Kabanata 13

1559 Words
KABANATA 13 Hindi ko pa masyado nabubuksan ang pinto, nakita ko ang likod ni Gene na malapit lang dito. Kasalukuyan niyang kausap si Mimi. Pansin kong wala sa paligid ang mga kambal. Okay lang kaya sila? Lalabas na sana ako pero ginapangan na naman ako ng takot. Takot na baka mapahamak ko na naman sila. I'm not allowed to get out of here after all. Akma na sana akong babalik sa loob nang mahagip ko ang pinag-uusapan nila. "I failed her again, Mi," muli akong napalingon sa malungkot na likod ni Gene. "I wanted to protect her but everytime I do, mas lalo lang siyang napapahamak. I'm a failure as a father," hinagod ni Mimi ang likod ng kanyang asawa para i-comfort ito. Napaatras ako sa narinig. No, you're wrong, Gene. You're not the failure, I am! Hindi sana ganito ang takbo ng buhay mo kung wala ako rito, kung hindi mo ako kinupkop. You're a Beta! You're supposed to be the second in rank! You deserve their respect and adulation! Yet now your own father, a beta of his own, branded you as a disappointment. It's all my fault. Mine. "I should have done more for her. I want to give her everything she deserves and she deserves more than just acceptance from this family. She's..." Hindi ko pinakinggan pa ang mga sumunod niyang sinabi at tahimik na lang na isinara ang pinto. Saglit akong sumandal dito as I try to compose myself. This was not what I wanted for today. I just want the headmaster to finally see me as someone worthy of his name. But why is this so difficult to accomplish? Huminga ako nang malalim in the hopes that it would sooth my bothered mind. From this distance, napansin ko ang isang itim na grand piano. Luminga-linga muna ako sa paligid to make sure na walang ibang tao bago ko ito nilapitan. I lifted the keys' cover and lazily ran my fingers on them. The piano produced quiey sounds dahil sa aking ginawa. I looked at for a while longer bago ko napagpasyahang subukang patugtugin. Umupo ako sa silyang nasa harapan ng keys. Nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko nga o hindi. At kung itutuloy ko man, anong pyesa ang tutugtugin ko? 'Play Louise's favorite song, Arianne...' Biglang pumasok ang alaala ni Louise noong masyado na siyang mahina para tugtugin ito on her own. And I get to play her all sorts of pieces. Pero may isa talagang piece ang paboritong paborito niya. Iyon na ang tinugtug ko. Memories of my childhood came rushing to my head. Iyong pagpunta namin ni Louise sa lawa para mamingwit ng isda. Iyong pagturo niya sa akin kung papaano magburda. Iyong pagpipinta namin sa balcony ng mansion. Iyong mga pagkukwento niya tuwing gabi bago ako matulog. Ang simple lang buhay ko noon. True, I was constantly asking her for my parents, pero masaya ako sa mga panahong iyon. The only time I could remember being truly happy. Nang matapos na ang pyesa ay nagulantang ako nang may biglang pumalakpak at agad na hinanap ang pinanggalingan noon. It wasn't Gene, that's for sure. "Anong ginagawa mo rito?" Diretsahan kong tanong sa lalaking nakasuot ng puting kimono na may nakadesinyong mga itim na ibon. Nakasandal ito ngayon sa hamba ng pintuan at nakahalukipkip. "My name's Shun. Himamura Shun. But everyone calls by my english name, Sean," hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking kilay. I've read about his name on one of the families' files before. He's the heir to the Himamura pharmaceuticals and hospitals. "Did I ask for your name? I asked what you're doing here," Nakatayo na rin ako ngayon at naghalukipkip. "Bakit? Bawal na bang pumasok sa library ng bahay na ito? I thought this was one of the rooms we're free to use without permission?" Pa-cool na sagot nito. He was eyeing me like he's found something funny sa aking mukha. Kumunot lalo ang noo ko sa kanyang ginagawa. "I'm sorry but the library's been reserved right now as it serves as my prison cell until the final visitor bids his farewell," taas noo kong sagot rito. I just want him to go away and leave me alone. Where the heck is Gene at hinayaan niya lang makapasok ang isang ito?! Looking closely, he's actually not bad looking. May hitsura naman siya. Walang kapintasan in that department. Matangkad. Maputi. Matipuno ang pangangatawan. Bumagay din ang suot niyang kimono sa kanyang aura. Mukha siyang malinis at matino. Napansin niya siguro ang paninitig ko sapagkat napatingin ito sa kanyang sarili. "What? May marumi ba sa mukha ko? Sa damit ko?" Anito sabay hanap ng dumi sa kanyang suot. "Wala," tipid ko lang na sagot bago muling umupo at itunuon na lang paningin sa mga pyesa ng piano. Siguro naman ay mapapagod din iyan maya-maya at kusa na lang na aalis. Padarang akong tumugtog ng mga nota nang napatingala ako sa ngayon ay madilim ng kalangitan. Hindi ko namalayang gabi na pala. Marami rin bang makikitang mga bituin dito? 'If you see a falling star, close your eyes and make a wish! And then by the time you open your eyes, your wish will come true.' Bigla kong naalala laging kinikwento sa akin ni Louise noong mga panahong naniniwala pa ako kay sa Santa Claus at sa mga fairy tales. As I grew older, mas lalo kung napagtantong sa mga libro mo lang makikita ang mga ganoong storya. They can't happen in real life. Especially if you're living mine. "Why play sad notes?" Muli naman akong napapitlag nang magsalita si Himamura. This time, he's right in front of me, leaning his right elbow on the piano. "s**t! Pwede bang huwag kang manggugulat?!" Asik ko rito na kaagad kumunot ang noo. "Your language, my lady," pagpapaalala nito sa akin. "Today's an exemption kasi mainit ang ulo ko kaya ayaw ko na munang magpaka-lady," I said bago ako tumayo. Napasilip ako sa labas at dinungaw kung nagsilabasan na ba ang mga bituin. Oh, I think I saw a few! "Maybe," Pagkasabi noon ay muli ko siyang nilingon at nagtama ang aming mga mata. Saglit siyang natigilan at napaamang as he gazed upon my blue ones. Nang hindi pa rin siya umiimik ay ipinilig ko ang ulo sa isang banda at tinaasan siya ng kilay. That finally got his attention. He straightened his back as he looked away. Hindi nakawala sa akin ang pamumula ng kanyang leeg. Inisip ko na lang na baka may allergies siya sa mga silk na tela kagaya ng suot niya ngayon. Tumikhim muna siya bago niya ako muling binalingan. "Uh... I mean, given how you're dressed and the way you showcased your skills like a true swordsman. Who would have thought that you were also that elegant lady from a little while ago who gracefully entered the party and made her way to her seat?" He said. Ngayon, maging ang kanyang mga tainga ay namumula na rin! Kumunot ang noo ko sa nasaksihan. He could just change into something else kung allergic naman pala siya sa tela na iyan. Well, none of my business. Hindi ko siya sinagot at ipinagpatuloy ang ginagawa. I was thinking maybe I'd play a piece by Mozart. Napatingala uli ako sa madilim na kalangitan. Little Star perhaps? Nasa kalagitnaan ako ng pagtutugtog when I felt the cushion beside me moved. Kumunot muli ang noo ko sa nangyari. Napatigil ako't matalim na tinignan ang mapangahas na tumabi. Dumungaw lang ito at nginitian ako. Bigla namang naglitawan ang mga dimples nito on both sides of his cheeks. "Please continue. I just wanted to take a seat kasi kanina pa sumasakit ang mga binti ko," sabi nito pero hindi ako gumalaw at nagpatuloy lang sa aking paninitig sa kanya. Is this guy thick or what? Hindi niya ba maintindihan that I wanted to be left alone? O sadya lang talagang hindi siya marunong bumasa ng sitwasyon? Nawala ang ngiti nito nang mapansing hindi pa rin ako gumagalaw. Mataman niyang pinagmasdan ang aking mga mata. Ngunit ilang sandali lang ay nag-iwas siya ng tingin at dinungaw ang mga pyesa. "I can play some notes, too, kung pagod ka na," he said bago niya sinimulang tugtugin ang isa pang pyesa ni Mozart. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya at muli ko na lang tiningala ang kalangitan. I want to see the night sky. "Can you lie?" Bigla kong tanong sa katabi. Natigilan siya sa pagtugtog at ramdam ko ang kanyang paggalaw para harapin ako. Marahan ko siyang tinangala at muling tinanong. "Can you lie?" Pansin ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng kanyang bibig. "It depends on who's asking," sabi nito sabay halukipkip. "I am," walang pag-aalinlangan kong sabi habang mataman siyang tinitigan. Panandalian na naman siyang napatigil at napatitig sa aking mga mata. I saw how his black irises contracted and then relaxed in a matter of seconds. "May I ask why?" Tanong nito. Tinitigan ko siya sa mata. Bahagya siyang napaatras sa aking paninitig pero hindi tulad kanina, hindi na niya ito iniwasan. His eyes were soft and full of unspoken promises. Mapagkakatiwalaan ko ba ang isang ito? Puna ko ang pagpilig nito sa kanyang ulo, hinihintay ang aking isasagot. "Because I'm about to do something crazy and I want you to cover for me," diretso kong sabi nang while holding his gaze.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD