Kabanata 19

1549 Words
KABANATA 19 "Okay ka na?" Nakangisi akong tumango sa inis pa ring mukha nito. Bahagya siyang napaamang habang nakatingin sa mukha ko. Nailangan ako kaya inayos ko na lang ang ekspresyon ng aking mukha. Narinig ko siyang tumikhim pero hindi ko na siya nilingon. Ipinagpatuloy ko na lang iyong pagkain ko. "Anong iniisip mo kanina?" Napalingon ako sa bigla niyang tanong. Kumakain na ito noong parang lumpia at nakatanaw sa tanawin sa aming harapan. "Alin doon?" Tanong ko sabay baling ng paningin sa dagat. "Before I got here with our food?" Sagot nito. He was referring to that time I was remembering my first wish, wasn't he? "Wala naman. May naalala lang," I simply answered. No need to give him details, right? That was all in the past after all. "Hmmm...." Narinig kong sambit nito. Sumunod ko namang narinig ang pag-inom niya ng softdrinks at pagbaba ng bote nito sa lupa. "Ang lungkot siguro ng naalala mo," hindi ko mapigilang mapatingin sa gawi niya. Inaayos na niya iyong pinagkainan namin. Nang mahuli niya ang paningin ko ay agad naman akong umiwas at ibinalik ito sa dagat. "P-paano mo naman nasabi?" Sabi ko na lang. "Para kasing gusto mong maiyak pero pinipigilan mo," napakuyom ako sa aking mga palad nang marinig iyon. Was I really that obvious? I thought na-master ko na ang art of being stoic. "Feel... my Princess. That's what we call living." Ani Rekka sa akin noon. "Kung anuman iyon, huwag mong sarilinin. Magkaibigan na tayo ngayon. You can tell me anything," napalingon muli ako sa gawi niya nang marinig iyon. He was looking at me already. His green eyes gleaming against the moonlight. It was full of concern yet there's that sadness in them too. Kaagad kong binawi ang aking paningin at itinuon ito sa mga bituin. Hindi ko maintindihan kung papaano unti-unting tinitibag ng mga matang iyon ang mga pader sa aking puso. Parang gusto ko siyang pagkatiwalaan. Parang gusto ko siyang papasukin doon. "You only know how to destroy those who are near you. You're nothing but a curse to those who gets near you. Get away." Iniling ko ang ulo ko to clear those thoughts at hindi maiwasang maramdaman na naman iyong pagkuyom ng aking puso. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. "Did you ever feel like..." I paused as I contemplated if I should tell him or not. "Hmmm?" He answered and then I heard him shift his position so he's probably facing me now. I don't know kasi nakaharap pa rin naman ako sa dagat. "Did you ever feel like you're not enough?" I asked in a whisper, "Ginawa mo na ang lahat pero kulang ka pa rin?" I asked, careful not to break my voice. Hindi siya nakasagot agad. Ilang ihip ng hangin ang lumipas pero tahimik pa rin siya. Maybe I shouldn't have asked him that. Maybe I shouldn't have— "Everyone feels that way, Ian. Habang humihinga tayo, may punto sa mga buhay nating naitatanong natin iyan sa sarili natin. 'Ano pa bang kulang?' 'Saan ako nagkamali?' 'Bakit pa ako nabuhay?'" Napasinghap ako sa huli niyang sinabi at napatingin sa gawi niya. His eyes were on the skies right now. They shone like how the stars would. Gusto kong tanggalin ang pagkakatitig ko rito but they're compelling me not to do so. Napasinghap ako muli nang bigla niyang ibaling ang mga ito sa akin. I hate how his eyes unravel my defences. But at the same time, I like how they stare at my blue ones. "Nakikita mo iyong mga batang iyon?" Bigla nitong usal at saka nilingon iyong direksyon ng isang grupo ng mga kalalakihang nagtatawanan habang gumagawa ng mga basahan at mga walis. Tumango ako para magpatuloy siya. "Ilan sa kanila ay palaboy na lamang sa kalye. May ilan diyan may mga magulang nga pero iresponsable naman. Iyong ilan pa nga diyan ay biktima ng pag-aabuso ng sarili nilang kadugo. Gustong makapag-aral pero hindi magawa kasi kailangan nilang magbanat ng buto para lang may makain," kwento nito as I eyed each and every boy in that bunch. Napatingin uli ako sa kanya nang umayos siya sa pagkakaupo at muli akong hinarap. "Minsan sa buhay natin, dumadaan tayo sa tanong na iyon, Ian. Na para bang pasan-pasan natin ang mundo at ang sarap ng sumuko. Pero itong masasabi ko sa iyo," he said. His eyes were so full of strength and determination. "Each one of us has a demon or two of our own. Maybe the others may have had them worse than the rest of us. At kanya-kanya rin tayo ng pamamaraan kung papaano ito haharapin," he paused for a bit, "Pero ang mahalaga ay huwag mong kakalimutang hindi ka nag-iisa. Huwag mong sarilinin. Huwag mong kimkimin lahat," sabi pa nito kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin sa aming direksyon. "In this world full of hopelessness and darkness, find someone who'll be your light and follow him." Rekka said to me before. Is Reign the light that would give me hope? Tanga, Aya, is there even such thing? Mangdadamay ka na naman ng ibang tao. "May mga kaibigan ka ng pakikinggan lahat ng pinoproblema mo. Hindi man namin kayang pasanin iyon para sa iyo, pagagaanin namin ang loob mo kakatawa hanggang sa mapautot ka," nakangisi nitong sabi at hindi ko maiwasang mapangiti na rin. How is it that it's so easy for him to make me feel better? Konting sabi niya lang, gumagaan na kaagad ang pakiramdam ko. Nakalimutan ko na agad iyong mga masasamang nangyari kanina. "Kita mo? Napapadalas na iyang pagngiti mo," napatigil ako sa sinabi niya, "Lagi ka kasing nakasimangot dati. At least ngayon ngumingiti at tumatawa ka na. In fact, ang cute mo ngang—" Natigilan naman siya sa sinabi at biglang nanlaki ang mga mata. Napanguso ako sa huli niyang pahayag until I couldn't hold back any longer. Tumawa ako nang tumawa sa kanyang sinabi at ipinakitang ekspresyon. "Eh, ikaw pala itong nababakla sa akin!" Sabi ko pa habang tumatawa nang malakas. "Gago!" Sabi nito sabay sapak sa akin, "Kumain ka na nga!" Dagdag pa nito sabay dampot uli noong parang bulateng nasa stick. Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi na natanggal ang ngiti sa mga labi ko. Inihatid niya naman ako kung saan kami nagtagpo matapos kaming makipaglaro sa mga tauhan niya ng isang card game -- unggoy-unggoyan . Itatago noong magbabalasa ang isang card. Pagkatapos ay bibigyan kami ng mga cards na kailangan naming ipagpares-pares hanggang sa wala ng pares ang matira. Kukuha kami ng isang card sa katabi mo at titignan kung may pares ba iyon sa mga baraha mo. Kung meron, kukunin iyong pares na iyon at ilalapag sa mesa. Kung wala, magiging baraha mo iyon. Ganoon ang gagawin niyo hanggang sa may isang taong matitirhan ng isang card na walang pares at siya ang tatawaging 'unggoy'. That was my first time playing that game and I admit it was super fun. In fact, that was the first time I ever played with someone – the first time I ever spend with someone nang hindi ako pinandidirihan o iniiwasan. Kung ganito naman pala kasaya, hinding hindi ko na sasabihin sa kanila ang katotohanan sa aking pagkatao. Well, at least, for now hinda na muna. I don't want them to reject me just because I lied about my gender. "Sigurado kang dito ka lang magpapahatid? Sabihin mo na kasi kung saan iyong bahay niyo nang mahatid kita sa mismong pintuan niyo. Hindi safe dito lalo na't mag-isa ka lang," usal ni Reign sabay linga sa paligid to check if safe ba akong iwan doon. "Oo, dito na lang. Sigurado naman akong nasa loob pa ng bahay na iyan ang mga kasama ko. Hindi iyon aalis hangga't hindi ako lumalabas," sabi ko na lang nang matapos na siya sa pag-aalala. "Sigurado ka?" Tanong muli nito. "Oo nga sabi. Ang kulet. Bakit hindi mo na lang kasi sabihing gusto mo pa akong makasama nang mas matagal?" Panunuya ko rito sabay ang pagtaas-baba ng aking mga kilay. Agad namang napaawang ang bibig nito sa aking ginawa. "Ul0l!" Asik nito ng makabawi, "Alis na nga ako at baka kung ano pang kag@guhan iyang maisip mo," sabi nito sabay sakay sa kanyang motor. Bigla akong nakaramdam ng lungkot seeing him leave. Wala sa sarili akong napakapit sa manggas ng kanyang leather jacket. Napatingin naman ito agad sa dakong iyon bago niya ako tinignan sa mukha. His eyes were questioning my gesture. "Uh... p-pwede ba akong bumalik... doon?" Nahihiya kong tanong sabay iwas sa kanyang mga berdeng mata at tiningnan na lang ang aking mga paa. Ilang sandali pa ang lumipas pero hindi pa rin siya sumasagot. Of course. What was I even thinking asking him such— "Tinatanong pa ba iyan?" Nag-angat ako ng tingin and saw him grinning, "Kaibigan ka na namin, bata. Welcome ka doon kahit anong oras," he said as he put his helmet on and quickly gave me a teasing wink. I felt warmth filling up my heart as he said that. Hindi ko na napigilan pa ang ngumiti sa galak na nadarama. I reached out to him and quickly pulled him in for a hug. "Arigatou," I said as I turned around, jumped and started climbing up the wall towards the Sakura tree.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD