KABANATA 18
"Umupo ka muna roon at hintayin mo ako," utos naman nito sa akin sabay turo sa isa sa mga benches na nakaharap sa dagat.
Ang sarap magrebelde pero sino naman ako para magreklamo gayong ako na nga itong pakakainin. Kaya walang imik ko na lang tinungo iyong bench na tinutukoy niya. Nagmamaktol pa akong lumapit doon pero nawala rin kaagad nang makita ko na ang tanawin.
Kitang-kita mula rito ang lawak ng karagatan. Tila nakikipagkompetensiya pa sa mga bituin ang ilaw ng mga pagawaan at mga bahay-bahay ng lungsod. Kita rin dito pati iyong tower noong mango farm. Kay gandang pagmasdan!
Pumikit ako at dinama ang lamig ng simoy ng hangin. Dinig pa rin mula rito iyong ragasa ng mga alon sa pader ng pampang. Nang muli akong nagmulat, tumingala ako at pinagmasdan pang lalo iyong mga nagniningningang bituin. I couldn't help but be reminded of those times na kasama ko pa si Louise.
We would bring our flashlights and blankets and then set up a camp outside the mansion. We would look at the night sky and find as many constellations as we could. Paramihan kami noon. Kung sinong may pinakamarami had the rights to a bigger ration of our favourite ice cream. I would wonder if Louise's eyes were just too weak because I'd always win in the end.
I remembered this one particular camp night we had after she told me the story of the falling stars. Nakahiga kami sa blankets noon at naghahanap ng mahuhulog na bituin. I remembered how eager I was to find my first star so I would be able to make a wish.
"Will it really grant my wish?" I asked Louise without taking my eyes off the sky on the lookout for my star.
"Well, of course, baby girl. When you pour all your heart into that wish, your star will do everything in its power to grant that for you," she replied before she gently combed my hair with her fingers, "Why, baby girl? Do you have a wish in mind? Maybe Louise could grant it for you in case your star won't appear tonight," she added but I just shook my head to disagree.
"You can't grant my wish, Louise. Only my star could give it to me," I said with unbroken determination as I searched the night sky.
"Oh? What kind of wish might that be if I can't even grant it for you?" She asked with some sadness in her voice.
"If I tell you then it won't be granted," I grumbled for which she just laughed off.
That night, the star didn't come but I didn't stop searching even the nights after. I kept on hoping for it to finally appear. I remembered how Louise insisted that I tell her my wish seeing how desperate I was to make it. But I stood my ground and persisted until, finally, one night, it appeared!
I was so ecstatic, so happy I was jumping up and down. Louise was laughing seeing me with so much life after nights of nothing but disappointment.
"Make a wish," she hurriedly said.
I held my hands together and tightly closed my eyes as I finally made my wish.
I wished for my mama to come back, not for me, but for my papa. I wished for him to be able to smile from his heart again the way he did in the pictures when he was with mama. I wished him all the happiness that only being with mama could bring. That's why I wished for her to come back and save papa from his misery. Maybe then he would stop crying every night as he looked at her pictures.
I wished so hard that night. I wished with all my heart that the star would bring my mama back and make my papa happy.
And it did. I finally got to see that heartfelt smile he had in the pictures. It happened that night when papa went after mama... and left me behind. Forever.
May kung anong kumurot sa puso ko nang maalala ang mga iyon. Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ang lamig ng gabi. Napapitlag na lang ako nang may biglang nagsalita sa aking tabi.
"Ang lalim naman ng iniisip natin, a!"
Nakatayo si Reign sa tabi ko at may bitbit na mga paper plates ang bawat kamay.
Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makita nang maayos ang porma nito. Isang simpleng puting v-neck t-shirt na bakat sa kanyang katawan, blue jeans na ripped sa may kaliwang hita at simpleng rubber shoes lang suot nito pero ang lakas ng dating. Magulo ang natural na kulay tsokolateng buhok na tila laging bagong gising. Para siyang isang model ng vogue magazine Asteria edition. Cool!
"Nababakla ka na naman!" Napakurap ako sa biglang sinabi nito, "Umusog ka nga kasi kanina pa ako nangangawit dito," dagdag pa nito.
Kaagad naman akong umusog para makaupo siya. Sinulyapan niya pa ako bago niya isa-isang nilapag ang mga plato sa gitna namin. Hindi ko siya pinansin at sa mga pagkain ko na lang ipinukol ang aking paningin.
Napakurap-kurap ako nang walang makilala kahit alin man sa pagkain. May mga karneng nakatusok sa stick. Mayroon ding parang bulate. Tapos mayroon ding... paa ng manok ba iyon? Sa isang plato mayroon namang parang lumpia na mahahaba na may katabing sauce na hindi ko matukoy kung ano. Mayroon ding parang siomai na pinaliguan ng toyo, chilli sauce at kalamansi.
Bahagya akong napaatras nang bigla niya akong binagsakan ng limang malalaking nakahugis diamanteng bagay. Kumuha ako ng isa at tinitigan.
"Iyan ang tinatawag naming pusu dito o mas kilalang hanging rice sa ingles," napatingin ako sa gawi ng aking katabi at nakita siyang sinisimulan ng balatan iyong tinatawag niyang pusu.
"Puso?" I tried mimicking habang tinitignan pa ring iyong bagay na nasa kamay ko.
"Pusu. Maragsa dapat iyong pagkakasabi. Hindi puso. Pusu," pagtatama nito at nakita ko siyang dumampot noong nasa stick na parang bulate.
Napangiwi ako nang pagkatapos niya itong isawsaw sa toyo at sukang may sili ay walang seremonya niya itong kinain. Sinunod naman niya iyong pusu. Papasubo pa sana siya nang mapansin niya ang paninitig ko. Ibinaba niya iyong mga kamay niya at pagod akong tinignan.
"Kumain ka na. Hindi ko dinala itong mga ito para lang titigan mo. Hindi nakakabusog iyan," anito bago kinagatan iyong parang bulateng nasa stick at sinunod uli iyong pusu.
Nang maubos iyong parang bulate, kumuha naman siya noong parang lumpia. Isinawsaw niya sa katabing sawsawan nito bago kinagatan nang malaki. Tulad noong nauna, isinunod naman niya iyong pusu. Parang takam na takam pa siya habang kumakain. Hindi ko maiwasang mapalunok sa inggit.
Tumango ako at tinignan uli iyong mga nakahain. Binuksan ko iyong pusu bago ako kumuha ng isang plastic na tinidor at tinusok iyong parang siomai. Inilapit ko muna sa aking ilong upang maamoy. Amoy ng kalamansi kaagad ang nalanghap ko. Ramdam ko agad ang pamumuo ng aking laway sa takam.
Napalunok muna ako bago ko kinagatan iyong kakaibang siomai na iyon. Unang kagat pa lang, ang sarap na! Ginaya ko ang paraan ng pagkain ni Reign at isinunod iyong pusu. Hindi ko alam kung paano ko natiis iyong gutom pero hindi ko na mapigilan iyong sarili ko sa pagkain nitong mga kakaibang pagkain sa harap ko. Kamuntikan pa akong mabilaukan!
"Whoa... dahan-dahan sa pagkain! Hindi naman kita uubusan," natatawang usal ni Reign, "O, softdrinks mo," sabay abot nito ng isang bote ng maiiinom.
Sinamangutan ko siya pero kinuha ko rin iyong inaabot niya at agad uminom doon.
"Thanks," mahinang usal ko pagkatapos kong ilapag iyong bote sa may paanan ko.
"Kain ka pa," sabi lang nito habang kumukuha noong paa ng manok na nasa stick pa rin.
Napansin niya iyong paninitig ko sa hawak niya habang papakagat ito dito.
"Gusto mo?" Tanong niya.
"H-ha?" Bago pa ako makaalma, kinuha na niya iyong isa pang ganoong nasa plato at iniabot na niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon.
Tinitigan ko ng malapitan iyong paa ng manok. Iniisip kung ano pang nakakain dito gayong buto't balat ng naman ang meron nito.
"Sipain ka niyan kapag hindi mo kinain," napatingala ako sa sabi nito. Nakangisi siya habang pinapapak iyong paa ng manok na hawak niya. Isinunod pa rin niyang sinubo iyong pusu.
"Ano pang pwedeng kainin dito? Buto-buto lang naman ito di ba?" Sabi ko pagkatapos ay ibinalik sa plato iyong paa at kumuha noong karneng nasa stick.
Pero bago ko pa ito makuha, bigla niyang pinalo ang aking kamay. Napasimangot ako sa kanyang ginawa.
"Huwag kang maarte. Kainin mo kung anong nakahain. Ang dami-daming mga bata sa mundo ang namamatay sa gutom sa mga oras na ito. Magpasalamat ka na lang na may nakakain ka pa rin kahit paa lang iyan ng manok," mahabang litanya nito.
Dinampot ko na lang muli iyong paa ng manok.
"Hindi rin naman sila mabubusog kung kakainin ko ito," bulong ko sabay sawsaw ng hawak ko sa sawsawan.
"Anong sabi mo?" Asik ng katabi ko.
"Wala akong sinabi. Kumakain ako o," sarkastiko kong sagot sabay subo sa bibig noong paa.
Katulad ng inexpect ko, buto at balat nga lang ang meron. Nginunguya ko iyon at hindi ko alam kung lululunin ko ba o iluluwa. Sinulyapan ko ang mukha ng aking katabi at nakitang nakamasid siya sa aking pagnguya.
Baka kapag iniluwa ko ito, pagagalitan na naman ako. Nilulon ko na lang kahit masakit sa lalamunan.
"Nilulon mo?!" Napapitlag ako sa tanong niya.
Dinampot ko na muna iyong bote ng softdrinks at uminom doon bago ko siya hinarap. Humahagalpak na siya sa tawa ngayon.
"E, bakit mo pa pinakain sa akin kung iluluwa ko lang rin pala?" Asik ko sa tumatawa pa ring bulto nito.
"Kinakain nga iyon pero dapat niluluwa mo iyong buto! Maging aso nga alam na hindi nilulunok ang buto," tawa pa nito.
"Ibig mong sabihin, mas matalino pa sa akin iyong aso?" I felt so insulted to be compared to a dog.
"Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako," anito na tawang-tawa pa rin.
Nairita ako kaya sinuntok ko siya sa balikat. Bigla naman siyang natahimik at namilog ang mata niya sa ginawa ko.
"That's a strong punch, Ian. Buti na lang pala at wala kang lakas kanina, baka tulog pa rin hanggang ngayon mga bulate ko sa tiyan," sabi nito bago tumawa uli.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ibig niya bang sabihin, that punch still wasn't enough to knock him out? Inis kong tinignan iyong parang bulate na kinukuha niya ngayon.
"Kaninong bulate iyan kung ganoon?" I asked out of the blue.
Napatigil siya sa pagsubo at napatingin sa akin. Sinulyapan niya saglit iyong isusubo niya sana bago ngumiwi.
"Hindi bulate ito! Ang bastos mo talaga," sabi nito sabay lapag sa platong pinagkunan iyong kakainin niya sana.
"O, bakit mo isinauli? Akala ko ba maraming mga bata ngayon sa mundo ang namamatay sa gutom?" Panunuya ko rito.
Napamura siya nang malutong.
"O, bakit ka nagmumura sa harap ng pagkain?" Panunuya ko pa rin.
I couldn't stop the grin on my face nang makita siyang umiiling at dinadampot iyong parang bulate. Inis niya akong tinignan bago kinagatan iyong parang bulate. Napangiwi naman ako sa ginawa niya. Napangiwi naman siya sa ginawa ko bago iniluwa iyong kinain niya.
Hindi ko napigilang matawa sa nasaksihan. Hindi ko inakalang ang hari rito ay nandidiri rin pala sa mga bulate.
"Ang saya mo," inis pa rin nitong sambit matapos uminom ng softdrinks at makitang hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa.
Ilang sandali pa ay tumigil na rin ako. That was such a good laugh. I can't remember when the last time I laughed that much was.