Kabanata 15

1546 Words
KABANATA 15 "Anak ng..." Napamulat ako ng mata nang maramdaman ang biglaang paghinto namin. Kinalas ko agad ang mga braso ko sa bruto and thanked God I survived that horror! "Baba ka nga!" Medyo napapitlag ako sa tono ng kanyang pananalita. Parang siya pa itong galit dito, e, ako nga itong halos mamatay sa takot! Bumaba na lang din ako kaagad nang walang sabi-sabi. I was already swearing to all my forefathers not to ride a two-wheeled vehicle again nang marinig ka ang mga alon. Mabilis kong nilingon ang pinanggagalingan nito at agad namangha nang bumulaga sa harap ko ang karagatan. Maganda na ito noong dapit hapon ko siyang nasilayan, mas gumanda pa ito ngayon that it's reflecting the starry sky. "Wow..." I said as I marvelled on its beauty. "Hoy!" Muli akong napapitlag sa biglang pagtawag nitong bruto. Agad ko siyang tinapunan ng masamang tingin. "Ano bang problema mo't kanina ka pa sigaw ng sigaw?" Asik ko rito. Nakapamaywang ito ngayon at kunot-noong nakatingin sa akin. "Magsabi ka nga! Bakla ka ba?" Mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tanong nito. "Kasi kanina pa ako sinusundot-sundot niyang sandata mo! Umayos ka nga!" Agad na nawala ang simangot ko at kasabay noon ang pamimilog ng mga mata at pagkabagsak ng bunganga ko. "What?!" Hindi ko napigilang bulalas, "Anong 'sinusundot-sundot' ka diyan?!" Bulyaw ko pa rito sabay matapang na hinagod ng tingin ang pagmumukha nito. "And now you're denying it? Buong byahe ka nakadikit sa akin, pucha! Buong byahe iyan nakasundot sa akin!" Asik pa nito sabay turo niya sa gitna ng hita ko. Napatingin naman ako sa dakong iyon at nanlaki kaagad ang mga mata sa ibig nitong sabihin. Ibinalik ko ang paningin ko sa kanya and gave him a glare. Ang hayop naman ay biglang natawa. "Oo nga pala. May due process of the law pa dapat, hindi ba?" He said pero may nararamdaman akong hindi maganda sa pagkakasabi nito. Napaatras ako nang bigla siyang umusad patungo sa aking kinatatayuan. "You want proof?" He said with that mischievous grin on his face. Pagkatapos ay walang seremonya nitong dinukwat ang gitna ng hita ko. Mabuti na lang talaga mabilis ang kamay ko and I flyswatted his hand before he could even touch the edge of pants. Kaagad nitong hinaplos ang sariling kamay matapos ng aking ginawa. There's this surprised look on his face bago napalitan ng isang nanunuyang ngiti. "You're fast, kid. I like that. But what you did only proved that my accusation was correct," usal nito habang dahan-dahang lumalapit. Habang ginagawa niya iyon ay atras naman ako ng atras. Iniisip ko kung anong sundot-sundot ang tinutukoy niya nang may bigla akong naalala. Agad kong dinukot mula sa bulsa ko ang bagay na iyon. Nang mailabas ko na, nakompirma kong iyon nga ang sumusundot-sundot daw sa kanya – ang Sakura hairpin ko! I held the pin in one hand as I showed it to him with a smirk on my face. "Sinusundot? You mean this?" Kaagad namang naglaho iyong nanunuyang ngiti nito at napalitan ng simangot. Inilang hakbang niya lang ang distansya namin bago marahas na kinuha iyong pin na hawak ko. "Hey!" Angal ko sa ginawa nito. His forehead was creased as he closely inspected the pin bago ibinaling ang paningin sa akin. His green eyes were filled with curiousness. "Why the hell were you keeping this inside your pocket?!" Asik nito habang iwinawagayway iyong pin sa mukha ko, "Kaya pala ang sakit ng likod ko?? Tinutusok mo pala ako nito?!" Bulalas pa nito sabay hagod niya sa kanyang likod, doon sa parte ng baywang. Gusto kong matawa sa hitsura nitong kunot ang noo at nakanguso habang tinititigan iyong pin. But I bit the sides of the inside of my mouth para pigilan iyon. "Bakit? Anong akala mo sa alaga ko? Matulis?!" Parehong namilog ang aming mga mata sa aking sinabi. When he started laughing his ass off, I instantly regretted having said that term. I bit my lip as I tried not to make myself blush so hard. Nakapamulsa ako ngayon habang pinagmamasdan siya sa kanyang pagtawa. He was laughing so hard, hawak-hawak na niya ang kanyang tiyan kakatawa. Well, for what it's worth. He can't know I'm a girl. Siguradong iuuwi niya ako kaagad kapag nagkataon! And I still want to see the stars... smell the delicious scent of the ocean. "That was amazing, kid!" Sabi nito nang sa wakas ay tapos na siyang matawa. Abot tainga pa rin ang ngisi. His emeralds were seemingly gleaming in the dark. "I've learned a lot about you in just a few minutes of talking," bulalas nito. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Oh, really? Nang hindi ako umimik, nagtaas siya ng kamay at ipinakita ang kanyang hintuturo. "Una," he started, "hindi ka marunong sumakay ng motor. Pangalawa, palagi kang listo. And lastly," he paused as a grin spread on his face, "hindi ka bakla." "Marami na iyon?" Tanong ko na lang kasi wala akong ibang maisip. Paano ko naman dudugtungan iyong huli niyang sinabi? Tama naman siya. I'm not gay. I'm a girl. "More than one is plenty enough, senyorito," nakangiti pa rin nitong usal, "Sa akin na muna itong pansundot mo at baka sundutin mo naman ako! Matulis pa naman ito," sabi pa nito sabay kindat. Hindi na lang ako umimik. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at muling dinungaw iyong dagat. "Tara!" Napalingon ako sa kanyang papaalis na bulto. Iyon na ba iyon? Iuuwi niya na ba ako? Hindi ako gumalaw at hinayaan lang siyang lumayo. Luminga-linga siya sa kanyang likuran makalipas ang ilang sandali. When he saw that I was still rooted on my spot, napailing siya. Inilang hakbang niya lang ang distansiya namin at saka ako hinigit paalis doon. Gusto ko sanang umalma lalo na't patungo kami kung saan niya ipinark ang motor. Pero noong nilagpasan naming iyon at hindi pa rin kami tumitigil ay nagpatianud na lang ako. Napatingin-tingin ako sa aming dinadaanan at napuna na habang tumatagal ay padilim ito ng padilim at pakipot ng pakipot din. Bigla akong tinubuan ng kaba. Napatitig ako sa kamay niyang nakahawak sa aking braso. Wala naman siguro itong balak na patayin ako, ano? I shouldn't have let him take my pin away. Magagamit ko sana iyon pangtusok sa kanya kung saka-sakaling magtangka siya. Panandalian niya akong nilingon and I couldn't help but raise my brow at him. I should prepare myself for the worst, right? He's no ordinary man after all. "Watch your steps, Senyorito," sabi lang nito bago muling humarap sa kanyang dinaraanan. Hindi ko masyadong maintindihan kung bakit niya iyon sinabi hanggang sa marinig ko ang ingay ng bakal na nilalakaran na namin. Maya-maya pa ay huminto siya at inilagay ang kamay ko sa isang hawakan na bakal. "Masyadong matarik ang dadaanan natin. Humawak ka riyan dahil wala sa plano ko ang makipag-holding hands sa isang lalaki," kahit wala akong masyadong makita dahil sa dilim, alam kong lumalabas ngayon ang mapanuyang ngiti nito. "Bakit kasi walang ilaw ang daanan dito?" Reklamo ko habang dahan-dahang tinatahak iyong bakal na walkpath na hindi ko pa alam kung saan patungo. Pang-isahan lang ang daanang iyon at kung may kasalubong kami ay kailangang idikit namin ang aming katawan sa bakal na hawakan para makadaan ang isa. Mula rito, dinig ko ang mga alon ng dagat at may kalakasan din ang hampas ng hangin sa aking balat. "Wala na kasing pumupunta rito simula nang ipasara ang pagawaan kaya wala nang pakialam iyong munisipyo kung maayos pa ba iyong mga ilaw o hindi.  Okay lang rin naman kasi sanay na kaming ganito.  At saka, mas kita iyong mga bituin sa gabi kapag ganitong madilim," surprisingly his voice sounded calm na napatingala ako sa kanyang direksyon. He was serenely looking at the stars above us. Sinundan ko iyon ng tingin and I couldn't help but agree with him on this one. "Tara!" Sabi nito bago muling nagpatuloy sa paglalakad. I could see better now. Kailangan lang sanayin ang mga mata sa dilim. And when I did, napatingin ako sa aming dinadaan at bigla na lang binalutan ng lamig nang makita ang malalaking alon na walang patid ang paghampas sa dingding nitong katabi naming pampang. Inilipat ko ang aking paningin sa dinadaanan namin. I felt my blood left my face when I realized we're actually walking on top of the ocean?! On an old, rusty footbridge?! Mabilisan kong nilingon ang aking kasama na patuloy lang sa paglalakad like walking in this danger was the most normal thing in the world. Mabilis ko siyang sinundan even as I thought I felt the bridge swayed under my hurried steps. Nilingon ako noong kasama ko nang may kunot sa noo. "Huwag kang tumakbo! Gusto mo bang malapa ng mga pating sa dagat?" And I didn't think that my face could go any paler. But with what he just said, I think it just did. Napatingin siya sa aking mukha at napanguso na tila nagpipigil. Kaagad akong ginapangan ng inis. Niloloko lang yata ako nito! Nang bigla na lang siyang bumanghalit siya sa pagtawa ay nakumpirma ang duda ko. Bwesit! I was about to say something nang bigla kaming nakarinig ng kakaibang ungol. Maya-maya pa ay humihiyaw na iyong ungol kanina. Pareho kaming natigilan at sabay ding napatingin sa direksyon noong ingay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD