Kabanata 34

1577 Words
KABANATA 34 "Si Ian ba iyan, Kulas?" Muli kaming napalingon sa direksyon ng dagat nang marinig iyon. Nakayapos sa braso ni Reign iyong Cecilia habang naglalakad papalapit sa kinatatayuan namin. Nasa likuran ng mga ito, pansin ko ang dalawa pang mangingisda na may dala-dalang malaking batya. Muli kong ibinalik ang tanaw ko sa dalawang nasa harapan. May bitbit din si Reign ng dalawang malalaking balde at tila wala lang sa kanya ang pagkapit ng babae sa kanyang braso. "Natagpuan ko sa palengke. Palaboy-laboy lang." "Hoy, hindi ah!" Agad ko siyang tinapunan ng isang matalim na tingin. "Ang hilig mong magliw-aliw, Ian. Ano na lang sasabihin ng mga magulang mo?" Biglang sabi ng hari nitong katabi kong naka-ngising aso at nagpapakita ng peace sign sa akin. "Hindi naman—" Natigilan ako nang matagpuang nasa harapan na pala namin ito at kitang-kita ko na ang kanyang ayos ng malapitan. He's half-naked tulad noong unang araw na nagkita kami. Punung-puno ng pawis ang kanyang kulay bronseng pangangatawan. Tila tinatahak ng bawat butil ng kanyang pawis ang mga malalalim na biak ng kanyang mga muscles na tila masterpiece ng isang iskultor. It makes me wonder kung ilang oras ang nilalaan niya sa gym para magkaroon ng ganyang resulta. Natauhan lang ako nang may biglang tumikhim sa tabi nito. Nalipat doon ang aking paningin at nakita ko agad ang nakasimangot na pagmumukha ng kababata nila. Tinaasan ko lang siya ng kilay bago ko ibinalik sa kanyang katabi ang aking atensiyon. "Sasakay sana ako ng tricycle mula sa palengke papunta rito nang matagpuan ako ni Kulas. Sumabay na lang ako sa kanya tutal iisa rin lang naman ang aming destinasyon." Panandaliang sinulyapan ng aking kaharap ang aking katabi bago ibinalik sa akin ang kanyang mga paningin. "Ano naman ang balak mong gawin rito?" "Wala lang naman. Gusto ko lang maglakad-lakad..." "See? Tama nga ako. Mahilig kang magliw-aliw," maingat niyang ibinaba ang mga dala-dalang balde at marahas na binawi ang braso mula sa babaeng kaagad na lumungkot ang mukha bago naghalukipkip sa aking harapan. "Bakit hindi ka mag-aral na lang muna? Hindi ganitong kung saan-saan ka na lang pumupunta. Alam ba ito ng mga magulang mo?" Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay sa sinabi nito. Should I tell him I just graduated from Harvard Law a while ago? "Actually—" "Tara na sa loob, Ren, nang malinisan na kaagad natin itong mga huli mo," biglang sabi noong katabi nito sabay hila sa kanyang braso papunta sa loob ng bakuran. "Sandali, Cel. Nag-uusap pa kami—" "Mag-aalas sais na, Ren. Anong oras ba ang balak niyong kumain?" Halos tumaas na ang boses noong babae nang sabihin iyon. Bakas sa mukha ng hari ang pagkairita sa ginawang pagsabat ng kababata habang nagsasalita pa siya. Mariin muna siyang pumikit na para bang nagpipigil. Nang muli itong nagmulat ay kalmado na ang kanyang mga mata. Kaagad niyang ibinaling ang mga ito sa akin. "Sandali lang Ian, lilinisin lang namin itong mga isda. Aalis din kami pagkatapos," pagpapaalam nito bago binalingan ang aking katabi, "Tumulong ka rin Kulas para mapadali at baka ginugutom na iyong mga ungas sa headquarters," utos nito bago muling binuhat ang mga balde. Kaagad namang lumapit sa kanyang hari ang aking katabi at kinuha iyong isang baldeng dala nito. Ipupulupot na uli sana noong babae ang kanyang mga kamay sa braso ni Reign nang sitahin niya ito. "Nagmamadali ako, Cel. Mag-aalas sais na, hindi ba?" Malamig na usal nito bago tumulak papasok sa loob. Nakasunod naman sa likod niya si Kulas. Muli akong tinapunan ng matatalim na tingin noong babae bago nagmamaktol na sumunod sa kanila. Hindi naman kalayuan sa aking kinatatayuan ang kanilang pinuntahan para malinisan ang mga isda. Tila ba sanay na sanay na silang gawin iyon dahil pansin ko ang bilis ng mga kilos nila habang ginagawa ang paglilinis. Tutal at abala pa naman sila sa kanilang ginagawa, napagpasyahan kong ipagpatuloy na lang muna iyong nauna kong layunin sa pagpunta rito. Tinungo ko iyong isang bangka na inaakay ng mga tao papunta sa buhangin. Maraming nakaabang na mga taong may kanya-kanyang bitbit na kabo, balde o kaya naman ay maliit na planggana sa paligid nito. Nang tuluyan na itong nakadaong at naibaba sa buhangin ang mga malalaking batyang lalagyan ng mga huli nila ay saka naman nagsilapitan ang mga tao. Lumapit din ako nang kaonti para makita iyong laman ng mga batya. Pansin ko agad na malalaki ang huli nila. Mayroon din akong nakitang mga isdang gumagalaw pa! May batya ring may lamang mga pugita. Isa-isa iyong pinagkukuha ng mga tao at inilalagay sa kanilang mga bitbit na lalagyan. "Kukuha ka rin ba, Dong? Ilang kilo?" Bigla akong napapitlag nang may magsalita sa aking likuran. Nang aking lingunin, isang may katandaang lalaki ang nakatayo rito at may hawak na supot. Nakasuot ito ng long-sleeves polo-shirt na pinaglumaan na ng panahon. Nakatupi ang mga manggas nito hanggang siko. Basa hanggang hita ang kanyang suot na maong. "Ah... magkano naman po ang kilo ng isda niyo?" Naitanong ko rito habang muli kong sinusulyapan iyong mga gumagalaw pa ring isda. "Isang daan isang kilo. Ilan sa iyo?" Mabilis itong dumukot sa batya at kumuha ng mga isdang agad niyang inilagay sa supot. "Uh..." Pinagmasdan kong maigi ang hawak nito. Sapat na kaya ang sampung kilo? Baka pagalitan ako ni Gene kapag nalaman nitong bumili ako nito? "Dong, ilang kilo?" Pag-uulit noong matanda. "L-lima po, Manong." Mabilis naman itong kumilos at pinagkuha agad ako ng limang kilong isda. Agad ko namang ibinigay sa lalaking tantya ko ay anak nito ang aking isang libo. Sinuklian niya rin naman ako ng mga luma at mamasa-masang limang isang daan. Hindi ko na lang iyon pinansin at kaagad na ibinulsa. "May lalagyan ka bang dala?" "Po?" Nang makita ko na kung gaano kadami ang limang kilong isda, doon ko lang napagtantong wala nga pala akong mapaglalagyan ng mga ito. Dalawang sakayan ng tricycle pa ang gagawin ko bago ako makauwi! "Eh... w-wala po, Manong." Kamot-batok kong sagot. "Naku! Wala ka bang kasama para tulungan ka sa pagbitbit?" "W-wala po," nahihiya kong tugon. Hindi ko naman inaasahang bibili ako ng mga huli nila nang nagpasya akong pumunta rito. "Aba'y mahihirapan ka nito, dong. Lalo pa't ang dami nitong limang kilo mo," pati si Manong ay napakamot na rin ng kanyang ulo. "Kardo, matagal pa ba kayo?" Biglang may nagsalita sa gitna ng aming pag-iisip ng paraan. Nang aming lingunin, isang buntis na babae ang papalapit sa amin. This must be his wife. "O, Fe, malapit na. Wala kasing dalang lalagyan itong batang ito. Limang kilo pa naman ang kanyang binili," pagpapaliwanag nito sa babae. Panandalian akong nilingon noong babae. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya. "Ganoon ba? Teka at mayroon kaming extrang lalagyan sa bahay. Ipapahiram ko sa iyo." "Ho? Ay, huwag na po. Nakakahiya naman sa abala," mabilis kong sabi nang akma na itong pabalik sa direksyon ng mga kabahayan. "Huwag ka ng mahiya, dong. Ibalik mo na lang kapag tapos mo ng gamitin," sabi nito bago binalingan ang asawa, "Nakapagluto na ako ng hapunan, Kardo. Huwag ka iyong magtatagal. Ipapadala ko na lang kay Ferdi iyong lalagyan para makauwi na itong bata. Kawawa naman at anong oras na rin," anito bago umalis. "Pasensiya po talaga, Manong. Naabala ko pa kayo ng misis niyo," sabi ko sa matanda nang makalayo na ang kanyang asawa. "Hindi naman. Malaking tulong na rin kasi sa amin ang pagbili mo ng limang kilong isda," sabi nito habang inaayos ang mga lambat na nakakalat sa sahig ng kanilang maliit na bangka. Kahit na papadilim na ang kalangitan, hindi nakawala sa akin iyong mga namumulang bahagi sa kanilang mukha at mga kamay. Ebidensiya ng buong araw na nakabilad sa init kakahanap ng mahuhuli. "Mahirap po bang mangisda?" I suddenly asked before I could even stop myself. Bahagyang napapitlag iyong matanda bago sumulyap sa akin. Kumurap-kurap pa ito at napatingin sa kanyang kasama bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "Wala namang hanapbuhay na madali, dong," simpleng sagot lang nito. "Lage bang ganito karami ang huli niyo?" "Minsan matumal. Minsan mas marami. At mayroon din namang pagkakataong wala kami talagang mahuhuli." "Paano iyon kung wala kayong huli?" "E, wala kaming magagawa. Pagkakasyahin na lang namin sa kaning sinabawan ng asin at mantika ang gutom namin," pabirong sagot nito at nagsitawanan naman ang kanyang mga kasamahan. Hearing them laugh at probably one of the many problems they need to face everyday reminds me that there are others who have bigger concerns than mine. "Ang mahalaga naman ay kompleto pa rin kayong mag-anak. Walang may sakit. At nag-aaral nang mabuti ang iyong mga anak." Tumango-tango ako sa sinabi noong matanda. Tama nga naman ang sinabi niya. Aanhin mo ang maraming salapi kung wala namang tunay na nagmamahal sa iyo? Walang tunay na nag-aalala para sa iyo? Kapag nawalan ka ng pera, makakahanap pa rin ng paraan para magkapera uli. Pero kapag pamilya na ang nawala sa iyo, kahit gaano pa karami ang pera sa kaban mo, hinding-hindi na nito maibabalik pa. "Kapag ganoon, kahit gaano pa kapagod ang nararamdaman ng katawan ko galing sa maghapon na pangingisda, kahit na minsan ay minamalas at walang huli, makita ko lang na nandoon lahat ang mga anak ko pagkauwi ko at hinihintay ako, balewala na ang lahat ng iyon. Para rin naman sa kanila ang pagsisikap ko sa dagat." Napasinghap ako nang biglang pumasok sa aking isipan iyong alaala noong bata pa ako nang sabihin niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD