Kabanata 36

2121 Words
KABANATA 36 "Lady Aya?" Nasa kalagitnaan ako ng pag-a-arrange ng mga nota sa ginagawa kong komposisyon nang marinig ko ang marahang katok sa pinto ng aking silid. "Lady Aya?" Pag-uulit nito. "Haaaaaaai!" Mabilis kong sagot nang hindi inaalis ang mga mata sa ginagawa. "Nandito na po ang tanghalian niyo," sagot nito sa mula sa kabila. "Pakipasok na lang po, Mang Nestor." Nasa mga screens pa rin ang tuon ko nang marinig ko ang marahan na pagbukas ng pintuan. Saglit ko siyang sinulyapan at kita ko agad ang pagtaas ng kilay ng matanda nang makita ang kalagayan ng aking silid. Isang buwan na ang nakakaraan matapos iyon. Pinakiusapan ko si Gene na paglagyan ako ng mga powerful computers para hindi ako mabagot dito tuwing weekends. I secretly entered the trading market using the humble savings Louise left me. I've also used the computers by doing research about guns, kyuudou, boxing, street fighting, fishing and anything that comes to my mind. Well, my boxing lessons with Hans have been great. Hindi talaga siya palasalita pero tinuturuan niya ako nang maayos. Hindi katulad nina Kyo at Kira na hanggang ngayon ay ginagawang dahilan ang mga lessons namin para gawin pang mas miserable ang buhay ko. But I haven't given up on the idea na magkakasundo rin kami noong magkapatid na iyon. That's why I've encouraged myself to take the extra mile of studying their expertise so I could at least catch up to them. Well, that... at para na rin sana makabawi ako sa kanila kahit konti. Minsan naman, tulad ngayon, nagko-compose ako ng mga melodies. Balak ko sanang ibenta ang mga ito abroad. Hindi ko pa nga lang alam kung papaano ko gagawin iyon. While that option seems not plausible at this time, I've decided to create as many melodies as I can. Kapag napagod naman ako sa pagko-compose, painting naman ang pinagbubuntungan ko. Kaya ngayon, nagkalat ang mga pinagsulatan at pinagguhitan kong mga papel. May mga residue pa ng paints ang sahig patungong veranda. Punung-puno rin ng mga draft paper ang lamesang paglalagyan sana ni Mang Nestor ng aking pagkain. "Uh... let me get that for you," mabilis kong usal nang makita ang paghahanap ng ibang mapaglalagyan nito. Kaagad naman akong tumayo at inalis sa lamesa ang mga nakapatong na drafts at inilipat iyon sa kama kong ganoon din naman ang kalagayan. Hindi maiwasan ng matanda ang hagurin ng mapanuring tingin ang kabuuan ng aking silid habang inilalapag sa lamesa ang dala-dala niyang tray. "Would you like me to call for housekeeping later, Lady Aya?" Hindi nito napigilang sabihin. Nginitian ko siya bago umiling. "Hindi na po kailangan, Mang Nestor. Ako na po ang bahalang mag-ayos ng aking silid pagkatapos ko rito." "Pero—" "Kaya ko na po ito. Baka po kasi mahirapan silang isaayos itong mga ginagawa ko. Iba-iba po naman ang arrangement ng mga ito." Muli siyang sumulyap sa mga nagkalat na papel bago marahang tumango. "Well then, I won't disturb you any further," bahagya itong dumungo bago tinahak ang pintuan. Dala ko ang isang platitong may lamang French fries patungo sa aking kinauupuan kanina at papasubo na sana ako ng isang stick nang makarinig ako ng isang tikhim. Nang aking lingunin, natagpuan ko si Mang Nestor sa may b****a ng pintuan at bahagyang nakadungo. Dali-dali ko namang inubos ang kasusubong fries. "Yes, Mang Nestor? Mayroon po ba kayong ibang kailangan?" Tanong ko rito at saka lang siya muling nag-angat ng tingin. "Sumimasen, Lady Aya," pauna nitong sabi, "I've been told to inform you that Young Master Himamura is already at the library for your tutorial." Isa pa iyon sa mga nadagdag sa kailangan kung gawin habang nandirito ako sa main house. Kailangan kong paglaanan ng oras ang mga private lessons na ibibigay sa akin ng tagapagmana ng Himamura clan. It happened two weeks ago when Dice suddenly paid me a visit. Nasa kalagitnaan ako ng pagpipinta nang bigla siyang pumasok nang walang pasabi. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang personal butler habang pinapasadahan niya ng mapanuring tingin ang kabuuan ng aking silid. "Master Dice," kaagad ko namang itinigil ang aking ginagawa at madaling tinungo ang kanyang direksyon para magbigay galang, "it's an honor to have been graced by your presence—" "Quit the unnecessary greetings. I won't be staying long in this..." Disgust was evident in his face as he took in the current state of my room. Nagkalat kasi ang mga papel na pinagguhitan ko ng mga drafts. The floors were also a mess because of the paints I've used. Nabahiran na rin ng konting pintura ang mga kurtina at puting dingding. Saglit itong napatikhim bago ibinaling ang paningin sa akin. Nakataas ang noo habang nakadungaw ang nasusuklam nitong mga mata. "Hindi na ako magpapaliguy-liguy pa. The heir of the Himamura presented himself to be your tutor every weekend." Napakurap ako ng aking mata sa narinig. "The Himamuras have always been one of the strongest allies of the family. Our relationship with them goes down deep into the Kurozawa history." Walang Kurozawa ang hindi nakakaalam sa nakaraan ng bawat kaalyadong pamilya ng imperyo at ang importansiya ng bawat relasyon nito sa pamilya. Even for an outcast like me who is bent in drilling a place in this empire, knowing your family background is common sense. "With that said, you are expected to be at your best behavior while accommodating him. You are not to leave the premises while his presence is still in our soils. You are not to say or do anything that will embarrass him. You are not," he paused as he stared directly in my eyes, "...to disgrace the name given to you by this family, you understand that Kurozawa Ayana?" malamig nitong pahayag. Kuyom ang aking kamao habang marahang tumatango. "Really? Masyado naman yata siyang sinipag ngayon at ang aga niyang dumating," I said more to myself. Nakatanaw lang si Mang Nestor sa akin at nakaantabay sa sagot kong ire-relay niya sa nagpasabi. "Pakisabi na lang pong susunod ako. Tatapusin ko lang itong tanghalian ko't maghahanda na agad ako." "Wakarimashita," sagot nito bago muling bahagyang dumungo at pagkatapos ay isinara na ang pinto. Wala pang tatlumpong minuto ay nasa harapan na ako ng library. Isang malapad na ngiti kaagad ang sumibol sa mukha ng naghihintay kong designated tutor nang buksan ko ang pinto. Katulad ng mga naunang araw, doon uli siya nakapuwesto sa mesang katabi lang ng bintanang tinalunan ko noong una kaming nagtagpo. At gaya ng dati, nakahanda na ang mga aklat na pag-aaralan namin sa harapan nito. "Konnichiwa, Young Lady," buong galak nitong bati. "Konnichiwa, Himamura. Ang aga yata natin ngayon. Nakapagtanghalian ka na niyan?" Biro ko rito na agad namang napakamot sa kanyang batok. "Maaga kasing natapos iyong tea lessons kaya dumiretso na lang ako rito. Okay lang ba? Naisturbo ba kita?" Dinig ko ang bahid ng pag-aalala sa tono nito. Pagkakuwan ay pinasadahan ko ng tingin ang anyo nito. True enough, suot pa rin niya ang kanyang puting kimono. Habang ako naman ay simpleng shorts at plain shirt lang ang suot. "Hindi naman masyado. Patapos naman din ako kanina nang sabihin ni Mang Nestor ang tungkol sa pagdating mo." "Ah... pasen—" "Don't worry about it," pagpuputol ko sa sasabihin nito at hindi na siya hinintay as I took my seat in front of him, "So... anong pag-aaralan natin ngayon?" I asked as I picked one book off the table and scanned the contents. "How about we continue where we left off last weekend?" He asked smiling habang dinadampot ang kopya niya ng aklat patungkol sa world literature. "Alright then!" I said as I took another copy of the same book and waited for him to continue. Nasa kalagitnaan siya ng pagche-check sa mga sagot ko matapos siyang magbigay ng quiz nang makaramdam ako ng matinding pagkabagot. I stared at the window at hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit sa mga ibong nililipad ang kalawakan ng langit. "Haaaaa..." Tamad kong isinampa ang aking mukha sa lamesa habang nakamasid pa rin sa labas. "Are you alright, Arianne?" Ah, yes. Simula noong unang araw ng aming tutorial, he's been bent on calling me by my English name para maiba naman daw. Only Louise calls me Arianne. Kahit medyo ilang ako, hinayaan ko na lang. It's just a name anyway. "I'm bored," walang pagdadalawang isip na sagot ko nang hindi siya tinitignan. Nanatili lamang na nakatuon ang mga mata ko sa nagliliparang mga ibon sa labas. "Gusto mo bang magpahinga muna tayo? We could play some pieces if you like," he suggested but I'm not tempted in the very least to play the piano. Mas naiisip ko iyong himig ng mga alon habang rumaragasa ang mga ito papuntang dalampasigan. Iyong huni ng mga ibon na nagliliparan sa ibabaw ng dagat. Iyong lambot ng buhangin sa ilalim ng aking mga paa. "Aaah!" Walang sabi-sabi akong tumayo na nagpapitlag sa aking kaharap. Muli kong sinulyapan ang bughaw na kalangitan at naalala ang tropa nina Reign. Nasa farm ba sila ngayon o nasa laot para mangisda? Suddenly, I have this urge to see them and know how they're doing. Isang buwan na rin ang nakaraan nang huli ko silang makita. Isang buwan na rin nang huli kong nagisnan ang ganda ng dalampasigan. "Arianne?" Mariin akong napapikit ng mata nang maalalang may kasama nga pala ako ngayon. "You are not to leave the premises while his presence is still in our soils..." Nagbuga ako nang isang pagod na hininga nang maalala ang tinig ni Dice. But when I caught a glimpse of that blue sky, lumipad na sa ere ang aking pag-aalinlangan. "f**k rules." Hindi ko na napansin ang pamimilog ng mga mata ni Himamura nang bigla akong tumungtong sa lamesa at tinalon mula roon ang sanga ng sakura. "Arianne!" Kaagad akong dumungaw sa nakatingalang Himamura. Namumutla na naman ito sa pag-aalala. "Don't tell me you want to see the stars again? Masyado pang maaga para makita mo ang mga ito. Sasamahan kita mamaya kung gusto mo basta't bumaba ka lang diyan bago ka pa mahulog na naman." Umiling ako sa narinig. "I want you to lie for me again, Himamura. Lalabas muna ako." "What? If you want to go out, we could always ask for permission—" Marahas akong umiling. "And trouble them with my whims? Sa tingin mo anong magiging reaksyon nila roon?" Nang hindi siya nakasagot ay ipinagpatuloy ko ang pag-akyat patungo sa bakod ng mansion. "Then I'm coming with you." Muli akong napalingon sa kanyang kinaroroonan at naabutan itong inaakyat na ang lamesa. He was having a hard time with his kimono. "Are you nuts?" Pabulong kong sigaw, making sure na walang ibang makakarinig, "Sinong magbabantay diyan kung sakaling katukin ang library?" Agad naman itong napahinto at muling napatingala sa akin. Frustration was evident in his face. "Paano ka? Hindi ko maaatim na isiping mapapahamak ka roon dahil hinayaan kitang lumabas nang walang kasama." "Ang OA mo, Himamura. Hindi ako mapapahamak sa labas. At saka hindi rin naman ako magtatagal roon. Babalik din ako kaagad," bahagyang nagkakulay ang maputla nitong mukha sa huli kong sinabi. "Are you sure there's no other way? I could always ask them if I could take you outside para mamasyal. Then they wouldn't think that you're troubling them," he suggested. Tinitigan ko ang kanyang mukha while I consider his words. Punung-puno ng sinseridad ang mga mata nito and of something else that I don't quite understand. But I know that I could trust this man with my life. Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya. "I don't want to put your name further into a bad light, Himamura. Asking them another favor for a cursed like me is already too much. Sapat na sa aking you'd cover up for me habang wala ako rito. Kapalit noon ay pinapangako kong hindi pababayaan ang sarili sa labas hanggang sa makabalik ako rito," tugon ko nang hindi inaalis ang titig sa kanyang mga mata. Hindi na siya uli nagsalita. Ilang saglit pa siyang nakipagtitigan sa akin na tila tinitimbang ang aking mga salita bago siya bumaba sa mesa. Muli niya akong hinarap at marahang tumango, giving me the go signal. Isang malapad na ngiti ang aking pinakita bago ko pinagpatuloy ang pag-akyat. Konti na lang at mararating ko na ang dulo ng pader nang marinig ko ang tawag nito mula sa bintana. Sandali akong huminto para muli siyang lingunin. "When you're done exploring outside," panandalian siyang tumigil habang ginagawaran ako ng mga titig nitong punong-puno ng pagsusumamo, "Come back to me? Please." Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pag-aalala niya. Hindi naman ako mawawala nang matagal. But I thought, maybe because, unlike me, he hasn't found his happy place yet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD