nang banggitin ni Daiki ang aking pangalan. Agad na lumipad sa kanya ang aking mga mata.
"H-hai," puno pa rin ng kaba ang aking dibdib sa biglaan nitong pagbanggit.
"Hmm..." Seryoso ang mga titig nito na tila may iniisip bago inilapat sa aking katabi, "How is she fairing, Yuuhan?"
May kumalabog sa dibdib ko nang tanungin niya iyon. Agad akong napasulyap sa aking harapan at nakitang nakataas ang isang kilay nito at nakaangat ang isang dulo ng bibig habang nakatanaw sa akin. Ganoon din ang hitsura ng kanyang katabi na tila iyon ang pinakahihintay nilang sandali.
"She has done well given it's her first time in the ring," walang pag-aalinlangang pahayag ni Hans.
Nilingon ko siya at isang marahang ngiti ang iginawad niya sa akin. Narinig ko naman ang pagtikhim ng kanyang ama sa aking likuran kaya umayos uli ako sa pag-upo.
"Hmm... is that so? How about in yours, Kyo, Kira? Do you have the same opinion as Yuuhan?"
Pakiramdam ko napuno na ng malamig na hangin ang aking tiyan at hindi ito mapanatag sa maaring sabihin noong dalawa. They hated me enough para ipahiya sa harap ng kanilang lolo.
"Oh, she's exceptional, Master Daiki!"
Huh?
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong abot-tainga ang ngiti ni Kyo habang kinukwentuhan ito. Ganoon din si Kira at tumatango pa sa tabi nito.
"Her kendo is pretty advanced as well, Master Daiki. She moves like a pro. It's a shame that she's a bit late to register for the tournament. Maybe I'll let her join next year, hmmm?" Kwento naman ni Kira.
Kunot-noo ko silang pinagmasdan habang manghang-mangha si Daiki na tumatango sa nalaman. Si Dice naman ay nakaawang ang bibig na pinagmamasdan ang mga pamangkin sa kanyang harapan. Habang si Cute naman ay nakatanaw sa akin at marahang pumapalakpak.
"You should have seen how fast and accurate she was with her targets. I've never seen anyone assemble a .45 manual caliber as fast as she could..." Saglit pa akong sinulyapan ni Kyo at nakita ko agad ang bakas ng isang masamang balak sa titig nito.
If they want to humiliate me, praising me infront of their family patriarch is highly unusual. Sa mga mukha pa lang nila, alam kong may binabalak sila.
"That is quite impressive, Kurozawa Ayana. I mean, for a girl..."
Nakita ko ang pagdampot ni Daiki sa isang kopeta ng tubig at nagmadaling inumin iyon. His eyes were on me habang ginagawa ito.
"Wow," usal nito matapos uminom pero walang sigla ang mga mata, "But let's not get carried away, shall we? After all, being born as a female, it's not your duty to become strong. Yours are the household chores, ikebana and other trivial things that won't need strength or power or speed..."
Nagbaba ako ng tingin sa kanyang mga sinabi. Mahina lang pero dinig ko ang hagikhikan noong dalawa sa harap ko.
"Females are born to be weak so the males could protect them. So it is okay, Kurozawa Ayana, even if you don't do well in those things. Continue being a girl and leave the strengthening to the men," tahimik kong ikinuyom ang aking mga palad sa binitawan nitong pahayag.
Natapos na ang salusalo na walang ibang nangyari kung hindi ang ipahiya ako, hindi pa rin nakakabalik si Gene. Kagagaling ko lang sa palikuran nang namataan ko sa may pintuan si Kira na may kausap. They were engaged in a serious conversation bago parang may palihim na ibinigay iyong kausap niya sa kanya. Naningkit ang mga mata ko trying to figure out kung ano ang bagay na iyon ngunit bago ko pa makita ay ipinasok na iyon ni Kira sa bulsa ng kanyang kulay lilang kimono.
"Whoa! Hindi mo sinabing may maganda kayong binibini rito, Kira-cchi!"
Nanlaki ang mata ko nang makilala ang taong kausap nito.
Nilingon ako ni Kira at agad na kumunot ang kanyang noo. Muli niyang hinarap ang kasama at bahagyang gumalaw para harangan ako sa paningin nito.
"She's just some relative. She's nothing to fuss over, Master Ryuu."
Parang nabuhusan ng napakalamig na tubig ang buo kong katawan at nanigas ako sa aking kinatatayuan.
What did he call him? Master? Master Ryuu?
Tumingkayad ang kasama nito at muli akong sinulyapan. Lihim akong napasinghap nang magtama ang aming paningin. His chinky eyes were full of dark promises as he bore them with my blue ones.
Kira's master is the Emperors' evil leader...
Drake.