KABANATA 11
The next day, I woke up to find that Gene, indeed, WAS serious.
Maaga akong ginising ng mga kasambahay para masimulan na ang paghahanda sa gaganaping welcome party mamayang hapon. They've put me into a thorough spa treatment. Bago nila ako sinimulang ayusan.
Mag-aalas dos na ng hapon nang dumating sina Gene at ang mga kambal. Nasa sasakyan lang daw si Mimi at doon na maghihintay hanggang sa pagbuksan na ng gate ang mga panauhin.
Tinaasan ko siya ng kilay nang nakapasok na siya sa aking silid. He was wearing a dark blue kimono and the family crest on the left side of his chest. Sumunod sa kanya iyong mga kambal wearing the same ensemble, only smaller.
Iyong kaunting inis na naramdaman ko kay Gene dahil pinagsuot niya talaga ako ng 'pambabaeng' kimono ay nawala when I saw the twins' cute outfits.
"Neechan!" Magkasabay nilang bati at sabay ring tumakbo papunta sa aking kinatatayuan.
Gustuhin ko man silang daluhan ay hindi pa pwede. Kasalukuyan pa kasing inaayos ng mga nakamaskarang assistants ang tali ng aking kimono. Tulad ng binanggit ni Gene sa kanyang mensahe kagabi, I wore the electric blue one with pink and white sakura flowers designs from my right shoulder down to my middle, some on my left arm and then the color changes to white on the bottom.
"Kirei!" Magkasabay na usal ng kambal na nakamasid habang inaayusan ako.
"You're both so cute! Wait till neechan is done and we'll play, all right?" Magiliw kong sabi sa kanila habang sinisikap kong hindi gumalaw.
"Aww... the kimono really looks good on you, my beautiful daughter. It made you look more beautiful, in fact!" Muli naman akong napasimangot nang marinig ang tinig ng nagbigay sa akin ng sakit ng ulo.
Pagsuotin ba naman ako ng kimono! A female kimono pa! Eh di mas lalong na-empasize ang pagiging babae ko nito?! Papaano ako magugustuhan ng headmaster kung ipapangalandakan ko sa harapan niyang babae nga ako?!
Ensakto namang may butler na pumasok at kinuha muna ang mga bata dahil hinahanap ng lolo nila. Pagkasara ng pintuan ay agad kong hinarap ang mapangahas at tinapunan ng matatalim na tingin.
"What were you thinking making me dress like this? I am more Caucasian than Asian! I look like a clown wearing this!" Hindi ko napigilang sabihin sabay muestra sa suot na damit.
Medyo napaatras siya sa aking biglaang pagsabi at hindi kaagad nakasagot.
"Silly. You look nothing like a clown! You're stunning!" Usal nito at mas lalo ko pa siyang tinitigan ng masama.
"Seriously, Aya, you're beautiful. You should be confident and show them what it takes to be Gene's beautiful daughter!" I rolled my eyes at his reply, "Oh, let me get my camera! Let's have a picture!" Sabi pa nito bago patakbong lumabas ng silid.
Muli akong umirap sa kawalan. Wala na talaga iyong matinong sasabihin.
Pinagmasdan kong muli ang sarili sa harap ng salamin. I saw my blue eyes looking back at me. My rose gold hair was styled and a sakura pin was placed on the right side of my head. They said that I looked much like my mama. Hindi ko naman mapapatunayan kasi nasunog lahat ang mga larawan niya kasama noong bahay namin sa America.
But I can still remember some memories. Back when I was still at the same age as the twins, I always saw Papa hold Mama's photograph every night whenever he managed to visit. He would look at her image for a very long time, hold it in his arms and then end up crying.
If they say that I looked so much like her, why wouldn't he hold me instead?
Umiling ako sa naisip. Tumalikod na ako para hindi na muling makita pa ang repleksyon ko sa salamin.
Hindi ko na kailangan pang maalala iyon. Hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. I need to focus my thoughts sa mga magaganap mamaya. This is my chance right here. Hindi ko ito papalagpasin.
Sa east garden gaganapin ang party. At tulad nang nakasanayan, everyone will wear their Japanese traditional attire. The men of the family will stay in the middle while their wives will take their assigned seats on the sides. Sa tabi naman ni Mimi ako pupuwesto.
Kasama rin sa selebrasyong ito ang mga pamilyang ka-alyado ng aming angkan: ang mga Himamura, nangunguna sa larangan ng medisina; ang mga Sanada, giant malls and real estate's magnate; at ang mga Yazaki na nagmamay-ari sa YZK Financing Group. They will have to stay at the back of the Cross' men hanggang sa matapos ang programa at pwede na silang makihalubilo sa isa't isa.
Nasa waiting lounge kami ngayon ng pamilya ni Gene. Nakapasok na sa loob ng garden ang mga bisitang kaalyado ng pamilya. Nag-uumpisa na ring tawagin ng emcee ang bawat linya ng aming pamilya. When our turn was nearly approaching, bigla akong tinubuan ng kaba at takot.
Will I be able to do this right? Hindi kaya ay bigla akong matisud in the middle of our walk? Ilang beses ko namang pinag-praktisan ang paglalakad at pag-aasta ng isang tunay na haponesa. I should be okay then. I can do this.
Upang maibaling sa ibang bagay ang aking isipan, pinagmasdan ko na lang ang nakaayos na asawa ni Gene. Mimi looks stunning in her white with varying blue-colored waves design kimono ensemble. Bumagay sa kimono na suot-suot ng kanyang mag-aama. Luminga siya sa aking direksyon at ngumiti. Nginitian ko rin siya ng tipid.
Nanlaki ang mga mata ko when she suddenly came to me.
"Are you nervous?" Bulong nito.
Masyado ba akong obvious at napansin agad iyon ni Mimi? Hindi ako makapagsalita kaya tumango na lamang ako.
"Don't be," hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinipan iyon. Her warm breath surprisingly soothed my bothered heart.
"Huwag mong iisipin kung anong mga iniisip nila habang pinagmamasdan kang naglalakad sa gitna. Ang isipin mo ay kung anong mayroon ka na wala sa kanila," kumunot ang noo ko sa kanyang idinagdag.
Ano bang mayroon sa akin na wala sa kanila? Uh... kamalasan?
Pinitik bigla nito ang aking noo na tila ay nababasa nito ang aking isipan kahit hindi ko pa man naisasaboses ang aking opinyon.
"Don't you dare think of the lies they were feeding you! That's not what I meant. I mean, as much as they want, they don't have the twins' cuteness, my spunkiness and Gene's daughter-complex craziness. Kaya tiyak akong kaiinggitan ka talaga nilang lahat," napahawak na lang ako sa parte ng aking noo na kanyang pinitik habang nakangusong nakatingin sa kanya na bahagyang natawa sa sinabi.
Maya't maya pa ay tumigil din ito at marahang hinaplos ang aking pisngi.
"You don't have to be afraid, Aya. You're not alone anymore. You have us," she said in a way I always imagined a mother would say and I never felt more assured.
"Thank you," mahina kong usal bago siya pinakitaan ng isang ngiting bukal sa aking puso.
Bahagya naman siyang natulala matapos noon.
"A-aya..." Tila may sasabihin pa sana siya kaya lang biglang tinawag ng emcee ang pangalan ni Gene, hudyat na oras na naming pumasok sa loob.
"Mimi," tawag sa kanya ng asawa.
She squeezed my hand one last time before going to her husband's side. Ilang sandali ko pang tinitigan iyon bago ko inihanda ang sarili sa aking pagpasok.
Unang pumasok si Gene. Nakasalukbit naman ang mga kamay ni Mimi sa braso nito. Dinig ko ang palakpakan ng mga tao as they welcome the Beta couple. Sumunod naman sa kanila ang kanilang mga supling na nag-uunahan na kaagad sa pagpasok. Dinig ko ang marahang pagtawa ng mga tao sa kapilyuhan ng mga kambal.
Nagsimula na namang tumakbo ang mga kabayo sa aking dibdib. Ikinuyom ko ang aking mga palad at huminga muna nang malalim.
"Lady Ayana Kurozawa, daughter of Gene Kurozawa," tawag ng emcee sa aking pangalan.
"This is it, Aya. Your chance begins now," I told myself bago ako tumulak papasok ng garden.
Pagkapasok ko pa lang, dinig ko agad ang singhapan ng mga tao. Lahat natahimik sa aking paglalakad. May nakita pa akong nagbubulungan pero tumitigil rin sa tuwing nadadaanan ko ang linya nila. Hindi ko na pinagmasdan kung anuman ang ekspresyon sa kanilang mga mukha at nakamasid ako sa harapan kung saan nakikita ko ang mga likod nina Gene at Mimi.
"Nandiyan lang sila. Hindi nila ako iiwanan," I assured myself as I continued to walk.
Two rows from the front ay nahagip ng paningin ko ang nakangising Cute na kumakaway pa. Nakatingin din sa akin ang dalawang anak nitong sina Kyo at Kira pero hindi sila kumaway tulad ng kanilang ama. Nginitian ko na lang sila. Bahagyang nabigla ang dalawa sa aking ginawa. Si Kyo ay agad na umiwas ng tingin habang si Kira nama'y sinuklian din ako ng ngiti.
Well, one out of two is okay, right?
Matapos kong maupo sa tabi ni Mimi ay agad niya namang kinuha ang aking kamay at pinisil iyon.
"You were absolutely stunning, Aya! Have you seen their faces? Para bang bigla silang nakakita ng Dyosang bumaba sa langit para daluhan sila!" Magiliw nitong sabi.
Tipid na ngiti ang isinukli ko sa kanya bago kami muling humarap sa mga kaganapan sa gitna. Ayoko munang isipin kung anong mga iniisip ng pamilya. My focus right now is how to make my chance work on my side. Napaghandaan ko na ang presentasyon na gagawin. Sana lang ay magawa ko nang tama.
"All rise for Cross Emperor, Daichi Kurozawa!" Kaagad nagsitayuan ang mga tao bilang pagsalubong sa headmaster.
Dumagundong na naman ang kaba sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang parang along pagyuko ng bawat linya ng mga taong nadadaanan ng Alpha. Hindi ko siya makita masyado sa aking kinatatayuan. Halos maputol na ang mga ugat ko sa leeg kakaunat as I try to catch a glimpse of him.
Nang maayos ko na siyang nakikita, doon ko lang napagtantong nakalagpas na pala siya sa linya namin at hindi pa ako yumuyuko. Namilog ang mga mata ko nang bigla itong tumigil sa paglalakad at inilipat ang paningin sa aming direksyon... sa akin.
Hindi ako makahinga as I saw his steely eyes on mine. Nakakawala ng lakas. Hindi ko maigalaw ang sarili kong katawan at nanatili lang akong nakatanaw sa kanya.
Nagbubulung-bulungan na ang mga tao sa nangyayari, hindi pa rin ako makagalaw.
"Aya!" Narinig kong bulong ni Mimi na kaagad na nagpabalik sa aking sistema.
Kinalma ko muna ang aking sarili. Nakatanaw pa rin ang headmaster sa aking direksyon habang patuloy pa rin sa bulungan ng mga tao sa paligid. I can even sense Dice's annoyed looks from somewhere in the front seats.
Nang maayos ko na ang aking sarili, dahan-dahan akong yumuko.
Matapos noon ay pumunta na ang headmaster sa kanyang silyang nasa pinakaharap at pinaliligiran ng mga naghihintay na matatandang nandirito para magbakasyon. Nang umupo na ang Alpha at saka lamang nagsiupuan ang mga tao.
Nagpatuloy ang programa nang walang masyadong nangyayari. Puro kumustahan at pagpapakila lamang ng mga susunod na mamahala ng kani-kanilang mga pangalan.
Nang inanunsyo na ng emcee na nakahanda na ang pagkain ay kaagad akong tumayo. Saglit akong nagpaalam kay Mimi at dumiretso sa CR ng mga babae. Swerteng walang gumagamit kaya naman ay nagmadali akong magpalit ng suot para sa gagawin kong presentasyon.
Unlike the kimono I wore a while ago, mas madali at kabisado ko itong suotin. Kaya naman wala pang sampung minuto ay tapos na akong magbihis. Inayos ko na lang ang mukha ko para siguraduhing wala na itong bakas ng nakakadiring make-up. Tinanggal ko na rin iyong pin at itinago sa aking bulsa.
Pinagmasdan ko pa for the last time ang aking hitsura sa salamin bago ako nakumbinseng maayos na talaga ang lahat. Kinuha ko na rin ang espadang gagamitin ko at mahigpit itong hinawakan.
Huminga muna ako nang malalim bago ko pinihit ang door knob ng CR.
Here's your chance, Ayana. Now... grab it!