KABANATA 37
Matapos noon ay agad kong tinalon iyong pader. Hindi mahirap makahanap ng masasakyan patungong dalampasigan. Hindi tulad noon, nakapaghanda na ako ng mga barya para may ipambayad sa tricycle.
Papalapit pa lang kami sa border ng lungsod nang may namataan akong mga kumpol ng tao.
"Tss. Ayan na naman iyang grupo na iyan. Wala ng ibang ginawa kung hindi ang maghanap ng away," narinig kong sabi ng driver.
"Excuse po, Kuya. Dragons po ba iyong tinutukoy niyo?" Tanong ko rito.
"Hindi, Dong. Hindi nakikipag-away ang mga Dragons kung walang nag-aagrabyado sa kanila. Ang tinutukoy ko ay iyong mga LJU Emperors."
LJU Emperors? LJU as in Louise Johnson University?
"Nakita mo iyong nadaanan natin? Malamang sa malamang may nakita na naman silang pagdidiskitihan. Maaaring miyembro iyon ng Dragons o kaya naman isang kaibigan na hindi naman kasali sa grupo—"
"Bayad ko po, Kuya," bigla kong sabi sabay abot ng bayad.
Hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan nito ay agad na akong tumalon.
"Dios mio! Huwag kang tumalon bigla, Dong! Mapapahamak pa ako nang dahil sa iyo!" Sigaw noong driver na hindi ko pinansin at patakbo na lamang na tinungo iyong grupo ng mga kalalakihang nadaanan namin.
Kung isa nga sa mga miyembro ng Dragons ang pinagkakaisahan ng mga ito, kailangan ko siyang tulungan.
"O, ano na, ha?"
"Payag ka na..."
"Isang beses lang..."
"Sigurado naman kaming masisiyahan ka sa amin..."
Nagtawanan pa ang mga ito habang iniipit ang kung sinumang pinagkakatuwaan nila.
"Hoy! Anong ginagawa niyo?!" Sita ko sa mga ito na kaagad namang nagsilingunan sa gawi ko.
Lima silang kalalakihan na ang tantya ko ay hindi lalayo sa edad nina Reign ang gulang. Lahat sila'y magagara at branded ang mga suot na damit. Pansin ko rin ang mga nakaparadang sasakyan hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan.
There's no mistaking they are from LJU. Anak sila ng mayayaman.
"Bata lang naman pala," narinig kong sambit ng isa.
"May kailangan ka, bata?" Tanong noong isang naka-yellow na polo shirt.
Kunot-noo ko silang pinagmasdan nang marinig ko ang pag-alma ng isang boses.
"Bitawan mo ako!" Doon ko lang nakilala ang taong ginugulo ng mga ito.
"Cecilia, ikaw ba iyan?" Pagsisiguro ko. Bakas ang takot sa mukha nitong namumutla.
"Huwag kang makialam dito, bata," sabay hatak ng nagsalita sa kamay ni Cel patungo sa kanyang katawan.
"Bitawan mo ako sabi—" hindi natapos ni Cecilia ang sasabihin nang bigla siyang sampalin nang malakas noong taong iyon.
"Huwag ka na kasing pumalag. Magugustuhan mo rin naman ang gagawin namin sa iyo. Ayaw mo noon? Makakatikim ng mayamang lalaki iyang pobreng katawan mo?" Saglit na dumungaw sa akin iyong nagsalita.
I saw one of his ears pierced with a black diamond earring. Tinaasan ko lamang siyang ng kilay. He must be the leader of this pack.
"Five. Rich. Men," dugtong nito nang ibalik ang paningin sa hawak na babae.
Isang hikbi ang kumawala sa bibig ng nanginginig na Cecilia ngunit tinawanan lamang siya ng mga ito.
Naka-igting ang panga ko habang nakatanaw sa kinakaladkad na bulto ng kababata nina Reign. Hawak-hawak nito ang namumulang pisngi nang nagmamakaawang sumulyap sa akin.
Bigla kong naramdaman ang pag-akbay sa akin noong naka-dilaw. Saka ako binulungan.
"Umuwi ka na, bata. Medyo may pagka-SPG ang gagawin namin sa babaeng iyon."
Bahagya pa itong natawa habang tinatanggal ang pagkakakbay nang aking hawakan ang kanyang palapulsuhan para pigilan. Napatingin ito sa dakong iyon bago ako nginisihan.
"Gusto mong sumama, bata? Trip mong manood ng p**n?" Tawa pa nito pero hindi ko siya binitawan habang nakatuon ang atensyon ko sa papasakay ng leader nila.
Nang akin siyang balingan, isang matalim na titig ang aking ibinigay.
"Don't you know what you're doing is r**e?"
Natigilan silang lahat, kasama na iyong may hawak kay Cecilia, at hinarap ako. Nakipagtitigan pa ang mga ito sa isa't isa bago bumanghalit sa tawa.
"r**e? She's f*****g legal! Not even sure if she's still a virgin," Ngumisi pa ito habang tinitignan ang mga kasamahan bago muling humarap sa akin, "Babayaran rin naman namin siya pagkatapos," dagdag pa nito habang hinahaplos ang namumulang pisngi ni Cecilia. I saw how she cringed at his touch bago bumaling sa akin na nanghihingi ng saklolo. Naikuyom ko pang lalo ang aking kamao sa nasaksihan.
"That's not r**e," muli nitong baling sa akin, "That's what you call service. It's a business term. Something a kid like you shouldn't get involve with."
Patuloy pa rin sila sa pagtawa habang pinagmamasdan ko ang nasusuklam na mukha ni Cecilia. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw nito sa mayayaman.
Walang r**e kung may pera ka? Kung may pera ka ibig sabihin ay malaya ka ng manakit at manapak ng kapwa para lang matuwa ka? How idiotic! Mas humigpit pa ang pagkakahawak ko sa palapulsuhan ni dilaw sa galit.
"Bata, ang lakas ng kapit mo, ah!" Tumatawa pa ito habang pilit na binabawi ang kanyang kamay.
"You let go of her this instant," I said between gritted teeth na nagpatigil sa kanilang lahat, "Or I'll—"
"Or what?" Biglang tanong noong may hawak sa kay Cecilia.
Nawala na ang mapaglarong aura nito at napalitan kaagad ng isang madilim na ekspresyon.
"What can a little boy do to save this girl?"
"Baka crush niya iyan, Drake!" Sigaw noong isa bago muling nagtawanan ang iba ngunit iyong nagngangalang Drake ay hindi na nakisabay at matalim lang na nakatingin sa akin.
Natahimik naman sila kaagad nang namalayang hindi natutuwa ang leader nila. Nagsitinginan na lamang sila sa aking gawi.
"Umalis ka na bata at baka ikaw naman ang pagbuntunan niyan. Dragon iyan. Bumubuga ng apoy kapag sobrang galit," may halong biro pang bulong sa akin nitong hawak kong naka-dilaw.
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Dragon? Iyan? Masyado na yata nilang ginagasgasan ang salitang hindi naman karapatdapat sa kanila. Nagtagis ang bagang ko habang nakikipagtagisan ng titig sa impostor na dragon na iyon.
"I'd like to see you try breathe fire on me," sabi ko sa matigas na ingles, "Drake," I saw the sides of his brow twitched at the tone of his name.
Ipinilig niya ang kanyang ulo habang pinapasadahan ako ng tingin. Nagsimula naman ang panunuya ng kanyang mga kasamahan, urging him to agree.
"Naku, bata, bakit mo ginalit?" Tila takot na takot ang tono nitong hawak ko.