Kabanata 10

1121 Words
KABANATA 10 Tahimik na uli kami hanggang sa makarating na kami sa loob ng estate. Kahit noong nagpaalam na si Milo ay parehong tango lang ang nakuha niya sa amin. Nang marating na namin ang mga pintuan ng aking silid ay hindi ko na kinaya pa. One can try, right? "Hindi ba talaga ako pwedeng tumira sa inyo, Gene? Kahit tuwing gabi lang? Tapos pupunta na lang ako rito sa umaga and stay for the rest of the day. I promise I'll be good during those times. Basta ba pagdating ng gabi, doon ako tutuloy sa inyo," I suggested. "It's a fair deal naman, hindi ba? Wala rin naman silang pakialam if I'm here or not. Just the thought na dito ako nakatira, enough na sa kanila para iwasan ako. Hindi naman nila malalaman na doon ako sa bahay niyo natutulog unless ipatawag nila ako sa ga..." Hindi ko natapos ang aking sasabihin when I saw his, yet again, sad look. Dahan-dahan akong yumuko at pinagmasdan ang pattern ng carpet. "Hindi ba talaga pwede? Kahit every weekend na lang..." I asked in a small voice. Nang wala pa rin akong makuhang sagot mula sa kanya, napabuntong hininga na lamang ako. Alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Alam ko naman eh. Sinubukan ko lang baka sakaling may tsansa pa... "I understand," hindi ko maitago ang lungkot sa aking boses. I was about to turn away nang magsalita ito. "Listen," agad ko naman siyang tiningala. May kung ano sa aking mukha ang saglit na nagpatigil sa kanya. Yumuko muna ako at pinunasan ang kung anuman iyon bago ko siya muling hinarap. Tumikhim muna siya bago nagpatuloy. "Alam kong nahihirapan kang makitungo sa mga tao rito. Kung ako lang ang masusunod, matagal na kitang kinuha roon sa America at dinala sa bahay para mamuhay kasama namin. I'm sorry if Daddy's too weak to grant even this simple wish, my Princess," sambit nito sabay marahan niyang hinimas ang aking pisngi. Hindi ko mapigilang mapasinghap sa narinig. Sumisikip iyong lalamunan ko. Gusto kong sabihing hindi niya kasalanan. Na wala siyang dapat ihingi ng tawad. This is because I'm too greedy to ask for more. Pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. "Pero lagi mong tatandaan, not because I abide the family's decisions, ibig sabihin ay tanggap ko ang mga ito. Daddy will still find ways para makauwi ka na sa bahay. I promise you that, anak," namilog ang mga mata sa kanyang huling sinabi. "No! You don't have to do anything, Gene. I'm fine! I'll be fine!" Mabilis kong sambit na nagpaatras nang bahagya sa kanya. Nabigla rin siya sa aking biglaang pagsabi. I can't let me him or his family be in trouble. Halos kawaan na nga siya ng angkan when he decided to take me as his daughter. He was just 18 then at bagong kasal pa lang sila ni Mimi noon. They said he's got lots of potential and I only drag him down. Tama na iyon. He must not go through the trouble para lang mapagbigyan ang kapritsuhan ko. "Gusto ko lang sanang makasama nang mas matagal sina Rei at Gun. It was just a selfish whim on my part. Not really important," mabilis kong dagdag pero lalong dumipena ang kunot sa noo nito. "I'll be fine here, Gene. Really, don't worry too much. Hindi naman nila ako pisikal na sinasaktan dito. And even so, I know how to defend myself, hindi ba?" Dagdag ko pa, worried that he might see through my façade. Puna ko agad ang pagdaan ng alab sa mga mata nito sa huli kong binanggit. "Subukan lang nilang saktan ka, makikita nila kung bakit ako ang tinaguriang Beta ng bagong henerasyon!" Asik nito that brought shivers down my spine. Nakakatakot talaga si Gene kapag galit. Parang walang sasantuhin kapag binangga mo siya. Lahat naman yata ng mga Cross ay ganoon. You mess with a Cross, you mess with your life. Ganoon ang motto nila para sa mga kalaban. Kaagad din namang nawala iyong alab na iyon sa kanyang mga mata when he saw the expression on my face. Muling nagbalik iyong malungkot niyang titig. "Pangako, Aya, kukunin kita rito at iuuwi sa atin. Sa ngayon, tiisin na lang muna natin, ha?" Sambit nito sa isang malambing na boses. Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti at marahang tumango. I will not bother his mind anymore. I will not utter another selfish wish to him ever again. "Good," nakangiti nitong usal as he gently touched my face, "Sa ngayon, you go inside your room and have your sleep. Para bukas, you'd be ready for the party. Okay?" Sabi pa nito sabay pat sa aking ulo. Nginitian ko uli siya bago pumihit at pumasok sa loob ng aking silid. As I was about to close the doors, I heard him mutter a soft, 'good night, my princess' the way Rekka would. I stared at the closed doors and remembered that this fight was mine to begin with. Hindi ko na dapat ginugulo sina Gene. I've caused him enough trouble already. Tomorrow, the headmaster will be here. After four years, ngayon lang uli kami magkakaharap. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga mata nitong punung-puno ng kasuklaman habang sinasabihan ako ng mga salitang nakabaon sa aking mga buto. You are this family's mistake. I will never accept you. Iniling ko agad ang aking ulo sa naalala. I shouldn't go back to those memories. Wala na akong magagawa roon. Nakalipas na iyon! I need to focus on what I should do tomorrow. Ngayong nandito na siya, I will do everything so he would accept me. That's it, Aya. Focus yourself in achieving your main objective. Huwag mo munang isipin ang mga bagay na hindi talaga mangyayari hangga't hindi mo nakukuha ang tunay na pakay mo. Impress the headmaster. Make him see your strength. Make him proud. Prove to him that you're worth every damn dragon in the history of this empire. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang tumunog ang cell phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng aking pantalon and idly swiped across to see who texted me. It was from Gene saying his good night and... napahinto ako saglit sa huling pangungusap sa kanyang mensahe. From: Gene Message: I am sure the kimonos would look good on you. Wear the blue one tomorrow, alright? ❤❤❤ Mabilis kong nilingon ang buong silid and just right in the middle of it, may pitong mga manequin ang nakatayo at suot-suot ang mga kimono in different designs and colors!  Oh my G... Lumapit ako roon at isa-isang dinama ang siguradong mamahaling mga tela. Was he expecting me to wear all these fancy clothing?! He can't be serious!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD