Thea Elise Mangiyak ngiyak ako nung sumilip ako sa binatana ng Spectrum jet. Kitang kita ko na kasi ang nag gagandahang castles ng Tuscany. Nung time na gumagawa kami ng Travel Bucketlist ni Nicky, alam ko na agad ang number one sa listahan ko..yun din kasi ang number one sa Life Bucketlist ko. Visit Tuscany. Hindi ko alam, siguro na fascinate ako sa castles dito, kahit nga nung kami pa ni Christopher--there was a time na nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga pangarap namin--that was a rare moment..bago pa man yung pambubugbog niya sakin. At isang napagkasunduan namin ay magpakasal dito---what a waste of wishful thinking. Pero kahit na may bahid na bad memories yung kagustuhan kong makapunta dito, it didn't really matter kasi there's something about the place..na parang hinahatak ak

