Kabanata 14

2075 Words
KABANATA 14 Something in his eyes flickered. Was that concern? Doubt? Fear? Ilang saglit lang ay bumuntong ito ng hininga. "And may I know what this something crazy is, my young lady?" Tanong nitong muli na may pagdududa sa tono ng boses. Kumunot ang noo ko sa kanyang inasta. Mali ba ang basa ko sa taong ito? Napansin siguro niya ang pagbabago ng ekspresyon ng aking mukha dahil kaagad naman niyang inayos ang kanyang sarili. "I want to see the stars," sambit ko rito. Napakurap siya nang ilang beses sa sagot ko na tila hindi makapaniwala. "If that's all you want, you can just walk through that door and go outside. That's not something someone would peg as crazy. That's pretty normal, my young lady," sabi nito habang tinititigan ako nang mga matang tila nahahabag. Lalo pang dumipena ang kunot sa aking noo. Is he sorry for me? Or does he think I'm too innocent to call stargazing 'crazy'? Maybe he thinks I'm too stupid? "That's not what I meant when I said I'd do something crazy," nagtatagis ang ngiping usal ko. Pinipigilan ko ang aking sarili na mainis at baka mailampaso ko ang mala-anghel na mukha nito. "Oh? Akala ko ba sabi mo you want to see the stars?" Tanong nito and I never felt so insulted. Iniinsulto nito ang aking pag-iisip. Ginagawa akong bata. "Yes, I do want to see the stars," tiim-bagang kong sabi, "But when I said I'd do something crazy, I meant this," walang seremonya ko siyang iniwanan at mabilis na tinalon ang isang nakabukas na bintana. "Lady Aya!" Narinig kong sigaw nito pero sa mga oras na iyon ay inaakyat ko na ang puno ng Sakura na katabi lang ng bintanang pinanggalingan ko. "Oh God, Ayana, please come down. That is dangerous. Baka masaktan ka!" Dinungaw ko siya mula sa aking pwesto. Nasa sanga ako ngayon na nasa boundary ng bakod ng estate kung saan mas makikita ko nang maayos ang mga bituin. Nakatingala sa may bintana ang ngayong namumutlang Himamura. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. Sinimangutan ko siya. "I don't remember ever giving you permission to call my name like that," I said as I gave him a sharp glare. "I'm sorry, my young lady. I won't do that again, just please, come back down. You don't have to climb up there just to see the stars. I'll ask Gene's permission to take you outside so you could see them. Please? It's not safe," pag-aalala nito. Hindi ko mapigilang matawa sa mga sinabi niya. "Were you really there when the commotion erupted? Kaya ako nakakulong sa library na iyan ay dahil ayaw nila akong palabasin hangga't may mga panauhin pa. Kahit ikaw pa ang tagapagmana ng angkan niyo, your words would be meaningless to a Beta of the Cross," maanghang kong sambit. I saw how he opened his mouth to say something but then realized na wala rin siyang maisasagot kaya itinikom niya na lang ito. He could only stare at me with eyes that reflected his helplessness. Bigla naman akong tinubuan ng konsensya sa kanyang ipinakita. Nag-iwas ako ng tingin at tumingala na lang sa langit. I was right. Kitang-kita rito ang mga bituin. It's just like North Carolina's night sky. "Huwag kang parang timang diyan. Sandali lang naman ako rito," sabi ko nang hindi inaalis ang paningin sa mga bituin. Alam kong nakatanaw pa rin siya kahit hindi siya nagsasalita. "At saka, sanay na akong umakyat sa mga puno," dagdag ko pa as I tried stepping further para mas malawak pang kalangitan ang aking mapagmamasdan. "Please be careful," mabilis akong napadungaw sa kanya nang marinig iyon. Something about his worried look tickled me at hindi ko napigilang matawa. "Ano ka ba? You're starting to sound like Gene. Okay nga lang ako," sabi ko as I took another step forward. "See? Hindi ako mahuhu..." Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil bigla na lang nabali ang sangang tinungtungan ko. "AYA!" Nakita ko pa kung paano nanlaki ang mga mata nito bago kami pinaghiwalay ng pader sa pagitan namin. The next thing I know, I fell on someone else's head. "What the f*ck?!" Napangiwi ang mukha ko sa sakit ng aking pagkakahulog. Medyo may kataasan ang punong iyon kaya sumakit talaga ang pwetan kong napaupo sa matigas na semento. Wait. I did fall on someone, right? "Ikaw na naman?!" Mabilis akong napatingala sa nagmamay-ari ng boses at ganun na lamang ang aking pagkabigla to see those pair of emerald eyes once again. He was scratching his head as he looked up to where I came from. Nakanguso na siya nang dinungaw niya akong muli. "Bakit ba sa tuwing nagkikita tayo palaging pabagsak ang entrance mo? Ano iyon? Trip mo sa buhay?" Sunud-sunod nitong tanong na nagpangiwi sa mukha ko. Kung makapagsalita para bang ginusto kong siya ang laging nasa sa paanan ng babagsakan ko. Buti sana kung sinasalo niya ako every time, hindi naman. "Hoy! Sumagot ka nga!" Napapitlag ako sa lakas ng sigaw niya. "What are you doing here?" Kunot-noo kong tanong habang pinagmamasdan ko siyang minamasahe ang siguro'y natamaan niyang leeg. Tinaasan niya lang ako ng kilay sabay hagod ng tingin sa aking kabuuan. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito? At bakit ganyan ang suot mo? Cosplay?" Napatingin ako sa suot kong Samurai attire at napanguso sa sinabi nito. Cosplay? Really? "I asked you first," sabi ko na lang saka sinubukang tumayo. I did some self-check first. Medyo masakit ang balakang ko at mahapdi ang kamay. But other than that, wala na. No broken bones. "Anong you asked me first? Tinanong kita kanina, hindi mo sinagot. Instead, tinanong mo rin ako... Teka nga, nililito mo lang ang usapan eh. Ano bang ginagawa mo roon?" Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niyang direksyon ng main house, "Mansyon iyan ng mga Cross, anong ginagawa mo roon? Isa ka ba sa mga bisita nila?" Hindi agad ako nakasagot. I contemplated if I should tell him the truth. "Aha! Siguro isa ka sa mga kinuha nila para magperform ng isang kendo performance," pagko-conclude nito kahit hindi pa ako sumasagot. Hindi na lang ako umimik. "O, ba't hindi ka naman sumasagot? Tama ba? Tama ako, hindi ba?" He asked, his eyes were playful. I've never thought that eyes could be beautiful like that. "Hoy!" Napapikit ako sa pagkagulat. "Pwede ba? Kung maka-hoy ka naman..." Angal ko habang pinapagpagan na ngayon ang mga alikabok sa damit ko. "Eh, hindi ka naman kasi nagsasalita. Nababakla ka na naman katititig sa mukha ko," napabaling ako sa kanya at napaawang ang bibig sa narinig. Nang makabawi ako ay simangot agad ang namuo sa aking mukha habang matalim ko siyang pinagmamasdan. Kasalukuyan niyang sinusuklay ang kanyang medyo magulong buhok gamit ang kanyang mga daliri. "Bakla ka diyan. Putulin ko iyang p*********i mo nang makita mo!" Asik ko sa kanyang namilog kaagad ang mga mata. "Grabe nito, o! Hindi man lang mabiro! At talagang sa lahat ng ipananakot mo, ang pagputol pa talaga sa alaga ko ang napili mo?!" Anito sabay hawak sa banda kung saan nakapwesto ang kanya. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at hindi niya naman iyon pinalagpas. "Kung makaiwas ng tingin parang wala ka nito," agad akong napakisnot sa narinig. Eh sa wala naman talaga! Kung pwede nga lang, matagal ko na sanang pinakabitan itong sa akin. But even that wouldn't be enough. "E, ano naman ang ginagawa mo rito?" Pag-iiba ko ng usapan. Agad naman siyang napalabi at nag-iwas ng tingin. Kumunot ang noo ko sa kanyang inasta. I stood on one foot at naghalukipkip habang hinihintay ang kanyang isasagot. "Hoy!" Tawag ko rito na siyang nagpapitlag sa kanya. "Kung maka-hoy ka rin parang hindi mo ako kilala, ah!" asik nito habang pinanlilisikan ako ng mata. Nanlilisik ang mga ito pero wala akong maramdamang galit mula rito. "E, hindi ka rin naman kasi sumasagot," pagdadahilan ko na lang pero ang totoo niyan ay gusto ko lang talagang makabawi sa pagho-hoy niya kanina sa akin, "Siguro akyat-bahay gang kayo, ano?" Nanlaki ang mga mata nito sa huli kong sinabi. "Anong akyat-bahay? Kasasabi ko lang sa iyo kahapon, hindi ba? Marangal ang grupo namin..." Bigla na lang siyang natigilan sa kalagitnaa ng kanyang pagsasalita na tila ba'y may naalala. Ilang sandali pa ay mabilis siyang napatingin sa akin. His eyes were hinting some mischief. Napanguso na lang ako sa napuna. "That's right," bigla nitong usal, "Buti na lang pala at nakita kita," tumaas ang kilay ko sa narinig. Kani-kanina lang nagrereklamo dahil nabagsakan ko na naman siya. Ngayon, mabuti raw na nagkita kami? Masaya siya, ah? "Sumama ka sa akin." Wait, what? Nang hindi ako gumalaw, bumalik siya sa kinatatayuan ko. He grabbed my right hand and pulled me with him. Napadako ang tingin ko sa nakahawak niyang kamay at napangiwi nang may kakaibang bumulusok na tuwa sa puso ko. Teka, tuwa nga ba talaga iyon? Kaba? O baka naman takot? Takot? I knew I was missing something important that would definitely have something to do with fear. What was that? Napangiwi ako dahil wala akong maisip. Did I hit my head on the ground as I fell? Nahinto lang ang pag-alala ko nang bigla akong nabangga sa matigas na likod ng may hawak sa akin. Napalingon ito sa akin at kunot-noo akong tinitigan. "What?" I asked pero hindi niya ako sinagot. Instead, tinalikuran niya at tila may kinuha mula sa kung saan. Nang nakaharap na siya uli sa akin, isang helmet ang inilahad niya. Tinitigan ko lang iyon. "Kunin mo!" Sabay pabagsak na ibinagay sa akin. Hinawakan ko lang iyon at pinagmasdan siyang kumuha ng isa pa at isinuot iyon sa kanyang ulo. Matapos noon ay sumakay na siya sa nakapark na motor. "Anong gagawin ko rito?" I asked habang ipinapakita sa kanya iyong ibinigay niyang helmet. "Kainin mo," agad na kumunot ang noo ko sa kanyang sagot, "Alangan naman, hindi ba? Siyempre, suotin mo!" Dagdag nito bago pinaandar ang sinasakyang motor. "Why?" Hindi ko pa rin makuha kung bakit kailangan ko iyong suotin. Tiningnan niya ako saglit. He muttered strings of curses bago niya ako marahas na hinila patungo sa kanya. Kinuha niya ang helmet sa aking kamay at isinuot iyon sa aking ulo. Nang matapos siya'y tinapik pa niya ito bago dumungo para makita ang mukha ko. "Ang dami mong tanong, Senyorito. Sakay na!" Napaatras ako sa huli niyang binanggit. Sakay? He wants me to ride on his vehicle? Is that even safe? Hinagod ko ng tingin ang kabuuan ng kanyang behikulo. I've only riden horses before. Never a two-wheeled vehicle. Kahit bisikleta nga ay hindi ako marunong! "Ano pang hinihintay mo? Pasko? Sakay na!" "Are you serious?" Hindi ko napigilang itanong. "Mukha ba akong nakikipagbiruan sa iyo?" When he turned his eyes on me this time, bigla akong nabalot ng kakaibang lamig. And I know for sure it wasn't the wind. I looked at the vacant seat on his back at pinag-aralan kung paano uupo roon. He's positioned himself like he was riding a horse. Ganoon na lang din siguro ang gagawin ko. "Dali na!" Kumunot ang noo ko utos nito pero hindi na ako umangal. Sumakay na lang ako sa likod niya pero nalito rin kung saan ako kakapit. Naghahanap pa lang ako nang makakapitan nang bigla na lang mabilis na umusad ang sinasakyan namin. By instinct, agad akong kumapit sa baywang niya at napasandal na rin sa matigas niyang likod. "Kung makakapit ka, daig mo pa ang babae!" Narinig kong sigaw nito. Mabilis naman akong humiwalay at kaagad na pinagsisihan iyon dahil kamuntikan na akong tumilapon sa sasakyan. Mabuti na lang at maagap niyang nahawakan ang isa kong braso at hinila ako pabalik sa kanyang katawan. "You've never ridden a bike before?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango na lang ako at mas lalo pang kumapit after that horrifying experience. Dinig ko ang pagtawa nito sa aking isinagot. "Pambihira! Minsan na nga lang akong magpaangkas sa motor ko. Pero ngayon lang may kumapit sa akin nang ganito. Isang lalaki pa!" Tawa pa rin nito. Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Anong pa bang sasabihin ko? Umirap na lang ako sa kawalan. "Kumapit ka lang, Senyorito. Akong bahala sa iyo," natatawa pa nitong sabi sabay tapik sa nakakapit kong braso. Ilang sandali lang ay pinabilis pa niyang lalo ang aming takbo. Mas lalo akong napakapit sa kanya. At ang siraulong haring ito ay tawang-tawa pa talaga! Rekka, I'm sorry but I think this will be the end of me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD