Grayson Fitzgerald "Son? Oh my son!" Medyo malabo na yung paningin ko, pero pilit ko pa rin inaaninag ang daan habang inaalalayan ni Ace. Hindi na ako nag attend ng Charity Ball, pagkaalis ni Thea, dumiretso na ako sa Spectrum jet at bumyahe papunta dito sa New York. Kailangan ko ng makausap si Cecile. I have to make a choice..hindi ko na kaya na wala si Thea. Nakatulugan ko sa jet ang pag inom, at eto nga akay akay na ako ni Ace papasok sa bahay namin. "Son, anong nangyari sayo? Ace bakit lasing na lasing siya?" Nagaalalang tanong ni Cecile. Isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko---na nagawa kong ipagkanulo ang pinakamamahal kong babae para lang maprotektahan siya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, I want to hate my mother at the same time I want to hate mysel

