KABANATA 48 "Ang cute naman ng relative mo... Ipakilala mo ako, Kira-cchi!" Hindi tulad noong una naming pagtatagpo, imbes na panlilisik ay isang natutuwang ekspresyon ang ipinapakita nito ngayon. Nabalot ako ng kaba nang maisip na baka mamukhaan niya ako. They can't know we've already met outside and was engaged in a fight. Pero imbes na gumalaw ako para makalayo roon, tila nabato pa ako sa aking kinatatayuan lalo na nang muli akong sinilip ng singkit nitong mata. Pagod na nagbuntong ng hininga si Kira bago lumingon sa akin. His equally tired eyes tell me that he is left with no choice but to introduce me to him. Ikinahihiya niya marahil ang ipakilala ako bilang kamag-anak. O baka naman ay takot itong tumanggi sa utos ng demonyong iyon? Naikuyom ko na lang ang aking mga palad habang p

