KABANATA 35
May lagnat ako noon. Tinawagan kaagad ni Louise si Papa para ipaalam ang kalagayan ko. Laking tuwa ko pa noon nang sabihin nitong uuwi siya para alagaan ako. I waited for him by the door kahit na beyond bed time ko na dahil gusto ko siyang salubungin. Pero sa huli, nakatulog ako nang hindi siya nakikita.
Pagkagising ko, mayroon ng nakaabang na malaking stuffed toy sa tabi ko na may hawak na isang card na may 'Get well soon. Papa loves you.' na nakasulat. Hinanap ko si Papa sa buong mansyon pero hindi ko siya makita. Nalaman ko na lang kay Louise na nakabalik na pala ito sa Japan dahil may kailangan pang asikasuhin. Hindi naman ako umiyak sa aking nalaman pero simula noon, hindi ko na inaabangan ang pagdating niya sa may pintuan.
Tapos na ang paglalagay noong matanda sa aking mga pinamili doon sa lalagyang pinahiram sa akin ng kanyang asawa nang dumating sina Reign sa tabi ko. Bakas ang inis sa mukha nito habang pinagsasabihan ako dahil sa bigla-bigla kong pag-alis. Ilang beses din siyang umiling nang mapansin ang bitbit kong pinamili. Anito'y dapat nanghingi na lang daw ako sa mga huli niya nang hindi na ako nagsayang pa ng pera. Tumahimik na lang ako't pinatulis ang aking nguso habang pinakikinggan ang kanyang mga litanya. Ngising-aso naman si Kulas sa tabi nito.
Tinulungan pa rin nila ako sa pagbubuhat ng aking lalagyan patungo sa may kalsada. Gusto pa sana niya akong ihatid sa amin when I reminded him of the hungry men waiting for his return. Grumbling, pumara na lang agad ito ng dumadaang tricycle at saka kinontrata sa isang pakyaw na byahe. Matapos noon ay nagpaalam na rin ako sa kanilang dalawa para makauwi.
Mag-aalas siyete na nang makauwi ako sa amin. Maayos kong inilagay sa loob ng double door naming refrigerator ang aking mga dala. Matapos kong hugasan iyong lalagyan, napagdesisyunan kong ipagluto ang mag-anak ni Gene ng hapunan.
Hindi ako sigurado kung sa labas na lang sila kakain o dito sa bahay pero naghanda pa rin ako. Hindi ko matukoy kung bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko mula noong nakausap ko iyong matandang mangingisda.
The door bell rang fifteen minutes after the hour of eight. Nakaayos na ang mga pagkain sa lamesa at sila na lang ang kulang. Dali-dali akong tumungo sa sala nang makita silang kapapasok lang at karga-karga ang mga natutulog na kambal.
"We're sorry we're late, Ayana. Tatlong beses na-delay iyong flight namin," pagpapaliwanag ni Mimi.
Umiling naman ako at nginitian na lamang siya. Nauna na siyang pumanhik sa loob para siguro ay mailagay na sa kanyang kama ang kargang si Gun.
"Ayos ka na ba, my beautiful daughter?"
Mabilis akong nilapitan ni Gene. Kahit na nahihirapan dahil sa karga pa niya si Rei, pilit pa rin niyang dinama ang aking noo kung mainit pa rin ba ito. Nakahinga naman siya nang maluwag after confirming that my temperature's back to normal.
"Aya?"
Sabay kaming napalingon ni Gene sa gawi ni Mimi. Hindi pa rin pala ito umaakyat sa pangalawang palapag dahil nasa bisig pa rin nito ang kanyang anak.
"Ikaw ba ang may gawa nito?"Tanong nitong may pagkamangha sa kanyang tono.
"Bakit Mi? Ano bang meron?" Pagtatakang tanong ni Gene bago nilapitan ang asawa para makita ang ibig nitong sabihin.
Kabado akong naghintay ng kanilang magiging reaksyon. They would probably say they've already eaten outside. Tatlong beses silang na-delay. Imposibleng hindi sila kakain gayong kasama pa naman nila ang kanilang mga anak.
When he finally saw what the fuss was about, agad niya akong binalingan. Gulat ang unang namutawi sa buong mukha nito. Mabilis naman itong napalitan ng isang naiiyak na ekspresyon. Muli niya sana akong lalapitan nang maunahan siya ng kanyang asawa. She hugged me so tight I thought my bones would break.
"Thank you so much, Ayana. Nakakawala ng pagod ang mga hinanda mo," parang hinaplos ang puso ko sa kanyang mga sinabi matapos akong pakawalan. Agad naman nitong nilapitan ang kanyang asawa at pilit na tinatahan.
Isang matamis na ngiti ang kumawala sa aking mga labi. I didn't think I could give them this much joy just by preparing some hot meals. Na sa pagbibigay ko ng saya sa kanila ay ikakatuwa ko rin. Naalala ko iyong mga sinabi noong matanda and I couldn't help but agree to his every word.
Nagpaalam silang ilalagay muna nila ang mga kambal sa kani-kanilang mga kama bago bumaba para kumain. Nauna nang umakyat si Mimi dahil nabibigatan na raw siya kay Gun at gusto na niyang makababa agad dahil takam na takam na raw siya sa aking mga hinanda. Nahihiya kong ipinaalala sa kanilang hindi ako sigurado kung anong magiging lasa ng mga ito pero sinigurado nila sa aking magugustuhan pa rin nila iyon.
Papaakyat na rin sana si Gene nang hinawakan ko ang dulo ng kanyang manggas para patigilin.
Napatigil naman ito at nagtatakang dumungaw sa akin. Hindi ko alam kung itutuloy ko bang sabihin o hindi. Medyo bumabara na naman kasi ang lalamunan ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at huminga nang malalim.
"Papa's coming home tonight... I wanna greet him..." Paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan.
"Is there a problem, my beautiful daughter?"
Napapitlag ako nang marinig ang boses nito. Nang muli akong nagmulat ay agad ko siyang tiningala at saka nginitian.
"Okaerinasai, Gene."
Bahagya pa siyang nabigla sa aking sinabi. Di kalaunan ay lumambot ang mga titig nito at saka ngumiti.
"Tadaima."