COLEEN'S POV Agad akong napa tingin sa aking likuran ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan. Bumungad sa'kin ang lukot na mukha ni trich, naka nguso ito na para bang banas na banas siya ng husto at hindi ko alam ang dahilan. "Anong nangyari?" Agad kong tanong sa kanya. Bago niya ako sagutin ay inisa-isa niya munang nilapag lahat ng dala niyang groceries dahil naubusan kami ng stocks. "Wala naman masyado, nakipag talo lang ako sa taxi driver. Akalain mo ba namang dayain yung metro niya at ang laki ng siningil niya sa'kin na pamasahe." Pag kwento niya. Bakas din sa boses niyang naaasar talaga siya, kaya ang ginawa ko nalang ay nilapitan siya at tinapik ang kanyang balikat para pakalmahin. Dahil ayaw ko ng silaban pa ang pagkaka asar niya at baka mag wala. Nang mapansin kong naging

