Kabanata 17

1886 Words
KABANATA 17 "Anong pangalan mo?! Tinanong na kita, sumagot ka!" Nakita ko mula sa gilid ng aking mata na napatalon sa gulat iyong apat niyang tauhan. Nakipagsukatan pa ako ng titig dito bago ako nagbaba ng tingin. Nasa teritoryo niya ako. He's the king here. Naturally, I should obey. "A-aya—" I answered in a small voice. "Ano?!" Bulyaw nito na nagpapitlag sa akin. "Aya—" Pag-uulit ko in a louder voice. "Ian?" Napatingin ako sa kanya when I thought I misheard him, "So you're Ian. I'm Reign," turo niya sa kanyang sarili, "Jepoy, Kaloy, Nonoy at Mikoy," pakilala niya naman sa mga lalaking naroon, pointing his finger at them in the process. Tinguhan naman nila ako isa-isa habang pinapakilala ng kanilang hari. "O, magkakakilala na tayo. Kung hindi pa sapat sa iyo ang paumanhin nila, pwede mong gawin sa kanila kung anong gusto mo. Malaki-laki rin ang atraso nila sa iyo," anito and almost immediately ay nag-angalan iyong mga lalaki. Isa-isa ko ngayon silang hinarap at nagsiatrasan naman kaagad sa aking ginawa. Nakahalukipkip lang sa aking tabi iyong hari nila. "Magkaibigan na naman tayo ngayon, hindi ba, Ian? Peace na lang, sige na?" Sabi noong lalaking nagngangalang Kaloy. Siya iyong nakahawak sa kaliwang braso ko. "Babawi na lang kami sa iyo. Kahit anong ipag-utos mo, gagawin namin!" Sabi pa noong Mikoy, iyong humawak naman sa kanang braso ko. "Pagsisilbihan ka namin, promise. Huwag mo lang kaming dakmalin uli. Ang sakit pa ng panga ko sa sipa mo, eh," napanguso ako sa huling sinabi noong Nonoy. "Ipagluluto kita ng polboron buong buhay mo kahit nakakangawit sa braso ang paghahalo nito. Titiisin ko iyon, patawarin mo lang ako," halos maiyak nang sabi ni Jepoy. Doon na ako natawa talaga. Peste. Lifetime stock pa talaga ng polboron! Pansin ko ang pagtitinginan nilang lahat. Iyong iba ay napaawang ang bibig sa nakita. Nakalas din ang pagkakahalukipkip ni Reign at napatitig sa akin. Huminto na rin ako dahil doon at inayos ang sarili. Medyo gulat pa rin ang nasa mga mukha ng mga tao roon nang nagsalita ako. "Okay na. Napatawad ko na kayo. Nasapak ko naman kayong lahat noong araw na iyon kaya wala na kayong atraso sa akin," nakahinga silang apat nang maluwag nang marinig ang aking sinabi. "Salamat, Ian. Friends?" usal ni Jepoy na naglalahad ng kamay na puno ng polbo. Tinitigan ko muna iyon saglit bago inabot at nakipagkamay. Isang malapad na ngiti ang ipinakita nito matapos noon. Sumunod naman iyong tatlo pa at nakipagkamayan din. Ang ending, napuno sa polboron ang kamay ko pero okay lang. I've gained friends after all. "So okay na, ha? Magkakabati na kayo?" Nilingon namin ang ngayon ay nakangiting Reign, "Huwag niyo na iyon uulitin, Jepoy. Kung may problema sa pera, sabihan niyo ako. Ako ang gagawa ng paraan para riyan," anito at nagsitanguan naman iyong apat. Okay na sana kaya lang may bigla akong naalala. Sinikmura nga pala ako nitong hari nila at inilibing ng buhay sa buhangin. He made his men say sorry to me but I haven't received any apology from this king yet! "Actually," tawag pansin ko sa kanila bago ko nilapitan si Reign. Nakatingin siya sa akin ng diretso at nakataas ang kilay. Tingin pa lang tinatanong na kung anong kailangan ko. "May isa pa ditong may atraso sa akin," matapang kong sabi rito. Pansin kong nagsitinginan sa isa't isa at may bahid ng pag-aalala ang mga mukha noong apat nitong mga tauhan. Ipinilig ni Reign ang kanyang ulo sa kabilang banda habang nakadungaw sa akin. "Tauhan ko rin ba iyan? Sino? Nasa labas ba? Nakita mo?" Sunud-sunod nitong tanong at akma pang lalabas kung hindi ko lang siya pinigilan. Napatingin muna ito sa kamay kong nakahawak sa kanyang braso bago nito itinuon ang mga mata sa aking mukha. "Ano?" Tanong nitong nakakunot ang noo. Lumapit pa ako sa kanya. Bahagya naman siyang napaatras sa aking ginawa. "Ano? Ibubulong mo na lang? Sige, sino ba?" agad naman nitong inilapit ang kanyang tainga sa aking bibig. Napangisi na lang ako sa kanyang ginawa. This made it a lot easier for me. Yes, vengeance is sweet. "Ikaw," sabi ko sabay bigay sa kanya nang isang malakas na suntok sa sikmura. Kaagad na nagsilapitan ang mga tauhan niya sa nasaksihan. Pero ang ipinagtataka ko ay wala man lang humila sa akin papalayo upang daluhan ang kanilang hari. Tiningala ko ang mukha niya and was surprised na nakatingin lang siya sa akin. No anger in his eyes. Wala ring bakas na nasaktan ko siya. "Kulang pa ng power, Ian. That punch was too soft," anito at bago kinuha ang kamay ko't inilagay sa parte ng sikmura niya, "You have to hit here. Hard." Mabilis ko itong binawi at agad na dumistansya. Sinulyapan ko sina Jepoy para malaman kung naghahanda na ba silang resbakan ako. Pero nakahalukipkip lang ang mga itong nakatanaw sa amin na parang balewala lang sa kanila iyong nangyari. I've just punched their king for goodness' sake! "If you're aiming for a knockout, dapat mas malakas pa roon ang itatama mo. Sa ganoong distansiya at hindi mo napatulog iyong kalaban mo, sa nipis mong iyan, mababali ka," napabaling muli ang tingin ko sa kanya. Nagsitanguan lang ang mga tauhan niya na tila nagbibigay lang siya ng isang lecture. What the heck! "Uh..." I'm out of words, damn it! Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang siyang lumapit sa akin. I thought he was going to show me how it's done pero hindi iyon nangyari. Instead, inakbayan niya ako saka hinarap iyong mga tauhan niya. "O, iwanan na namin kayo," usal nito dito, "Ayusin niyo iyan para hindi tayo mawalan ng customer," sabi pa nito bago ako iginiya palabas doon. Kinabahan ako nang nakalabas na kami pero hindi pa rin siya umiimik. Tinapangan ko ang aking sarili at saglit siyang sinilip. Naabutan ko siyang nakadungaw sa akin nang may simangot sa mukha. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at nagkunwari na tinatanaw ang iba pang bahagi ng kanilang lugar. Should I say sorry for what I did? I'm even insulted that my hit didn't hurt him. And besides, siya ang may atraso sa akin in the first place. Bumawi lang ako. Pero may parte sa isipan ko ang nagtutulak na dapat akong humingi ng tawad. He took the effort of bringing me here so his men could apologize for what they did after all. Pinangaralan pa niya ang mga ito like what a good leader should do. I sighed in defeat. "Ano—" I began to say. "Hmmm?" Anito sabay dungaw uli sa akin. "I—" Sasabihin ko na sana kaya lang may biglang sumigaw. "King!" Pareho kaming napalingon sa tumatawag sa kanya. It was that same guy na lumapit sa amin kanina pagkarating namin dito. Siya yata iyong tinatawag nilang Kulas. Humahangos pa ito nang makalapit sa aming kinatatayuan. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalitang muli. "Huwag niyo ng parusahan pa sina Jepoy, King. Ako na lang ang tatanggap ng parusa kahit ano pa iyan. Tutal ako naman ang dahilan kung bakit nila iyon nagawa. Gusto lang nila akong tulungan," he said in one breath. His posture and gaze were sincere habang kaharap ang kanilang hari. Napasulyap naman ako sa seryoso ring mukha ni Reign. This is the kind of authority that I want to possess; the kind of strength that will be respected by men. If I have this, surely, my family would come to finally acknowledge me. Napapitlag na lang ako from my deep thoughts nang bigla akong hinawakan sa magkabilang braso nitong si Kulas. "Boy, huwag mo naman silang idemanda. Pakiusap. Nagawa lang naman nila iyon kasi gipit na gipit na kami ng pamilya ko. Pero mababait naman talaga ang mga iyon. Adik sa polboron pero mababait pa rin. Maawa ka sana," his eyes were full of concern for his comrades. I opened my mouth to say something kaya lang biglang inakbayan ni Reign si Kulas at inilayo ito sa akin. "Huli ka na sa balita, Kulas," nakangising asong sabi ni nito bago ako tinignan, "Napatawad na sila ni Ian. Magkaibigan na nga sila ngayon," dagdag pa nito. May kung ano sa salitang 'kaibigan' ang kumukurot sa puso ko. Maybe because in my world, people would rather choose to stay away than be anywhere near me. No one wouldn't want anything to do with the cursed one after all. "Di ba, Ian?" Nagtama ang paningin naming dalawa nang nilingon ko siya. Tumango na lang ako at inilipat ang paningin ko sa katabi niya. May kung ano sa mga mata niya ang parang gumigiba sa mga itinatag kong mga pader. Na para bang isang tingin niya lang, malalaman na niya kaagad ang mga tinatago ko. Ganito ba ang epekto ng isang taong ipinanganak para mamuno? "Talaga?" Nanlalaki at naluluha ang mga matang usal ni Kulas. Nginitian ko siya't tinanguhan uli. "Wala iyon. Hindi naman ako masyadong nasaktan," sabi ko at biglang naalala iyong pagkakalibing ko sa buhangin, "Muntik lang akong nailibing ng buhay," dagdag ko pa bilang parinig sa taong may atraso sa akin pero kinalimutan lang at ipinunas lahat ng kasalanan sa mga tauhan niya. Nasuntok ko nga kanina, hindi naman tinablan. Ako pa itong na-guilty sa huli. Nakaawang ang bibig ng dalawa nang masulyapan ko. Unang naka-recover ay si Kulas. Tumikhim muna ito at nagkamot ng batok bago nagsalita. "Pasensiya na talaga, Ian. At salamat uli. Basta 'pag may kailangan ka, hanapin mo kami sa may dalampasigan o hindi kaya sa Asteria Mangoes—" Nang banggitin niya iyon, bigla na lang kumalam ang tiyan ko. Napatingin silang dalawa roon and God knows how much I wanted the ground to just swallow me whole. Hindi ako umimik at pinagsikapan kong manatiling parang hindi apektado ang ekspresyon ng aking mukha. Agad namang napatingin sa mukha ko si Reign. He probably wanted to ask the obvious with that knowing smirk plastered on his face. I was ready to deny his silent accusation but my stomach decided to have a mind of its own and go on with the rumbling. Sabay na namang dumako roon ang mga paningin noong dalawa. Nagtinginan pa sila bago nila ako binalingan ng pansin. Ilang sandali lang ay hawak-hawak na nila ang kani-kanilang mga tiyan sa kakatawa. Damn it! Ganoon ba ako kagutom? Well, kung tutuusin, hindi pa ako nakakain simula noong inayusan nila ako sa bahay. And that would be around noon. Meaning, I've been starving since lunch! Sa dami ng mga nangyari, ngayon ko lang napansing gutom na pala ako. Napasinghap ako nang bigla na lang akong inakbayan ni Reign. "Kaya pala walang kalatuy-latoy iyong suntok mo kanina. Hindi ka pa pala kumakain?" Natatawa pa rin nitong sabi. Sandali ko siyang tinapunan ng masamang tingin bago ako ngumuso at tumitig sa kawalan habang patuloy pa rin sila sa pagtawa. "May makakain pa naman, King, kukuha lang ako nang makakain na itong si Ian," narinig kong sabi ni Kulas pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa pagsimangot dito. "Samahan na kita Kulas at paniguradong kukulangin ang isang kalderong kanin para rito kay Ian," usal naman nitong katabi ko. Kumunot pang lalo ang noo ko sa narinig. At sinong may sabing kaya kong umubos ng ganoon karaming kanin? Eh, hindi nga ako masyadong kumakain noon! I grew up with western ways after all!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD