KABANATA 12
Nasa loob kami ng library kung saan ako kasalukuyang naka-'detain'. Hindi pa tapos ang salo-salo pero nang dahil sa nangyari kanina ay baka mapaaga ang uwian ng lahat.
I stared at my broken sword at mariing napapikit sa naalalang pangyayari kanina when I got out of the CR to perform my sword skills in front of the headmaster.
I remembered how his eyes grew big when he saw me on my outfit with a sheathed sword in hand. I remembered how everyone erupted in panic seeing me perform my act in front of them. I remembered the stinging pain from Dice's hand on my cheek.
I remembered Mimi's protective arms around me soon after. I remembered seeing Gene's back in front of me as he defended me against all of them. I remembered the twins crying beside me, hugging each of my legs.
Sumisikip ang dibdib ko sa naalala pero ininda ko iyon. Masakit pa rin ang siguradong namumula ko ngayong pisngi pero ininda ko rin iyon.
"What an epic failure!" I thought as gripped my worn out sheath.
"How dare you let your curse of a daughter make a joke out of a samurai performance and call it a display of superior sword skills? What an insult to all our samurai fathers!" Dinig kong asik ni Dice.
Nandito ang mga anak ng upper branch line. Gene is here and is still defending me. Cute's also here to pacify his brother. Si Hans naman ay kasama sina Kyo at Kira na nakatayo di kalayuan sa kanilang mga ama. Nag-uusap sina Hans at Kira habang binibigyan ako ni Kyo nang matatalim na titig.
"Don't call my daughter a curse! Hindi siya sumpa and what she showed us out there is by far the most superior sword skills anyone has ever seen! Hindi mo lang maamin sa sarili mo that she could do better than any Cross in this sick of a family!"
"Yuujin!" Sabay na saway nina Cute at Hans dito.
Dice scoffed at his son's remarks.
"Superior? She's just a girl! No girl is ever superior to a man! She's weak! Kung ilalaban natin siya against the weakest of our clan, nilalangaw na siya ngayon!" Mas humigpit pa ang hawak ko sa sheath ng aking espada.
"I won't allow you to speak about her that way! She's still a Cross, baka nakakalimutan niyo! Apo niyo rin siya kasi anak ko siya!" Galit na sumbat ni Gene na ngayon ay inaawat ni Cute dahil akma na itong susugod sa kanilang ama.
Dice released another scoff.
"And I've never been so disappointed," sumbat nito sabay hagod ng tingin sa sariling anak bago sinulyapan ang kanyang kapatid. Tumikhim ito pagkatapos.
Napapikit ako habang iniinda pa rin ang sumisikip kong dibdib. Gene doesn't deserve any of this s**t. This is enough.
"Do you see what you've done to this family, Kurozawa Ayana?" His voice was firm and hateful. I stared at him dead straight in the eyes.
"You're destroying it like a curse that you are! And you won't stop until you've completely destroyed my family the way you destroyed yours."
"Chichiue!"
"Aniue!" Magkasabay na alma nina Cute at Gene sa sinabi nito pero huli na ang lahat.
Tiim-bagang akong napayuko sa narinig.
"Make sure you don't let that curse out of this room and further ruin this already ruined party," pagkakuwan ay matulin at taas noo itong lumabas ng silid. Sumunod naman kaagad sa kanya si Hans matapos nagbigay galang kina Cute at Gene. Tinapik niya rin ang mga balikat ng kanyang mga pinsan bago lumabas.
"Damn it!" Umalingawngaw ang sigaw ni Gene matapos sipain ang isang silyang malapit sa kanya.
"Will you calm down?! Huwag mong daanin sa init ng ulo ang sitwasyon!" Asik ni Cute sa pamangkin, "Kahit gaano kaanghang pakinggan ang mga salita ng iyong ama, ama mo pa rin iyon!"
Enough.
"He just hurt my daughter! Sa harapan ko pa!"
Enough.
"And there's no excuse for that, of course! Mali ang ginawa niya, alam natin iyon. But to answer a mistake with another mistake will not make things right! Si Aya pa rin ang maiiipit dito. Siya pa rin ang magiging kawawa!"
"Enough!" Natahimik ang lahat sa bigla kong pagsigaw.
Mabilis ang pag-taas-baba ng aking mga balikat sa galit na nadarama para sa sarili. Gusto kong umiyak sa inis! Gusto kong parusahan ang sarili ko! I did this to Gene! I already told myself not to give him troubles pero heto na naman at pinahihirapan ko siya! I'm an idiot! Stupid! Useless! Worthless!
Napapitlag ako nang bigla akong daluhan ng nag-aalalang Gene. Kasunod niya si Cute na nag-aalala rin. Nakatayo pa rin sa may pintuan ang magmamatyag na mga anak nito. Bakas ang pagkagulat sa nasaksihan.
"Are you alright, Aya? Masakit pa rin ba? Let me see your che..." Hindi niya natapos ang sasabihin dahil agad kong pinaalis ang kanyang papahaplos na kamay. Tila nabigla siya sa aking inasta.
"I'm alright, Gene. Don't worry too much. Sanay naman ako sa sakit dahil sa araw-araw kong pag-eensayo ng martial arts. This is nothing. I'm fine," malamig kong sambit nang hindi siya tinitignan sa mata.
"This is not fine, Ayana!" Napapitlag ako sa pagtaas ng kanyang tono at napalingon ako sa namumula na niyang mukha.
"I will not allow my daughter to settle with being fine after getting hurt like that! For once, cry! Magsumbong ka sa akin kung saan banda ang masakit. Huwag mong tiisin lang lahat. Magsumbong ka sa akin at gagawin ko ang lahat, sa abot ng makakaya ko bilang tumatayong ama mo, maibsan lang ang sakit na nadarama mo!"
Napasinghap ako sa kanyang mga sinabi. Gusto ko sanang sumuko na lang, yumakap sa kanya at humagulhul but if I do that para ko na ring inamin sa sarili kong tama nga ang mga paratang nila - na mahina ako. I bit the sides of my mouth to stop myself from giving in.
Lumuhod si Gene sa harap ko't marahang ikinulong sa kanyang mga palad ang aking mukha. His eyes reflected his love for me as his daughter.
"Pakiusap, anak, huwag mong sabihing okay ka lang gayong alam nating hindi naman talaga. Kasi kapag nasasaktan ka, nasasaktan din si daddy," parang dudugo na ang bunganga ko kakakagat para lang pigilan ang mga nagbabadyang luha, "At sa tuwing tinitiis mo ang sakit, mas lalo akong nasasaktan," muli akong napasinghap sa sinabi niya.
Pakiramdam ko ilang sandali na lang at matitibag na ang mga pader na itinayo ko sa aking puso. At hindi iyon matatanggap ng pride ko. Paulit-ulit kong inaalala ang mga salitang binitawan ni Dice at agad nitong pinapatatag muli ang mga pader sa paligid ng aking puso.
With renewed resolve, I, once again, shove Gene's hands away. Hindi nakawala sa akin ang kaagad na pagdaan ng sakit sa mukha nito.
"I said I'm fine, Gene. I'm fine," matigas kong sabi rito, "Kasalanan ko rin naman iyong nangyari kanina. If I didn't provoke them by coming out dressed as a man..."
"Buti naman at alam mo," napalingon kami sa nagsalita. Si Kyo.
"Kyo!" Saway ni Cute sa kanyang anak.
"What did you just say?" Malamig na tugon ni Gene sa pinsan.
"I just agreed with her statement. Anong mali roon?" Sagot pa nito bago niya ako tinapunan ng matalim na tingin. Kaagad namang pumagitna sa amin si Gene, hiding me from his cousin's line of sight.
"Am I talking to you?" Malamig pa ring tanong ni Gene.
Kyo clicked his tongue as response.
"Baka nakakalimutan mo kung sino ang ama niya?" Paghahamon ni Gene sa pinsan. He's the beta. Walang magagawa si Kyo kung hindi ang manahimik at sundin ang bawat utos nito.
Hindi ko na alam kung anong hitsura ni Kyo pagkasabi noon ni Gene. Basta narinig ko na lang ang marahas na pagbukas at padabog na pagsara ng pinto. Halos kasunod noon ang pagtawag ni Kira sa kapatid kasunod ang panibagong pagbukas at pagsara ng pinto.
Nagbuntong hininga na lang si Cute sa nangyari. Agad naman akong ginapangan ng konsensiya.
'You're destroying this family!'
Wala sa sarili akong napahawak sa pendant ng aking kwentas.
"Ayana," napatalon ako sa pagod na boses ni Cute, "Alam kong hindi madali para sa iyo ang lahat ng ito. Ako na ang humihingi ng pasensiya sa mga sinabi ni Daisuke sa iyo kanina. Sometimes we say things at the heat of the moment without thinking them through. Hindi mo man aminin na nasaktan ka sa mga binitawan niyang salita, humihingi pa rin ako ng despensa," he said bago bahagyang yumuko.
"Please raise your head, Cute. I don't deserve such gesture. But I appreciate your kindness," sabi ko bago nilingon ang nakatagilid na bulto ni Gene, nakaigting ang panga at nakahalukipkip.
"Gene," tawag ko rito at parang bolang nawala ang poot sa mukha nito at napalitan iyon ng pagsusumamo.
"May kailangan ka, Princess?" Mabilis niya uli akong dinalo.
Seeing him like this weakens my resolve. I can't allow myself be easily swayed by my emotions. I cleared my throat as I cleared my heart with these useless feelings.
"I'm fine, Gene. For now, I just want to be alone. Can you give me that?" Pagod niya akong tinignan at tila aalma siya sa gusto ko. Ngunit tumango rin siya sa huli.
"Alright, Princess, I'll give you time alone. But if you needed me, nasa labas lang ako ng pintuang iyan, you understand?" Sabi nito sabay turo sa mga pintuan ng library. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Okay. Be safe here," huli nitong sinabi bago ako mabilis na hinalikan sa ulo.
I stared at their retreating backs and felt my world getting emptier. Gusto ko silang sundan at magmakaawang huwag akong iwan but that would only mean I'm not strong enough. Ikinuyom ko na lang ang aking mga palad at iniwas ang aking paningin away from them.
But when I heard the doors closed, parang may kumurot sa puso ko at binalot ito nang matinding kalungkutan. I ran to the doors before I could stop myself.
Pero nang nasa harapan na ako ng mga pintuan, hindi ko naman maigalaw ang mga kamay ko. I couldn't even call out to him.
He's just outside! How hard can it be?
I gathered all my strength so I could raise my hand and turn the knob.