KABANATA 30
Nang gabing iyon ay dinalaw ulit ako ng alaalang kinakatakutan kong balikan. Nagising akong naliligo sa sarili kong luha at pawis. Matapos noon ay hindi na ako nakatulog pa hanggang sa dumating ang umaga.
Inaapoy ako ng lagnat kinabukasan. 38.2 degrees Celsius ang basa ng thermometer na hawak ko matapos ko iyong ibinabad sa aking bunganga. Hindi ko rin maigalaw nang maayos ang mga kamay ko dahil sa namamaga kong mga daliri.
What now, Rekka? Papaano pa ako makakalaban nito?
"Good morning, my precious, beautiful daughter!"
Napatayo ako nang marinig ang boses ni Gene sa likod ng nakalock kong pintuan.
Oh, no. He can't found out I'm sick!
Mabilis akong tumayo at tumapat sa harap ng aircon. I know this would make my fever worse but I need to do this if I want to fool him that nothing's wrong.
"Princess?" Napapitlag ako nang muli itong kumatok at sinubukang buksan ang pinto, "Gising na. Breakfast is ready!"
Muli kong kinapa ang sarili at nang matiyak na hindi na ako ganoon kainit ay dalidali kong isinuot iyong asul kong hoodie. Humugot pa ako ng isang malalim na hininga bago ko siya pinagbuksan.
"I'm up for some breakfast!" Masiglang sabi ko, making sure I hid my hands inside the pockets of my hoodie.
"Alright! That's the spirit!" Ngising aso nitong sabi bago ako masayang inakbayan papuntang hapagkainan.
I barely survived my morning in the main house. Nagkulong lang ako sa aking silid buong umaga. Gustuhin ko mang asikasuhin iyong dissertation ko, wala akong mapanghugutang lakas. Mabuti na nga lang at nakapuslit pa ako ng isang gamot galing sa medicine cabinet nina Gene. Ininom ko agad iyon at nagpahinga hanggang sa kinatok ako ni Milo mga bandang tanghali para sa paghatid niya sa akin patungong dojo.
Hinang-hina ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa ring bumangon upang maghanda. Bakas ng pag-aalala ang mukha ni Milo buong byahe namin papuntang dojo. Ilang beses kong sinigurado sa kanya na maayos lang ako but somehow he seemed unconvinced. Sana nga lang ay hindi siya magsumbong kay Gene tungkol dito. I don't need him troubling himself further just because I'm having a fever. Lagnat lang ito. Hindi nakamamatay. I've survived Kyo's first day of training, surely I can survive this.
Nang makarating na kami ay agad naman akong bumaba. Nakasunod naman si Milo sa akin at gusto yatang umalalay. Mukhang lumala pa yata ang sama ng pakiramdam ko nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.
"Lady Aya..." May pag-aalalang tugon ni Milo.
"Okay lang ako, Milo. Napagod lang ako sa aking ginawa kaning umaga. Pagod lang ito," sabi ko rito habang inaayos ang sarili.
"Pupwede naman po nating sabihin kay Master Kira na ipostponed ang lessons para makapagpahinga—"
Itinaas ko ang aking kamay para patigilin siya sa kanyang pagsasalita.
"I'm fine, Milo. Really! Walang kailangang i-postpone dahil pagod lang naman ito. Mawawala ito once I get on the mat for my kendo practice," I assured him sabay pakita pa ng stretching exercises ko.
Gusto kong ngumiwi sa sakit na nararamdaman pero pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalata. Mataman lang ako nitong tinitigan bago bahagyang yumuko para magpaalam.
"Babalikan ko po kayo mamayang alas sais ng gabi para sunduin, Lady Aya. Pero kung mas maaga pa roon, tawagan niyo lang po ako sa telepono ko."
Tinanguhan ko na lamang siya bago sinimulan ang paglalakad patungong pintuan. Dinig ko ang pagbusina ng sasakyan hudyat ng pag-alis nito. Hindi ko na iyon nilingon at ipinagpatuloy ang pagtungo sa porch ng dojo. Mariin akong napapikit as I exhaled another exasperated breath.
Damn it, Ayana, you can't be this weak! Even the driver thinks you're helpless! Get a grip or the world's going to eat you alive!
Papakatok pa lamang ako nang biglang bumukas ang pinto. Isang katulong ang kaagad na yumuko sa aking harapan.
"Lady Ayana, Master Kira is already at the kendo practice room. He said that you go there immediately after you've changed into your proper attire," anito bago ako pinaunlakang tumuloy.
Kahit nahihirapan sa pagpapalit ng damit, pinilit kong madaliin upang sa gayon ay hindi mainip sa kahihintay si Kira. Will he be in a better mood today? I hope so... I'm afraid I'm out of luck this time.
Pagkapasok ko pa lang sa silid, tumambad na sa akin ang nakasquat na Kira. His eyes were closed and both of his hands were resting on each of his thighs. Nasa harapan naman nito nakalatag ang kanyang shinai.
"So you're finally here," sambit nito habang nakatanaw sa akin. Nandoon na naman iyong mapagkunwari nitong ngiti. Hindi naman ako nagpatalo at sinuklian ko rin siya ng isang malapad na ngiti.
"Simula na tayo?" Masigla ko pang tanong dito.
Ilang sandali niya pa akong pinagmasdan bago dahan-dahang tumayo. Lumapit siya sa mga nakahilirang shinai at kumuha ng isa pa roon. Matapos noon ay lumapit siya sa akin para iabot ito.
"You'll be using this today," anito without losing that freaky smile on his face.
"Thanks," sagot ko naman nang nakangiti pa rin.
Bago ko pa iyon makuha ay inilapit nito ang kanyang mukha sa aking tainga.
"I hope you brought a lot of luck with you today, witch," bulong nito.
Nang muli niya akong hinarap ay ganoon pa rin ang ngiti sa kanyang mukha. He's wearing his best weapon today. I should do the same.
"I won't be needing any luck today, Kira. Kendo's my cup of tea after all," I confidently said without losing that smile on my lips.
I grasped the handle of my shinai at nilulon ang kung anumang impit na gustong kumawala nang maramdaman ang kirot sa aking mga daliri.
"Is that so?"
"Uh-hmm," I let out a hum as my response dahil tinitiis ko pa ang hapding bumabalot sa buo kong katawan. Ramdam ko ang pamumuo ng malamig na pawis sa aking noo at batok pero hindi ko iyon pinansin.
"Alright then."
Pinulot nito ang kanyang shinai at pumwesto ilang hakbang ang layo mula sa aking harapan. Pinosisyon niya ang sarili sa preparatory stance ng kendo. Mahirap man, ginaya ko ang kanyang ginawa.
Fake it till you make it, Ayana.
"Let's see how good you are with your cup of tea," sabi nito bago mabilis na sumulong at umatake.
Kita ko ang bawat galaw ng kanyang paa at kamay kaya sinubukan kong sagangin ang tira niya gamit ang shinai ko. I was successful pero mabilis niya namang tinamaan kaliwang hita ko. Napaigting ang panga ko sa pagpipigil na mapakita sa kanya kung gaano iyon kasakit.
"Is that the best you can do?" He asked, taunting me.
Inayos ko ang aking paghinga at muling ibinalik sa preparatory stance ang posisyon ko. Hindi uubra ang normal kong pag-atake sa kanya. I'm slower now and far weaker. He's obviously used to this and now he's even got a bigger purpose to strike me.
Hindi pa ako tapos sa paghahanda nang maramdaman ang pagtama nito sa kabila kong hita. He was about to strike again nang mabilis ko iyong sanggain. I want to cry foul dahil hindi naman iyon kasali sa rules ng kendo but I knew better.
Mataman kong tinitigan ang mukha nito. The edges of his lips were turned upwards but his eyes were glinting a different kind of emotion. What he feels towards me go beyond the rules of kendo, any rules for that matter.
"Where's that confidence you've got a while ago, huh?" Asik nito bago ako marahas na tinulak.
Wala na akong lakas para pigilan pa ang pagbagsak ko sa mat kaya hinayaan ko na lang.
"And you really thought your sword skills were impressive? You even had the guts to perform these pathetic acts in front of the whole empire. Do you know how embarrassing that was for the family? Do you know how revolting that was?" habang nakadungaw sa aking nakahiga pa rin sa sahig.
He's looking at me like he was looking at an easy prey he's about to pounce.
"Oh, you'll learn, alright," sarcasm was thick in his voice, "You'll learn that no matter what you do, you'll never amount to anything. I will break you and I will put you in your place. I will make sure you understand that you will never belong to anywhere other than that."
Animosity. Iyan ang emosyong lumalatay ngayon sa buong katauhan nito. His animosity towards me is giving him this power to strike me down beyond any rules. Kendo and kyuudou were just his instruments to fulfil that need. The need to destroy me.
But I won't let him. I didn't come this far to be destroyed by him. No. My battle with this empire has long been overdued. Lalaban ako. I will not stop fighting until I get the acceptance that I deserved. It takes more than swolen muscles, broken bones and wounded flesh to break my resolve. I've gone through worse. He can't break me. You can't break someone who's never been whole to begin with.
Mahirap man, pinilit ko pa ring tumayo. Hindi ko na lang inalintana ang hapdi sa aking mga kamay nang higpitan ko ang pagkakawak sa aking shinai. Mataman akong nakipagtagisan ng titig sa kanya at matapang siyang hinarap.
I've waited my whole life for this opportunity. No one can bend my resolve. Not this fever. Not this pain. Not even this man's animosity.
I am Kurozawa Ayana. I will take my own place in this empire.
"Bring it on."