KABANATA 38
I just don't see how that fool could be frightening. Ni wala nga siyang panama sa mga tauhan ni Reign kung tutuusin. He's just the type of person who hides behind his mountain of wealth to defend himself when worse comes to worst. He's nothing but a pathetic coward!
Marahas na itinulak ng leader nila si Cecilia habang nakatuon pa rin ang paningin sa akin. Walang pagdadalawang isip naman na kumaripas ng takbo iyong babae, leaving me alone with these wolves.
"What did you just say, boy?" Nanggigilaiting tanong sa akin noong Drake.
"I said I'd like to see you try breathe fire on—" Bago ko pa matapos ang sasabihin, kaagad nitong sinakmal ang aking leeg at mariing sinakal.
Almost immediately, both of my hands flew towards his grip at pilit na inaalis iyon. Nakatanaw lang sa amin ang mga kasamahan nito at tila sanay na sanay na sa nakikita. Damn, ang lakas ng isang ito!
"This is what you get for interfering with the Emperors, little boy," sabi pa nito through his gritted teeth.
Bago pa ako maubusan ng hininga ay buong lakas ko siyang tinadyakan sa gitna ng kanyang hita. Kaagad naman niya akong binitawan, dumungo at napahawak roon habang namimilipit sa sakit.
"F*ck!" Sigaw pa nito, "Get that son of a b*tch!" Utos nito sa kanyang mga kasamahang pansamantalang natigilan.
I was still holding my neck while trying to catch my breath nang sabay-sabay silang umatake sa akin. Nahagip ng mata ko ang isang putol na kahoy at kaagad na pinulot iyon.
Hahawakan na sana ako noong naka-berdeng shirt nang mabilis ko siyang inilagan, hitting the guy in a blue shirt with my make-shift shinai on the legs on the process. Papasuntok na iyong isa pa ng sinangga ko iyon gamit ang kahoy at saka mabilis na sinikmuraan gamit ang aking tuhod. Nahawakan naman ako noong naka-dilaw at saka hinila palapit sa kanya.
"Binalaan na kita, bata, ang tigas ng— aah!" Sabay tama ng siko ko sa kanyang mukha. Mabilis siyang napaluhod ng tamaan ko ang likod ng kanyang hita. At nang isinunod ko ang kanyang likuran ay kaagad naman siyang bumagsak sa lupa.
Gumanti naman iyong isa at pilit na kinukuha ang hawak kong kahoy. Nakipaghilahan ako rito habang sinusubukan niyang patamaan ako ng mga suntok na mabilis ko namang naiilagan. Susugurin na ako noong isa pa, seeing that I'm stuck with his buddy while I try to retrieve my shinai, pero kaagad ko namang binigyan ito nang isang malakas na tadyak sa tiyan. I spun around and gave the fellow holding my shinai a solid kick to his chin sending him flying to ground.
Seeing that they're unable to put me down, nagsitakbuhan na iyong dalawa pa nitong kasamahan papunta sa kani-kanilang mga sasakyan at umalis sa eksina, leaving me, their pathetic of a boss and those two sleeping bodies on the ground.
"You've got guts, kid. Anong pangalan mo?" Asik nito sa akin.
"I don't need a name to defeat you. You just need to understand that there are things in life that even money won't be able to save you," matigas kong sabi.
I saw something twitched in his face. Maging ang katawan nito'y tila nanginginig sa hindi ko malamang dahilan. Takot? Inis? Galit?
"Ang yabang mo, bata, dahil lang may hawak kang armas. I bet you can't even land a punch on me if we were to fight using our bare hands," panunuya pa rin nito sa akin.
Alam kong sinusubukan niya akong tanggalan ng armas. Physically, lamang siya sa akin dahil sa katangkaran at kalakihan ng katawan nito. But, intellectually, I think I can outdo him even if I'm not as strong.
Tinaasan ko siya ng kilay bago ko itinapon sa malayo ang hawak kong kahoy. Kaagad namang sumilay ang isang mapanuyang ngisi sa mukha nito nang makita ang aking ginawa.
"You're still too naïve about the rules of this world, kiddo," sabi nito nang agad nitong hinugot ang isang patalim mula sa kanyang likuran.
He clearly enjoys it when the fight's on his side. At gustong-gusto nitong makita ang reaksyon ng kalaban matapos malamang hindi patas ang laban. How egostically, patheticly weak!
"You're no dragon," mariin kong sabi as I prep myself for a fighting stance.
He scoffed at what I said bago ako binalingan nang isang nanlilisik na titig.
"I'm not named Drake for nothing, little boy. A name is all you need to have the power in this world. And power is what we're all living for," he smirked as he said that bago ako tinuro gamit ang hawak niyang kutsilyo, "And you, kiddo, you're going to experience hell for messing with this dragon," sabi pa nito bago ako sinugod.
He was thrusting and shoving his knife towards me nang walang tigil habang patuloy lang ako sa pagdepensa at pagsangga sa mga braso nito. I've never met anyone who was as fast as he is. His attacks are consistent with speed and strength! Hirap akong makahanap ng tiyempong maka-atake. Kapag nakakakita ako ng butas, mabilis niya itong natatakpan gamit ang kanyang mga kamay.
Pagod na ako nang mahuli niya ang aking braso at mariing hinawakan iyon. Marahas niya akong hinila patungo sa kanyang katawan. Napangiwi naman ako sa pagtama ko sa matigas nitong bulto. Nanlilisik ang kanyang mga mata at nakangising-aso ito nang tumingala ako sa kanya. Walang bahid ng awa sa mga singkit na mata nito. Walang bakas ng takot na gumawa ng masama. Bigla akong kinabahan.
"This is the end, little boy! Sayounara!"