Kabanata 16

1947 Words
KABANATA 16 "Ay, pucha!" Dinig kong utas ng kasama ko. Nakarinig ako ng mga nagsinghapan matapos ay sumunod ang tunog ng mga kaluskus. Narinig ko pang binanggit noong  lalaki ang titulo nitong nasa harapan ko. Sisilip na sana ako para malaman kung ano iyon pero mabilis niya namang tinakpan ang aking mga mata. Umangal ako pero mahigpit ang pagkakatakip niya. I can't even move his hand off me! "Wala na ba kayong ibang lugar na maisip para gawin iyan?! Mukha bang kama itong daanan?!" galit na bulyaw nito. "What? What's happening? Could you just take your hands off?! I want to know what's happening," asik ko rito as I kept on trying to take his hand off my face pero hindi ko pa rin magawa. "Tumigil ka! Masyado ka pang bata para makakita ng horror movie!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Horror movie? Bakit? May kagatan bang nangyayari? "Sorry, King. Nadala lang kami ng gerpren ko sa ganda ng tanawin," ipinilig ko ang aking ulo nang marinig ang sagot noong lalaki. Gerpren? Nadala? It doesn't take a cow to realize what just transpired a while ago. Napaamang na lamang ang bibig ko sa napagtanto. "s**t! You were having s*x out here?!" Hindi ko napigilang ibulalas. Kaagad naman akong nakaramdam ng tampal sa aking bunganga. What the heck?! "Bunganga mo! Kay bata-bata mo pa..." napanguso ako sa saway nito. "Ano pang tinatayo-tayo niyo riyan?! Malis na kayo! Doon kayo sa may talahiban kung gusto niyo!" Asik naman nito sa dalawa pang naroon. Ilang saglit pa'y naramdaman ko ang paghapit nito sa aking katawan at pagkakuwan ay idinikit sa katawan niya. Kumunot ang noo ko sa kanyang ginawa at pagsasalitaan na sana siya. Pero nang napagtanto kong ginawa niya iyon para makadaan iyong dalawa ay itinikom ko na lang ang bibig ko. Pagkadaan noong dalawa ay ibinaba na niya kaagad ang kamay niyang nakatakip sa mata ko. I was adjusting my eyes to my surroundings when I saw him staring intently at me. Kunot ang kanyang ulo at nakapamaywang ang mga kamay. "Saan mo nakuha iyong salitang iyon?" His voice was calm but his eyes were saying otherwise. Ano bang ikinagagalit nito sa sinabi ko? Hindi naman iyon uncommon sa mga librong nababasa ko sa America. "May mali ba sa sinabi ko? They were really doing it, right? Hindi ko lang na—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla niya akong sinapak. Nanlaki ang mata ko sa natamo. "Ang punto roon, bakit alam mo iyon? Ilang taon ka pa nga lang nanonood ka na ng p**n?! Mag-aral ka muna!" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "What the—p**n?!" Bulalas ko. "Unahin mo muna iyong pag-aaral bago iyang mga babae na iyan, naiintindihan mo?" Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. I was too dumbfounded to even think straight. "Tara na!" Tsaka lang ako nakakilos nang makitang malayo na siya sa akin. Ilang lakaran pa ang ginawa namin bago narating ang pinakadulo noong footbridge na iyon. Isang abandunadong gusali ang tumambad sa aking paningin. May konting parte roon ang may mga ilaw pa naman. Iginala ko ang aking paningin sa palibot ng gusali. I was surprised to find a number of topless boys gathering on different corners of the place! May nagkukwentuhan at nagtatawanan. Iyong iba ay tahimik lang na naglalaro ng isang board game na imbes na chess pieces ang gagamitin ay mga tansan ang ginagamit nila. May ibang nagtutulakan at naghahamonan. May nakita pa akong nagsisibak ng kahoy. Mayroon ding may nagbubuhat ng mga baldeng may tubig. What the heck is this place? "King!" Sigaw noong isang naglalaro ng board game sabay tayo. Tumilapon pa tuloy iyong mga tansang nilalaro nila sa biglang pagtayo nito. Napatigil ang lahat at napalingon kaagad sa aming direksyon. Mabilis na lumapit iyong tumawag sa kasama ko at panandaliang tumingin sa akin bago hinarap ang hari nila. "Napaaga yata ang balik mo. Akala ko ba matatagalan ka?" Tanong nito sabay sulyap muli sa akin. "Sina Jepoy?" Tanong lang nitong kasama kong hindi man lang sinagot ang tanong noong kausap niya. Ngumuso iyong lalaki sa direksyon ng isang maliit na gusali. "Nandoon pa rin. Ginagawa iyong inutos mo," usal pa nito at muli na namang sumulyap sa akin, "Eto ba iyon?" Tanong nito na may anghang sa tono nito. Nilingon ako nitong hari nila pero mabilis namang binalikan ng tingin iyong kausap. "Puntahan ko lang," sabi nito nang hindi na naman sinasagot ang tanong ng kausap. Wala na namang pasabi nitong hinigit ang braso ko at inilayo na roon. Maraming tumatawag sa kanya ngunit tango lang ang sagot niya sa mga ito. Dire-diretso kami sa gusaling itinuro noong lalaki kanina. Pagkapasok pa lang, inatake kaagad noong pamilyar na amoy ang ilong ko. Ito iyong naamoy ko noong una kong nakasalamuha iyong mga tauhan nitong may hawak sa akin. Tatlong tumatawang lalaki ang tumambad sa amin na agad na napapitlag at umayos nang makita ang hari nila. Nang tinitigan ko sila isa-isa, tsaka ko lang sila namukhaan. Sila iyong tatlong pumaligid sa akin doon sa dalampasigan. "K-king..." Usal noong isang lalaki as he eyed me nervously. Ganoon din ang ginawa noong dalawa pa. Napataas ang kilay ko sa inasal ng mga ito. O, asan na ang mga tapang nito? Napadako ang tingin ko sa kanilang ginagawa. Nakapaligid sila sa isang maliit na lamesa. May mga tupperwares doon na may mga lamang parang mga pulbo. Mayroon ding mga cellophanes na may iba't ibang kulay. Nag-angat ako ng tingin at nahuli ko ang isa sa kanila na may mabilis na itinago sa likod nito. What the—Are they cooking drugs here?! Mabilis kong nilingon iyong kasama kong lumapit sa lamesa at isinawsaw ang hinliliit nito sa isang maliit na pirasong cellophane na may nakalagay ng polbo. Namilog ang mga mata ko nang bigla nitong isinubo iyong polbong iyon sa kanyang bunganga. "Hmm... kulang pa sa lasa pero pwede na rin. Si Jepoy?" Anito sa mga tauhang sabay-sabay namang itinuro ang isang pintuan katapat lang ng lamesa nila. "Niluluto niya pa iyong panghuling batch, King," sagot noong isang lalaking sa alaala ko'y sumapak sa akin ng dalawang beses. Napaawang pang lalo ang bibig nang tumango-tango iyong hari nila na ngayon ay nakapamaywang na pinagmamasdan iyong mga polbo sa lamesa. "Tawagin mo muna. May sasabihin ako," utos nito. Sinulyapan pa ako sandali noong inutusan niya bago nito tinungo iyong pinto. "Jep, nandito si King. Labas ka raw," anito matapos kumatok nang tatlong beses. "King?!" Narinig naming bulalas noong nasa kabila ng pintuan. Sumunod doon ang mga kalampugan ng mga gamit sa loob ng silid na iyon. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan at iniluwa nito iyong mukha noong lalaki humarang sa akin. Malaki ang ngisi ng mukha nitong napuno ng polbo. Pero agad ding nawala iyon at bahagya siyang napaatras nang dumako ang paningin niya sa akin. "K-king?" Kinakabahan nitong sambit habang pabalik-balik na sumusulyap sa akin. "Namumukhaan niyo ba itong kasama ko ngayon?" Panimula noong hari. Isa-isa namang nagsitanguhan ang mga lalaki doong kanya-kanya rin ang iwas ng tingin sa akin. "Siguro naman hindi ko na kayo kailangan pang sabihan kung anong dapat niyong gawin," sabi nito sabay halukipkip. Nagsitinginan iyong mga lalaki bago sumulyap sa kanilang hari. Iyong nagngangalang Jepoy ang unang nagsalita. "A-ah... pasensiya na, bata, at napagtripan ka namin," kamot-ulo nitong sabi at hindi makatingin ng diretso sa akin. Tumaas ang kilay ko sa sagot nito. Napagtripan pa talaga? "A-ano, k-kasi... k-kuan—" "Ang totoo niyan naospital iyong kapatid ni Kulas," biglang sabi noong hari nila. Napatingin ako sa kanya dahil doon. He was eyeing the guy who was about to say something. Napadungo naman kaagad iyong apat. "Sino si Kulas? At bakit naospital iyong kapatid niya?" Napatingin silang lahat sa akin. Iyong apat ay panandaliang nagulat bago nagsitinginan sa isa't isa. "Iyong lalaking lumapit sa atin kanina?" Sagot noong hari nila nang hindi ako nililingon. "Hmm... alin doon? Iyong may ka—" Hindi ko natapos kasi pinandilatan kaagad ako noong kumag. "Iyong sumalubong sa atin sa labas!" Kaagad nitong bulyaw, "Kapag nagsabi ka pa, sisilihan ko na iyang bunganga mo!" Asik nito at kunot-noo ko siyang nginusuhan. "W-wala—" Napalingon ako sa biglang nagsalita at nalamang si Jepoy iyon, "Wala kasing pambayad silang ipambabayad sa ospital kaya tinutulungan naming siyang makalikom ng pera," sabi nito nang hindi tumitingin sa akin. "Noong araw na iyon, kailangan ng kapatid niya ang gamut kaya lang kulang-kulang na ang pera ni Kulas. Naubos na naming ang lahat ng polboron—" Hindi ko na nasundan pa ang sinabi noong isang lalaki roon nang marinig iyong huling salita. "P-polboron?" Nasambit ko sabay tingin sa polbong nakakalat sa lamesa at sa mga mukha ng apat na lalaking naroon. "Oo, polboron. Binebenta namin sa paaralan. Lagi nga kaming naso-sold out kasi laging hinahanap ng mga estudyante lalo na sa LJU," sagot naman noong isang lalaki sabay kuha ng isang sample ng kanilang kakagawang produkto. "Polboron lang pala..." Bulong ko pero narinig pa rin pala noong hari-harian dito. Hinarap niya ako nang nakakunot ang noo at nakapamaywang. "Bakit? Ano ba sa akala mo ang binebenta namin?" His eyes were blazing this time. Iyong  mga tauhan niya naman ay napatingin na rin sa akin. Napansin ko pang pinunasan noong Jepoy iyong kamay niya gamit ang suot na apron. Iyong iba ay naghalukipkip lang at naghihintay ng aking isasagot. Pakiramdam ko isa akong usa na napunta sa den ng mga leon. Napalunok na lang ako habang pinag-iisipan kung sasabihin ko ang totoo. "W-wala. Naisip ko lang kasi na kung polboron lang ang binebenta nila siguradong kukulangin iyong si Kulas. Hindi ba't mura lang naman ang benta niyan kada isa?" Pagdadahilan ko na lang pero hindi pa rin nawala ang pagdududa sa titig nitong hari nila. Mabuti na lang at nagsitawanan iyong mga tauhan niya kaya nakahanap ako ng dahilan para iwasan ang kanyang mga titig. "Ano... depende sa bibili. Kung chicks, siyempre discounted. May kasama pang free hugs and kisses," sabi noong Jepoy sabay tawa. Sumabay din naman iyong tatlo pa sa kanya. Sinubukan kong makisabay na rin para hindi awkward lalo na't hindi pa rin nawawala ang paninitig nitong isa sa akin. Free hugs and kisses pa talaga? Parang dehado ata iyong bibili sa mga hitsura nito. "Pero may kasalanan pa rin kayo sa batang ito," biglang sabi noong hari na nagpatahimik at nagpayuko uli sa apat. "S-sorry," Isa-isa nilang hingi ng paumanhin nang hindi tumitingin sa akin dahil sa hiya. "Hindi sapat ang mga sorry niyo. Kailangan niyong magtanda. Ilang beses ko na bang sinasabi na hindi sagot sa kahirapan ang pag-aalipusta sa kapwa?" Usal ng hari sa kanyang mga taong nakatingin lamang sa kanilang mga paa. "Hoy ikaw!" Halos mapatalon ako sa biglang pagtawag sa akin noong kumag. Sinamangutan ko siya. "Hindi 'hoy' ang pangalan ko. Tsaka hindi rin ako bingi kaya hindi na kailangang sigawan," sagot ko rito at pansin ko ang agad na pagtitinginan ng apat pang naroon. Hindi siguro sila sanay na makitang may sumasagot-sagot sa hari nila. Ipinilig lang nito ang kanyang ulo at napakagat sa kanyang labi habang mataman akong tinitigan. "O, ba't hindi mo subukang sabihin? Kanina pa tayo magkasama ni hindi mo man lang naisipang magpakilala," anito sabay halukipkip. Hari-harian talaga. "Tinanong mo ba?" Matapang kong tanong sa kanya. Umangat ng konti ang isang sulok ng kanyang labi at saglit itong napailing bago ibinalik ang kanyang naghahamong mga titig sa akin. Isang malamig na hangin ang gumapang sa aking batok when I saw that same dangerous blaze in his eyes. "Anong pangalan mo?" Malamig na tanong nito and now I'm not so sure if I want to give him my real name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD