Kabanata 31

1582 Words
KABANATA 31 "Arianne, baby girl, what are you doing down here? You still have a fever. You should have been resting in your bed by now." "Just a little bit, Louise. Please? Papa's coming home tonight." "I know, baby girl," the old lady gently caressed the little girl's soft locks, "But your papa is going to worry more when he sees that you're still up when he knows you're sick. That is the reason why he is coming home after all." "I understand, Louise. I do... It's just that..." The little girl sadly eyed the mansion's door as she held her tiny hands tightly together to keep herself warm, "I want to be the first person who will greet him 'okaerinasai' when he opens the door." Ramdam ko ang bigat ng aking pakiramdam. Gusto ko sanang magmulat ng mata ngunit tila mabibigat ang mga talukap nito at ayaw akong pagbigyan. Hindi ko rin maikilos nang maayos ang aking mga kamay na tila may pumipigil sa kanilang kumilos. "You should have noticed something was wrong before proceeding with your lessons," I heard someone hissed from somewhere. "I'm sorry, Yuujin. She was smiling all the time... I really thought she was fine until she collapsed right before we were about to finish our lessons," narinig kong sagot naman ng isa pang boses. Biglang pumasok sa isipan ko iyong mga huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. I remembered how our wooden swords banged against one another as we tried to make a hit. I remembered him changing his stance and taking a deep breath before lunging towards me. He was about to hit me with his final blow nang biglang nagdilim ang kapaligiran at naramdaman ko na ang malamig na mat. Nakarinig ako nang biglaang pagkalampog ng mga bagay. "Ikaw rin ba ang responsable sa pamamaga ng kanyang mga daliri? Iyan ba ang resulta ng lessons niyo?" He saw them? "H-hindi, Yuujin. I'd never hit her fingers. As a fellow martial artist, alam ko kung gaano kahalaga ang mga daliri natin." "Ibig sabihin si Kyo ang may gawa noon?" Kahit hinang-hina ang katawan ko, I willed myself to get up. I can't have Gene interfering with my business with his cousins! Medyo umiikot pa ang paligid nang makaupo na ako sa kama. The first thing I noticed was the white walls. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang nakabendahe kong mga daliri. Mas lalo itong kumunot nang makita ang tubong nakatusok sa likod ng aking kamay. "Aya!" Mabilis akong dinaluhan ni Gene at ikinulong ang aking mukha sa kanyang mga palad. "You had me so worried! Bakit hindi mo sinabi kaagad na masama pala ang pakiramdam mo? Sana pinagpahinga na lang kita." Pansin ko ang itim na bilog sa paligid ng kanyang mga mata. He's been worried just as I expected. Saglit kong sinulyapan iyong kausap nito kanina. I saw Kira standing by the door. Magkadikit ang dalawa nitong kamay habang nakatingin sa akin with his usual smile. "Yokatta! You had me so worried there, Ayana," sabi pa nito pero hindi naman umaabot sa mga mata ang ngiti. "Why didn't you tell me that Kyo did this to you?" Kaagad na nailipat kay Gene ang aking atensyon nang marahan nitong hinawakan ang isa kong kamay. Mabilis ko iyong binawi mula sa kanya at itinago sa aking likuran. "It wasn't Kyo." Agad na kumunot ang noo nito habang palipat-lipat ang tingin doon at sa aking mukha. Pagkakuan ay tumayo siya ng tuwid at saka humalukipkip. "Alright. Who did? Kira?" Tanong nito sabay nguso sa direksyon ng kinatatayuan ng pinsan who immediately shifted his weight pagkarinig sa kanyang pangalan. "It wasn't me, Yuujin. I swear!" "It wasn't Kira, either," sagot ko matapos magbuntong ng hininga. "Then who? Hindi mamamaga ang mga iyan ng ganyan kung walang pumalo diyan!" Hindi ako umimik. Pinagmasdan ko lang ang pagdaan ng frustration sa kanyang mga mata habang naghahanap ako ng magandang idadahilan nang hindi madadamay ang kanyang mga pinsan. "Aya naman," may pagsusumamo nitong sabi bago ako tinabihan sa aking kama, "Pwede bang bigyan mo naman ako ng pagkakataong ipaglaban ka sa mga taong nananakit sa iyo? Hindi pwedeng ganitong mananahimik ka lang. Magsumbong ka. Rely on me. Ako na ang bahalang—" "I was trying to rearrange some things in my room last night when a large frame abruptly fell on my fingers. Hindi ko na lang sinabi kasi kasalanan ko naman. I should have asked for your help pero naisip ko kasing I'm a big girl now. I shouldn't rely on you much and start learning to do things on my own," kaagad kong usal nang hindi siya tinitingnan. "I should have known better. I'm sorry," dagdag ko bago itinuon ang paningin sa aking mga kamay. Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ng aking katabi. Unti-unti ko siyang sinilip and saw his tired figure. Kinuha nito ang aking mga kamay at marahang inilapit sa kanya. "I know you're a big girl now, Ayana. You're growing up so fast that I wish I could do something to stop it." Hindi ako nagsalita at pinanatili na lang ang paningin sa mga nakabendang daliri. "Pero hindi rin naman masama kung hihingi ka ng tulong sa akin. I'm your father, Ayana. I will do everything in my power to give what's best for you. Alam mo naman iyon, hindi ba?" Dahan-dahan akong tumango bilang pagsagot dito. "Next time when you need help, call me okay? I'll be there as soon as I can." "Okay," mabilis kong sagot dito. "So you're starting to rearrange stuffs in your room? May ililipat ka pa—" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang tumunog ang kanyang telepono. Saglit niyang tinignan ang ID ng tumatawag bago marahas na nagbuntong hininga. "It's from the office. I should take this," anito bago tumayo at mabilis na lumabas ng silid leaving me and his smiling cousin alone in the room. "A large frame fell over, huh?" Bigla nitong usal. Matalim ko lang siyang pinagmasdan. "You're covering up for Kyo? Why?" "I—" "Did you think you'll earn his good side just because you spouted some lies for him?" He suddenly said, cutting me off. This time, his smile was slipping off. "No, cursed one. These little white lies of yours won't be enough to earn our respect. There's nothing you could say or do that will ever change our opinions of you. So save yourself from the effort." Pinagmasdan ko lang kung papaano napalitan ng isang matalim na ekspresyon ang kanyang mala-anghel na ngiti. "Wala rin namang magbabago kahit pa malaman ni Yuujin ang mga pinaggagawa namin sa iyo," makabuluhang pahayag nito. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hindi ko kailangan ang tulong ni Gene para may magbago sa pakikitungo niyo sa akin. I will earn that respect using my own hands. Tandaan mo iyan," I said, full of conviction. Panandalian itong natigilan sa aking mga sinabi bago bumanghalit sa tawa. It wasn't even a happy laugh. "Really? By your own hands, you say?" Pinagmasdan ko lang ang tumatawang bulto nito. He was obviously mocking my declaration. "You got a fever due to Kyo's intensive training. Tapos sasabihin mo sa akin ngayong kakayanin mo kami using your own power?" Wala sa sarili akong napakuyom ng kamao as I stared at his sardonic expression. "You can't, cursed one. Huwag mo na lang ituloy dahil magsasayang ka lang ng lakas. And you seem to have so little seeing your state today. What do you expect from a girl's body?" Nagtagis ang aking panga pagkabigkas niya noon. "Weak," he uttered, full of disgust, "How pathetic." Nakipagtagisan ako ng matatalim na titig nito nang muling bumukas ang pinto. Mabilis na napalitan ng isang matamis na ngiti ang ekspresyon ng mukha nito nang makita ang kanilang beta. "Sorry for that. May isang kaso kasi kaming hinahawakan ngayon. Matigas ang kabila. Ngayon naman ay ginigipit nito ang kliyente namin," ani Gene pagkapasok na ang tinutukoy ay ang kanyang trabaho bilang isang prosecutor. Sandali itong natigilan nang makita ang pinsang nakatayo pa rin sa may pintuan. "O, Kira, nandito ka pa pala? Akala ko nakaalis ka na." I saw something twitched on Kira's face. Maybe he felt insulted that their beta didn't notice him being there. "Nag-alala rin kasi ako, Yuujin, kaya kinamusta ko pa ang kalagayan ni Ayana. Now I could finally sleep at night knowing that she's fine," sagot nito ng nakangiti pa rin. Tumango lang si Gene bago ako binalingan. "Tinawagan ko na rin sina Kyo at Yuuhan..." Napaupo ako nang tuwid sa nabanggit nito. "Sinabi kong pagpapahingahin muna kita at sa susunod na linggo na lang kayo babalik sa training," nanlaki ang mga mata ko sa kanyang pahayag. If this goes on, mas lalong mawawalan ng respeto sa aking kakayahan iyong Kyo na iyon. I can't let him think that I'm that weak. I can't let that happen! "Ganoon ba?" Usal ni Kira. Mabilis na sumagi sa kanya ang aking paningin at nakita ko agad ang mapanuyang ngiti sa labi nito. Kaagad kong binalingan si Gene. "Hindi pwede!" "Bakit hindi? May sakit ka. Lalala lang iyang sakit mo kung ipagpapatuloy niyo ang inyong lessons. Mas maiging ipagpahinga mo na lang muna iyan para mabilis na bumalik ang iyong lakas." "Pero Gene—" "Hep-hep! No more buts, my precious, beautiful daughter! I will not risk your health even if you're that eager to learn." Hindi ako makaimik sa kanyang sinabi at kunot-noong pinagmasdan na lang iyong maputing dingding.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD