KABANATA 33
Just as I expected, the brothers were really bent on making my life difficult.
Two hours after the whole family left to start their daily activities, Kyo would r**e the doorbell just so he could get me out of bed even if he's got a spare key. Tuwang-tuwa pa ang mokong habang pinapanood akong nahihirapang kumain ng lugaw dahil sa mga nakabendahe kong mga daliri. Sa tuwing bumabalik ako sa aking silid ay nag-iingay naman siya sa sala by playing heavy metal.
Kapag oras na sa pag-inom ko ng gamot ay kakalampugin niya ang pinto ng aking silid para lang gisingin ako. Napapahinto lang siya sa tuwing bubuksan ko na ang pinto at makikita niya ang loob nito. Wala itong imik na ibibigay ang gamot at tubig bago mabilis na umaalis.
Tuwing hapon nama'y pumupunta si Kira. Wala siyang ginawa kung hindi ang manood ng palabas buong maghapon. He wouldn't wake me up kapag oras ng kumain o uminom ng gamot. He was there but it's like he wasn't there at all! Hindi naman problema sa akin iyon dahil alam ko naman kung papaano alagaan ang sarili ko. I know they're just there to annoy me and laugh at my misfortune.
Hans was a gentle one. Hindi siya palasalita pero tinutulungan niya ako whenever I need help. He'd setup alarms for me para gisingin ako kapag oras ng kumain at uminom ng gamot. He'd play comforting classics which helped me relax and rest well.
It was Friday night when Gene told me that they need to fly to Japan. Mimi's father got sick and he asked for her to visit. Ayaw sanang umalis ni Gene nang hindi ako kasama but I convinced him that I'll be fine. Hindi na rin naman ganoon kasama ang pakiramdam ko para ipag-alala nila. That same night, their entire family went as planned.
It was Sunday afternoon nang maramdaman kong bumubuti na ang aking lagay. I've even managed to submit my final reports to my professors in Harvard and Yale.
Since that fateful day, I've decided to use whatever I can to prepare myself in the fight for my right to be acknowledged in this family. I've taken examinations to determine how far my intelligence could go. International academe bodies have acknowledged that my brain was somewhat above the average. That same year, I was given a piece of paper signifying my qualification for tertiary education. Also, it was on that same year I've received my letters of acceptance from those two universities. I took Law in Harvard and then Business in Yale.
Today, I've completed one of them.
"This settles it then, Miss Cross. We'll just send you your diploma as soon as it becomes available," said my professor as she smiled on the screen.
"Thank you, Professor."
"It's such a shame you won't be able to receive your honorary medal on our graduation exercises considering you're the valedictorian of this year's class. Would you like us to send that as well?"
Napakamot ako sa aking batok as I considered her words.
"Uh, I think that won't be necessary Amelia. I'm fine with just the diploma."
Tumango-tango naman ito sa kabilang linya.
"Very well, Arianne. Now that everything's done, you go and enjoy your summer like normal twelve year olds do."
Hindi ko napigilang matawa sa sinabi nito.
"I'll try, Amelia, although I'm not so sure about the normal part. I don't think graduating Harvard Law at twelve qualifies as normal."
"True that..." Natatawa nitong tugon habang tumatango.
"Well normal or not, still you should enjoy summer. Youth is a limited gift that shouldn't be wasted on books alone. Go out, have fun! Soak those feet under the sands! Put some color on that pale skin of yours!" Anito habang pino-point out sa sarili ang kanyang pinaparating.
"I guess I should," nakangisi kong sagot.
"Atta girl!" Masigla nitong sabi habang naka-two thumbs up pa, "Well then, I'll call you again as soon as the final schedule for the bar exams will be posted, okay?"
"Alright, Amelia. I appreciate your help."
Matapos noon ay kaagad ko ng pinatay ang aking laptop. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Gene stating that they're about to take the flight back here. Gagabihin na raw ang dating nila lalo na't mga ilang oras pa ang babyahiin nila from the city.
I stretched my arms for a little bit habang sinusulyap ang labas. It wouldn't hurt if I take Emilia's suggestion and go for a stroll, right? Maayos naman na ang pakiramdam ko. Babalik na lang ako kaagad bago magtakip-silim.
Minutes after, I was already locking the front doors before proceeding to walk towards the gates. Pagkalabas ko pa lang ay mayroon na agad na dumaang tricycle. Kaagad naman akong pumara.
"Kuya, pwede po bang sa may dalampasigan? Doon lamang po sa may boundary ng lungsod?" Tanong ko sa drive.r na napakamot sa kanyang ulo.
"Naku, dong, bawal ang kulay ko roon. Hanggang sa merkado lang ako, eh," sagot nito na ang tinutukoy ay ang color code ng kanyang tricycle.
I didn't bother correcting him. Hindi ko naman ikamamatay kung mapagkamalan nila akong lalaki.
"Ganoon po ba? Wala po bang dumaraan dito na pwedeng tumungo roon?"
"Wala, Dong. Kulay berde lang ang dumaraan dito. Kung gusto mo, sumakay ka na lang hanggang palengke. Tapos pagkarating doon, ituturo ko sa iyo kung aling kulay ang sasakyan mo patungo sa wharf."
"Sige po, Kuya."
Mabilis akong pumasok sa loob ng tricycle at kaagad din namang tumulak si manong driver. Hindi nagtagal ay narating namin iyong sinasabi nitong palengke. Kahit magdadapit-hapon na'y puna ko pa rin ang dami ng mga taong namamalengke.
"Doon sa bandang iyon, dong, may dumadaang tricycle papunta sa wharf. Iyong kulay asul ang parahin mo."
"Salamat po," sabi ko sabay abot ng bayad dito.
"Naku! Wala ka bang barya, dodong? Masyadong malaki ang pera mo," kamot-batok nitong tugon habang nakatanaw sa hawak kong isang libo.
Muli kong sinilip ang pitaka ko in the hopes na may maliit na bill akong makikita. Napailing na lang ako matapos makita ang tig-iisang libong nakahilira roon.
"Wala po, Kuya, eh—"
"Ito pong bayad niya," biglang may nag-abot ng bayad mula sa aking likuran.
"Kulas!" Bulalas ko nang makilala iyon.
"Anong ginagawa mo rito at nagdala ka pa ng ganoon kalaking halaga? Hindi mo ba alam na maraming mandurukot dito?" Nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.
"A-ah... gusto ko lang sanang makapunta doon sa dalampasigan," nahihiya kong tugon dito.
"Tss... ano namang gagawin mo roon?"
"Wala naman. Gusto ko lang sanang maglakad-lakad. Apat na araw din akong nasa loob lang ng bahay. Para maiba naman iyong nakikita kong tanawin," kamot-ulo kong sagot.
"Ganoon ba? O siya sige... sumakay ka na lang sa akin at doon din naman ang punta ko. Mabuti na lang pala at naisipan ko munang mamalengke kung hindi kanina ka pa pinipyestahan ng mga kawatan dito," anito bago lumapit sa nakaparada nitong motorsiklo.
Nagdadalawang isip pa akong sumama rito. Ayokong makaabala ng tao lalo na't dahil lang sa aking pangpersonal na kadahilanan.
"O-okay lang ba talaga? Baka kasi hinahanap ka na sa inyo. Ang dami pa naman ng mga pinamili mo," puna ko roon sa isang malaking supot na inilalagay na nito sa pagitan ng kanyang mga hita.
"Si King ang nagpabili nito. Pang isang linggong kainan namin doon sa headquarters. At saka dadaanan ko rin siya doon. Tumutulong kasi iyon sa pangingisda. Siguradong pabalik na rin iyon sa dalampasigan," sagot nito bago binuhay ang kanyang motorsiklo.
Medyo naiwan pa sa ere ang utak ko nang malamang nandoon ang hari nila. Bigla kong naalala iyong unang pagkakataong nakita ko siya. Tumutulong din siya noon sa pagbubuhat ng bangka. Galing din kaya sila noon sa panghuhuli ng mga isda?
"O, halika na!"
Tumango ako rito bago sumakay sa kanyang likuran. Ilang minuto lang ay narating na namin ang dalampasigan. Hindi tulad noong nauna, dumaan kami kung saan may maraming nakahilirang mga bahay. Sa tantiya ko, ito ang mga tahanan ng mga mangingisda ng Asteria. Gawa sa pinagsamang kahoy, semento at mga yero ang mga dikit-dikit na kabahayan dito.
Itinigil ni Kulas ang kanyang motorsiklo sa tapat ng isang bahay na may kalapitan sa dalampasigan. Kaagad na dumungaw ang isang nakangiting babae na hindi lalayo sa edad ng kasama ko at may bitbit na sandok na gawa sa kahoy.
"O, Kulas, nandiyan ka na pala. Tamang-tama at pabalik na rin sina tatay galing laot," anito bago natigilan nang namataan akong nakatayo sa likod ng kausap niya.
Napansin iyon ng nasa harap ko dahil bigla itong lumingon sa aking gawi bago ibinalik ang paningin sa kaharap.
"Cel, si Ian nga pala. Ian, si Cecilia, kababata namin ni King," pagpapakilala sa amin nito.
Kababata?
Muli kong sinulyapan iyong babae. Nakakunot ang noo nito ngayon habang nakatitig sa akin at pagkatapos ay bigla na lang akong inirapan. Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay sa kanyang reaksyon.
Anong problema nito?
"O, ayan na pala sila Ren!"
Lumiwanag ang mukha nito sabay baba ng hawak nitong sandok. At pagkatapos ay tumaripas na ng takbo patungong dagat. Wala kaming nagawa kung hindi ang sundan ito ng tingin.
True enough, nakita namin ang mga bangkang nagsisidatingan na mula pa yata sa malalayong parte ng karagatan. Isa sa mga ito ay pinagtutulungan na ng mga taong iahon sa tubig at dalhin sa mga buhangin.
Nandoon na kaagad iyong babaeng nagngangalang Cecilia at pinupunasan na ang katawan ng isang lalaking naroon. Ang laki pa ng ngisi noong lalaki habang ginagawa niya iyon. Kung hindi ako nagkakamali, si Reign iyon. Or, from what I've heard a while ago, si Ren niya iyon.
Naiangat ko nang wala sa oras ang aking kilay sa natatanaw. Panibago niyang girlfriend? Hiniwalayan na yata siya noong ka-momol niya sa ilalim ng punong mangga.
"Pasensiya na kay Cel, Yan. Ganoon lang talaga ang reaksyon niya kapag nakakakita ng mayayaman."
Napapitlag ako nang biglang magsalita ang aking katabi. Mayaman? Was he referring to me?
"Hindi naman ako mayaman, a!"
He snorted at my response.
"Yeah... at hindi rin ako mahirap," mabilis nitong dugtong. His sarcasm wasn't lost on me.
"Hindi nga!"
"Nike cap, Armani t-shirt, CK shorts, and a pair of crocs..." Pag-iisa-isa nito sa aking suot, "Kailangan ko pa bang isali iyong pambayad mo sana sa tricycle na isang libo?"
I groaned at his keen observations. I'll remind myself to buy some ordinary clothes for this kind of occasion.